CHAPTER 11

281 17 0
                                    

CHAPTER 11

SAM's P.O.V

Dali-dali akong tumakbo papuntang apartment ko. Hindi ko alintana ang sama ng pakiramdam ko. Kailangan kong mapigilan si aling martha , dahil kung hindi huhuhu.... Kawawa ako nito. Bakit ba sadyang kamalas ko....

"Aling Martha sandali lang po, pag-usapan po muna natin ito" pakikiusap ko sa kanya, habang pinupulot ang aking mga gamit.

Yeah! Tama kayo ng basa pinapalayas na ako sa apartment na tinitirahan ko.

"Hay naku Sam!!! Sawang-sawa na ako sa mga dahilan mo!!, ilang beses na kitang pinagbigyan. Pero ano hindi ka parin nagbabayad, kaya sige!! Lumayas ka na!!!" sabi niya sabay tapon ng mga gamit ko..

"Parang awa niyo na po Aling martha, nakiki-usap po ako sa inyo" pagmamaka-awa ko" magbabayad naman po talaga ako, promise po kapag sumahod ako ibibigay ko kaagad sa inyo. Please po huwag niyo naman po akong palayasin. Wala po akong matutuluyan, Alam niyo naman po na mag-isa na lang po ako sa buhay. Parang awa niyo na po" pakiki-usap ko habang umiiyak.

Pagpinalayas ako dito wala na akong mapupuntahan, wala naman akong kakilala dito, ulilang lubos. Wala rin akong pera para humanap ng ibang matitirahan. Kahit kailan talaga ang malas-malas ko huhuhu....

"Wala na akong paki alam dun Sam! Ang mabuti pa ay umalis ka na, At bukas at dadating na ang bagong rerenta dito. Kaya kahit magmakaawa ka diyan di na kita mapagbibigyan. Kaya Alis na!!!!" pagtataboy pa niya. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang. Masama na ang pakiramdam ko tapos wala pa akong matitirahan.

"Anong nangyayari dito?" napalingon naman ako sa nagsalita. "Madam?" gulat na sabi ko

"Hey!, bakit ka umiiyak?,bakit nagkalat mga gamit mo?, anyare?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Hindi ba obvious, eh kitang-kita naman po na pinalayas na ako ng bahay" sabi ko habang umiiyak

"Ay sorry!! Hindi ko alam" sabi niya habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko.

"Huhuhu... Bakit ba ang malas-malas ko?!!!" Naiiayak na sabi ko.

"Hindi ko alam san ako pupunta nito" nanlulumong sabi ko

"Hey, tahan na"sabi ni madam sabay punas ng mga luha ko.."lalo kang pumapangit niyan eh" dugtong pa niya. Pinalo ko naman siya, umiiyak na nga ang tao, pinulaan pa niya.

"Hahaha...joke lang gusto ko lang naman patawanin ka"

"Alam ko naman po, salamat po ha." Naiiyak parin na sabi ko.

"Tumahan ka na nga diyan, Tara na" sabay aya niya sa akin.

"San naman po tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Di ba wala ka namang mapupuntahan?"

"Opo" sagot ko sa kanya.

"Eh d sumama ka na lang sa akin, sa bahay" nakangiting sabi niya. Wait sa bahay niya????

"Po!!??" Gulat na sabi ko

"Oy!oy!! Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, wala akong masamang balak sayo" nadidiring sabi niya. Grabe nadidiri talaga?

"Wala naman po akong sinasabi ah" agad na sagot ko. "Pero patitirahin niyo ako talaga sa bahay niyo?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Oo na hindi" sagot niya.

Ha? Ano raw?

"I mean oo patitirahin kita sa bahay ko. Pero huwag kang umasang libre ha." Paalala niya. Sabi ko na eh...

" paano po iyon, wala nga po akong pera" malungkot na sabi ko.

"Hindi naman pera eh"

"Eh ano?" Nagtatakang tanong ko

"Simple lang,babayaran mo ako sapamamagitan ng pagiging katulong ko sa bahay" nakangiti niyang sabi.

Pero ano raw? Katulong??

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon