CHAPTER 3 "MADAM D"

475 21 0
                                    

Sam's P.O.V.

Grabe daig ko pang palaging humaharap sa isang malaking giyera. Dahil sa kung ano-ano ang pinagagawa niya sa akin. Panay utos siya, okay lang sana kung related talaga sa trabaho bilang isang secretary niya, kaso hindi e! Kung ano-ano lang! Gusto lang talaga niya akong pahirapan! Kabuwesit siya!

Kung hindi ko nga lang kailangan ang trabahomg ito, nunkang pagtiya-tiyagaan ko siya. Daig pa niyang babaeng nasa menopausal stage e. Palaging high blood! Kahit tama naman ang ginagawa mo, sinusungitan ka parin. Ang sarap niya talagang ilibing nga buhay.

"MS. OCAMPO!" Hayan na nga po! Speaking of the devil. Tumatawag na naman po siya, ano na naman kaya kailangan nito? Hindi talaga siya marunong tumawag ng mahinahon no? Palagi na lang pasigaw!

"Andiyan na po Madam"sagot ko at nagmadali ng pumunta sa kanya.

Baka kasi bumuga na naman ito ng apoy, mahirap na.

"Yes po Madam, may ipag-uutos po kayo sa akin?"nakangiti ko pang tanong sa kanya pagpasok ko. Ngunit inirapan lang naman ako ng bruha.

Sarap manabunot ng bakla!

"Aba'y malamang! Tatawagin ba naman kita kung wala akong ipag-uutos sayo? Isip-isip din!"pabalang na sagot naman niya.

Kalma lang Sam! Boss mo siya, kaya kalma lang. Isang malaking kasalanan kapag pinatay mo siya.

"Hehehe, sabi ko nga po" sagot ko na lang. Kailangan kong magtimpi, dahil siya parin anv boss ko.
"Ano po ba ang maipaglilingkod ko sayo Madam?"tanong ko pa sa kanya.

"Whatever!" Irap pa nito.

Sarap tusukin ng mata niya!

"Pakitawagan nga si Carol, sabihin mo kailangan ko siya"utos niya. Palihim na napairap na lang ako sa kanya. Ayun lang pala ang iuutos niya, pinatawag pa ako. Pero okay! Sige na! Pagbigyan na si Bakla!

"Okay po Madam" nakangiti ko paring sagot bago nagtungo sa may telepono para tawagan si Carol.

Tamad talaga nito! Nasa malapit lang naman ang telepono, hindi pa niya natawagan. Kailangan talaga iutos pa? Sadyang nang-aasar lang talaga ang bakla. Inggit yata sa ganda ko, kaya pinapahirapan ako.

"Hey!" Pigil nito sa akin. Kaya naman, kunot-noo ko siyang tiningnan. Problema naman nito?
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Di ba sabi ko sayo tawagan mo si Carol?"

Ay bobo talaga! Bulag lang ang peg? Di ba ganun nga ang ginagawa ko?

"Oo nga po" sagot ko. "Kaya nga po, heto oh! Tinatawagan ko na po siya, para po pumunta po siya dito"paliwanag ko pa sa kanya.

"Bobo talaga"irap pa nito.

Pigilan niyo ako guys! Talagang tatamaan sa akin ang baklang ito! Ako pa ang sinabihan ng bobo, ay mas bobo pa naman siya kaysa sa akin.

"Oo nga, Sinabi ko ngang tawagan mo siya. Pero hindi ko sinabing sa telepono mo siya tawagan. E di kung ganun din lang naman, edi sana ako na lang ang gumawa"

E bakit di mo ginawa? Utos ka pa diyan! Akala mo naman wala akong ginagawa. Gusto ko sanang isagot, kaso baka bigla na lang niya ako ipatapon.

"Ano pong ibig niyong sabihin Madam?"pagtatanong ko pa. Kahit may pakiramdam na ako sa ibig niyang gawin ko. Huwag naman sana, baka masabunutan ko siya.

"Ang ibig kong sabihin ay puntahan mo soya mismo sa floor niya" nakangiti pa nitong sabi.

What the! Kung di lang talaga kasalanan ang pumatay! Kanina ko pa sana siya sinaksak ngayon. Kaimbiyerna siya! Gustong-gusto niya talaga akong pahirapan.

"Ang ibig niyo pong sabihin ay kailangan ko pong bumaba para lang puntahan siya?" Di makapaniwalang tanong ko pa sa kanya.

"Malamang! Alangan naman na ako ang pumunta sa kanya? E ikaw ang inuutusan ko"pilosopong sagot pa nito.

Kaunting-kaunti na lang talaga! Patay ito sa akin.

"Pero po Madam, pwede naman pong tawagan na lang natin siya sa telepono. Bakit kailangan ko pa pong pumunta sa kanya?" Giit ko. Tiningnan naman ako nito ng masama.

"No!" Sigaw nito. "Kailangan mong pumunta sa kanya! That's my order!"

Kainis talaga!

"Pero po,"angal ko pa.

Hindi naman sa nagrereklamo o ayaw kong sundin siya. Ang sa akin lang naman ay sobra naman siya! Papuntahin ba naman ako sa groundfloor? E nasa top floor kami ng company. Di ba ang tindi?! Pwede naman tawagan na lang sa telepono e,  sadyang pinapahirapan niya lang ako.  Tapos aapurahin pa niya ako! Akala mo naman wala akong ginagawa? E sobrang dami ng trabahong itinambak niya sa akin. Buwesit siya!

"Ms. Ocampo, tatanungin nga kita. Sino ba sa ating dalawa ang boss?" Tanong pa nito sa akin.

"Kayo po" sagot ko.

"Iyon naman pala e, ano pang hinihintay mo? Gawin mo na ang pinag-uutos ko sayo. Bago pa uminit ang ulo ko diyan sa kakapero mo!"sigaw pa nito.

Kainis talaga! Kailangan talagang sumigaw? May araw din sa akin ang baklang ito.

"Pasensiya na po, Madam. Gagawin ko na po" sagot ko na lang. Kahit sa loob-loob ko ay nais ko na siyang kalbuhin ngayon.

"Ganyan nga! Susunod ka din naman pala, pinatagal mo pa. Kung kanina mo pa sana ginawa, e di sana nakabalik ka na ulit" umiiling na sabi pa nito.
"Sige na! Layas na! Naistress ang ganda ko sayo e" pagtataboy pa nito.

Wow ha! Kakahiya sa kanya! Atsaka ano raw? Ganda? Kapal talaga ng mukha. Akala mo naman meron siya niyon. Wala siguro siyang salamin sa bahay, kung meron naman baka basag o malabo.

Kaya kahit mastress pa siya, walang mababawas na ganda sa kanya, dahil wala naman siya niyon.

"Akala mo naman ay may mababawas na ganda sa kanya. Kaloka siya!"bulong ko pa.

"Ano iyon Ms. Ocampo? may sinasabi ka ba?" Tanong pa nito. Lihim na lang akong napairap.

"Po? Wala po"tanggi ko.
"Ang sabi ko po ay aalis na po ako, para tawagan si Ma'am Carol" palusot ko pa.

"Okay! Akala ko ay minumura mo na ako e" sabi pa nito. Buti alam mo!
"Sige na! Lumayas ka na!"

Blah! Blah! Blah! May araw ka din sa akin Bakla ka!

"Sige po, Madam D este G."sabi ko saka mabilis na umalis. Takot ko lang no, baka bugahan pa niya ako ng apoy.

Pero wait! Bakit nga ba hindi Madam D ang itawag sa kanya? short for Madam D (Devil) di ba bagay? Kaysa naman Madam Ganda, e wala naman siyang ganda.

                       ⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛

Matutong magtimpi, kahit gaano ka pa kainis o kagalit.

                      ⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛⬛

 

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon