CHAPTER 27

270 16 0
                                    

CHAPTER 27
SAM'S P.O.V
Masaya ako!, yes masaya ako iyon ang nararamdaman ko. Alam ko simpleng bonding lang ito pero okay lang, masaya ako kasama siya. Alam ko bakla siya pero hindi ko mapigilan na kiligin kapag kasama siya. Hay! Ewan ko ba, bahala na...
"Tsk, para kang bata kung kumain, tingnan mo oh!"sabi niya sabay turo sa mukha ko 
"Ha?"sabay punas "wala naman eh" 
"Akin na nga! Ako na" sabi niya sabay lapit. Nakatingin lang ako sa mukha niya, bakit parang pakiramdam ko habang patagal ng patagal pagwapo siya ng pagwapo sa paningin ko. Bakla anong ginawa mo sa akin!!!
"Look oh ang sweet nila"
"Oo nga, ang sweet ni Kuya Kay ate girl no" 
"Ganda ni ate girl,tapos ang pogi ni Kuya, bagay sila" rinig naming usapan ng mga grupo ng kabataan malapit sa amin. Napangiti naman si bakla.
"Oh bakit ka nakangiti diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala lang, narinig mo ba iyong usapan nila?" Tanong niya rin sa akin 
"Malamang, oh anong connect?" Tanong kp ulit.
"Kasi sabi nila bagay daw tayo" nakangiting sabi niya.
"Oh tapos? Huwag mong sabihin kinikilig ka?" Sana 
"Oo masama ba?" Pag-amin niya.
"Totoo kinikilig ka?" D makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo, hindi naman porke't bakla ako, d na ako pwedeng kiligin" sagot niya. So ibig sabihin may pag-asa pa!!!!! Yes!!
"Hindi ka nadidiri, you know?"paninigurado ko pa.
"Bakit naman ako madidiri, sa Ganda mong iyan choosy pa ba ako" sabi niya habang nakangiti sa akin. Oh my bakla!! Huwag mo ako masyadong pakiligin, baka umasa ako lalo...
"Huwag ka ngang bolero" sabi ko sa kanya.
"Hindi kita binobola, seryoso ako Sam" OMG!!!pwedeng sumigaw...
"Alam mo huwag ka nga!"saway ko sa kanya.
"Oh bakit?"takang tanong niya.
"Kasi naman, hindi na kita maintindihan, naguguluhan na ako sa mga kinikilos mo. Minsan babakla-bakla, tapos minsan naman ganyan," pag-amin ko.
"Kahit ako rin naman naguguluhan na eh! Hindi ko narin maintindihan ang sarili ko," seryosong sabi niya. 
"Ano ibig mong sabihin?"naguguluhang sabi ko
"Ewan ko, hindi ko nga maintindihan di ba?" Ano ba yan? Andun na eh..
"Ewan ko sayo!!" Siya na ang dakilang paasa.
"Pero seryoso, hindi ko talaga maintindihan, pero pwede ba enjoyin na lang natin ito, pwede bang kalimutan muna natin ang mga tanong, focus tayo sa ngayon."sabi niya pa
"Okay" Bahala na, tama siya enjoyin na lang kung anong meron kami ngayon.
"Thank you crazybhabe" tapos ngumiti siya sa akin. Iyan na naman iyong call sign niya..
"Bakit ba kasi crazybhabe?" 
"Gusto ko lang, ayaw mo ba?" 
"Hindi naman sa ganun" sa totoo nga gustong-gusto ko.
"Yun naman pala eh, pwede mo rin naman akong tawagin ng bhabe kung gusto mo" sabi niya pa.
"Ayaw ko nga" 
"Dali na! Please! Kahit ngayon lang!" Pagpapacute niya.
"Okay po my Bekibhabe" nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti din naman siya.
"San mo gusto pumunta, o anong gusto mo gawin crazybhabe?" Tanong niya.
"Kahit ano o kahit saan..basta kasama ka" sabay kindat sa kanya. 
"Ikaw ha bumabanat ka ha!" 
"Kinikilig ka naman" tukso ko pa
"Oo" sagot niya. Ako naman ang natameme
"Tara na nga, gala na lang tayo" sabay kuha ng kamay ko. HHWW lang ang peg....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon