CHAPTER 13

278 16 0
                                    

CHAPTER 13

SAM's P.O.V.

Good morning sunshine!!! maaga ako gumising ngayon, siyempre unang araw ko para paglingkuran ang kamahalan. Mahirap na baka mabadshot na naman ako sa kanya. Agad akong nag-ayos at inihanda ko narin gagamitin ko para sa trabaho pamaya, magluluto lang ako. Habang abala ako sa pagluluto ng....

"OH MY GOSH!!!!!" rinig kong sigaw, agad namang akong napatingin sa likuran ko. Problema nito? Agang-aga sumisigaw

"Madam bakit po? Anyare ? Bakit po kayo sumisigaw?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. 

"Ikaw!!!" Sabay turo sa akin

"Po! Ako?, ano po ginawa ko?" nagtatakang tanong ko ulit sa kanya

"Ewww,yuck!!!!!" Ha? " bakit ganyan ang suot mo?" Parang nadidiring tanong niya.

Ano problema niya sa suot ko? Okay naman ah!. Masama na ba magshort at sando ngayon? 

"Ano po problema sa suot ko? Okay naman po ah? Sexy ko kaya" may halong pagmamalaking sabi ko.

"Yuck!!! Sexy ka diyan, magpalit ka nga!"utos niya sa akin.

"Ano po bang problema dito sa suot ko? Atsaka pamaya naman po ay maliligo na ako, after ko pong mag-almusal" sagot ko

"No!! Magpalit ka muna!! Bago kumain" bakit ba, problema nito? Tiningnan ko sarili ko, okay naman ah

"Madam malelate na po tayo, kaya kumain na po kayo. At gutom narin po ako" pag-iiba ko ng usapan. Uupo na Sana ako ng..

"Hep! Hep! Hep!! No!!! Lumakad ka sa taas at magpalit, go!!!"pigil niya sa akin. Teka nga, 

"Ano po ba problema niyo sa suot ko?" tanong ko habang papalapit sa kanya. Kitang-kita ko kung paano siya unti-unting humahakbang palayo. Hmmmm...

"Huwag kang lalapit!!! Kadiri ka!!!" Ano raw kadiri ako? Sexy Kong ito? Tingnan natin hahaha.. 
Patuloy akong lumapit sa kanya..

"Eh bakit parang natatakot po kayo?" natatawang sabi ko.. Oras na ng pagbawi...hahaha

"Pwede ba Ms. Ocampo!! Lumayo ka nga, baka gusto mo palayasin kita, at mawalan ka ng trabaho" pagbabanta niya habang patuloy paring lumalayo. 

Hahaha takot na takot siya ha... Takutin ba ako? Kala niya ha.... Kita ko wala na siyang mapupuntahan
Hahaha Corner ka ngayon bakla....

"Wala naman pong problema sa suot ko eh, tingnan niyo po sa malapitan" sabi ko at patuloy na lumalapit sa kanya "sexy ko ba Madam?" Hahaha nakakatawa reaction niya, d ko alam kong nadidiri ba o natatakot..

"Ms. Ocampo, binabalaan kita!!!" Sigaw niya. Hahaha LT to grabe kaysa matakot sa kanya, lalo akong lumapit

"Tingnan niyo po muna Madam," pang-aasar ko sa kanya. Siya naman pulang-pula na, at hindi makatingin.

"Lumayo ka nga please lang" may halong pagmamakaawa sa boses niya

"Don't tell me Madam,"

oh my di kaya!!!

"At ano naman naiisip mo?, lumayo ka nga!!" Sabay tulak niya sa akin.

"Hindi kaya naaapektuhan kayo sa akin,, hahaha ganun ba ako kasexy sa paningin niyo Madam" pang-aasar na sabi ko. Nanlaki naman ang Mata niya.

"Madiri ka nga sa mga pinagsasasabi mo!!" Nadidiring sabi niya, sabay tulak sa akin.

"Wait lang po!!!" Pigil ko sa kanya ng....

"Ahhhh!!!! Aray!!!!" Yun na lang nasabi ko ng bigla niya akong itulak. Kaya naman ang ending natumba ako kasama siya. Malas lang kasi ako yung nadag-anan. Awww.... Napatingin naman ako Kay Madam. Nakapikit siya...hahahaha pero wait, infairness gwapo siya sa malapitan...

"Madam" tawag ko sa kanya

"Oh" sagot niya habang nakadag-an parin 

"Ang bigat po,!!" Doon lang siya natauhan at agad tumayo. Aray ang sakit ng likod ko. Ang bilis talaga ng karma

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon