CHAPTER 64

188 13 0
                                    

SAM'S P.O.V
Nakatingin lang ako sa kanya, Ewan ko ba, until now hindi parin ako makapaniwala. Grabe iyong effort niya, akala ko simpleng date lang ito pero,hindi pala. 
"Baka matunaw ako niyan"rinig Kong sabi niya, napa-iwas naman ako ng tingin
"Sobrang pogi ko ba sa paningin mo?"nakangitingsabi niya pa,sabay kindat. Ngumiti naman ako,
"Sobra"sagot ko sa kanya, "paano mo nagawa ito, best effort ka dude"dagdag ko pa.
"Ganun talaga,pagdating sayo dapat the best, kaya nga talagang pinaghandaan ko itong araw na ito. Kahit konting oras lang ang preparation, hindi naman ako papayag na waley lang ang kalalabasan. Kaya kaagad kong hiningi ang tulong ng mga friends ko para dito, kahit sina Gigi at angel, tumulong din."pagkukuwento pa niya, ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat talaga, feeling ko ang special ko"sabi ko pa sa kanya
"Special ka naman talaga"seryosong sabi niya. 
"Special child ganun?"pagbibiro ko
"Parang"natatawang sagot niya, sinamaan ko naman siya ng tingin sabay hampas sa kanya.
"Joke lang! Eto naman hindi na mabiro. Special ka talaga Sam, special ka para sa akin Sam. Hindi ko nga alam kung bakit eh? Kung ano ginawa mo sa akin? Hindi kaya ginayuma mo ako?"sabi pa niya, lalo ko naman siyang hinampas
"Hoy! Anong tingin mo sa akin? Ginayuma ka diyan! Baka ikaw pa?"balik na sabi ko sa kanya, natawa naman siya
"Hindi ko na kailangan gayumahin ka, dahil sa charm ko pa lang patay na patay ka na"pagyayabang pa niya
"Wow grabe! Pogi mo tsong! Bilib din ako sa bilib mo sa sarili mo eh ano?"pambabara ko sa kanya.
"So, walang epekto ang charm ko sayo?"pagtatanong niya sabay lapit niya sa akin.
"Konti lang"kinakabahang sabi ko, 
"Konti lang talaga?"paninigurado pa niya habang inilalapit ang mukha niya sa akin. Ako naman ay unti-unting lumalayo.
"Oo"sagot ko habang patuloy na umuurong, buti na lang talaga malapad itong hinihigaan namin.
"Talaga ba? Bakit parang kinakabahan ka diyan?"pagtatanong niya ulit.
"Hindi no!"pagtanggi ko habang umuurong.
"Talagang-talaga? Bakit ka umuurong diyan?"pagtatanong niya ulit. 
"Eh lapit ka kasi ng lapit eh"sagot ko naman sa kanya, tumawa lang naman siya at patuloy na lumalapit.
"Bakit natatakot ka?"tanong niya pa. Umiling naman ako, uurong pa sana ako kaso wala na. Nasa may gilid kasi ang mga pagkain. 'Patay!' Kita ko naman ngumiti siya
"Paano ba iyan? Wala ka ng uurungan"nakangiting sabi niya pa, napalunok naman ako.
"Ano bang ginagawa mo? Pwede ba lumayo ka nga!"sabi ko sabay tulak sa kanya.
"Bakit natatakot ka ba? Ganun ba kalakas ang karisma ko sayo?kaya naiilang ka diyan"sabi niya pa
"Kapal mo? Hindi no!"tanggi ko sabay tulak sa kanya.
"Hindi daw,sige nga patunayan mo"paghahamon niya sa akin. 
"Anong patunayan ka diyan?"kinakabahang tanong ko
"Patunayan mo na hindi ka natatakot"sagot niya
"At paano ko gagawin?"tanong ko ulit. Ngumiti naman siya ng nakakaloko, parang kinakabahan ako sa trip nito ah.
"Sa pamamagitan nito "sabi niya sabay hila sa akin, palapit sa kanya. Dahilan para matumba kaming dalawa. 
"Ano ba!"reklamo ko at akmang tatayo, pero hinila niya ulit ako. 
"Sandali lang!"pigil niya sa akin.
"Ganito muna tayo"sabi pa niya. Napatigin naman ako sa kanya, at mukhang wrong move kasi nagtama ang Mata namin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ramdam mo ba iyon? Naririnig mo ba?"pagtatanongpa niya.
"Ang alin?"tanong ko habang nakatitig parin sa kanya.
"Ang tibok ng puso ko"sagot niya, "naririnig mo ba ang lakas ng tibok ng puso ko, dahil sayo"dagdag pa niya. Sabay lagay ng kamay ko sa may dibdib niya.
"Nararamdaman mo ba,Sam?, ganyan ang epekto mo sa akin"patuloy pa niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. 'Oh my Heart!'
"Ayyy!"sigaw ko,nang bigla niyang baliktarin ang tayo namin. Kung kanina ako iyong nasa ibabaw niya ngayon naman siya. Feeling ko magkakasakit ako sa puso nito.
"Sam"mahinang banggit niya sa pangalan ko habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
'Teka ano ano ba ang gagawin ko? Iiwas ba ako? Itutulak siya?, bahala na' pumikit na lang ako.
"Sam"tawag niya ulit,
"Hmmm.."habang nakapikit parin.
"Open your eyes"utos pa niya, kaya minulat ko ang aking mata, bumungad sa akin ang mukha niyang nakangiti, kaya napangiti na lang ako. Habang ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Huwag kang mag-alala, wala naman akong balak na halikan ka"sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.
"Eh ba-"
"Hindi pa ako tapos"putol niya sasabihin ko. "Wala akong balak na halikan ka, ng walang permiso mo"pagpapatuloy niya.
"At wala akong balak na biglain ka, gusto ko sa susunod na ikiss kita, aware ka. At magiging memorable sa ating dalawa"nakangiting sabi niya pa. At bumangon na siya at inilalayan akong umupo ng ayos.
"Bakit ba ang sweet, sweet mo"sabi ko sabay pisil sa pisnge niya.
"Aray! Huwag mo namang panggigilan mukha ko, kiss mo na lang! Mas okay pa"hirit naman niya. 
"Sa galing din"sabay palo ko sa kanya "kumain na nga lang tayo, gutom lang iyan"pag-aaya ko sa kanya. Tumawa lang naman siya. 
Tahimik lang kaming kumakain habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sana may camera akong dala para makunan ang moment na ito....

Done😊
Hope u like it guys😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon