CHAPTER 73

150 9 0
                                    

BAKLA P.O.V
Dali-dali akong umalis, pagkababa ko pa lang pansin ko na ang mga emplayado kong nakatingin sa akin. Pero wala akong time para sa kanila. 
"Manong guard, napansin niyo po ba si Sam?"tanong ko Kay manong guard, nang makalapit ako sa kanya.
"Madam kayo po pala, good morning po. Si Sam po, umalis po siya eh, nagmamadali nga po at umiiyak pa"sagot naman niya.
"Ah sige po, salamat"sabi ko at dali-daling umalis. Isa lang ang pwede niyang puntahan ngayon, at iyon ay sa bahay. Agad akong nagmaneho papunta sa bahay. 
"Pambihira naman! Kung kailan ka nagmamadali, kung kailan pasigla itong traffic na ito!"naiinis na reklamo ko.
"Ano ba! Buwesit!!"pikon na sabi ko pa. Wala akong magawa kung hindi maghintay na umusad ang traffic. Sinusubukan kong tawagan si Sam, kaso hindi ko siya macontact.
"Buwesit!!"naiinis na sabi ko sabay talsik ng cp ko. Bakit ba kapag ganitong sitwasyon ang cp ay hindi mapakinabangan.
Maya-maya pa ay lumuwag na ang traffic. Hay salamat! Agad kong binilisan ang pagmamaneho. 
Nang makarating ako sa bahay, agad ko siyang hinanap..
"Sam!!!"pagtawag ko sa kanya, habang nililibot ang bahay.
"Sam!! Please!! Pakinggan mo naman ako oh"sigaw ko pa, pero hindi siya sumasagot at hindi ko din siya makita. Agad kong tinungo ang kwarto niya. 
"Sam! Nandiyan ka ba? Please kausapin mo naman ako oh. Please mag-usap tayo"pakiusap ko sa kanya habang kumakatok. Pero hindi siya sumasagot, bahala na! Kinuha ko ang duplicate ng susi ng kawarto niya at binuksan ito.
"Sam!"pagtawag ko sa kanya, pero gulat ko ng wala siya sa loob. Bigla akong kinabahan, 
"No! Hindi pwede!"nasabi ko na lang at tiningnan ang mga gamit niya. 
Napaupo na lang ako,at tuluyang napahagulhol ng makita kong wala ang mga gamit niya.
"Sam!!!"sigaw ko 
"Sam!! Please lumabas ka na oh! Nandito ka lang di ba? Nagbibiro ka lang? Please Sam..huwag mo akong iwan"umiiyak na sabi ko.
"No! Hindi pwede!! Hindi mo ako iiwan di ba? Nangako ka! Sabi mo...hindi..mo..ako..iiwan...Sam"
Patuloy lang ako sa pag-iyak, at pagtawag sa pangalan niya.
"Sam!! Huwag..mo..naman..itong..gawin..sa..akin..oh."pakiusap ko pa kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Tumayo ako para hanapin siya, kung kailangan kong libutin ang buong bahay, gagawin ko. Umaasa akong baka nagtatago lang siya..
"Sam!! Lumabas ka na..please!!!. Mag-usap tayo please...pakinggan mo muna ako...mali kasi..yung...pagkakaintindi mo...Sam."iyak lang ako ng iyak parang baliw na paikot-ikot sa bahay. 
"Sam!!!"sigaw lang ako ng sigaw.. Pero ni anino niya, wala parin akong nakita. Napaluhod na lang ako, at umiyak ng umiyak...iniwan na ako ni Sam!!
"Sam....bakit mo ako iniwan? Bakit..hindi..mo..muna..ako..hinayaan..magpaliwanag"hinang-hina na sabi ko.
"Sam!!!"pagtawag ko pa sa kanya, halos pagod na pagod na ako at hinang-hina dahil sa pag-iyak. Pero patuloy parin ako sa pag-iyak. 
"Sam...sam...sam"paulit-ulit na banggit ko sa pangalan niya..
"Mahal na mahal kita Sam"huling nasabi ko bago kainin ng dilim ang buong paligid ko....

-done na ang 73 
Kawawa naman si bakla😢
Nasaan na ba si Sam?
Maikli lang chapter na ito bawi na lang ako sa next chapter hehehe😊✌

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon