CHAPTER 18

268 19 0
                                    

CHAPTER 18 
SAM'S P.O.V
Good morning sunshine!! Napakaganda ng gising ko, sobrang aga pa pero okay lang. Maaga akong naghanda, may trabaho na naman siyempre, kaya kailangan maaga pa lang naayos ko na ang lahat. Agad akong bumaba at pumunta sa kitchen para magluto. Pero gulat ko ng makita ko si bakla na nagluluto na, actually patapos na.
"Oh gising ka na pala! Good morning!" Nakangiting bati niya. Ha? Wait! Totoo ba ito? Kinurot ko pisnge ko "ouch" masakit, ibig sabihin totoo nga...
"Hoy! Tulala ka diyan! Okay ka lang?" Tanong niya sa akin sabay lapit.
"Ah..eh..oo okay lang ako, hehehe nagulat lang" sagot ko sa kanya. 
"Ano naman nakakagulat?, masama bang ako naman ang magprepare ng breakfast nating dalawa?" Nakangiti niyang sabi habang nagpapacute. Teka lang ha... Anong nangyayari sa kanya? Sinapian ba siya?? Bakit ang bait niya ngayon?
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya, sabay hipo sa noo niya "wala ka namang sakit" sabi ko pa. Tumawa lang naman siya
"Grabe ka naman! Parang kulang na lang sabihin mo ang sama-sama ko talaga. Hindi mo ba nagustuhan itong ginawa ko" parang nagtatampong sabi niya.
"Eh, hindi naman sa ganun! Hindi lang talaga ako sanay" pag-alo ko sa kanya.
"Eh di masanay ka na, Tara na nga kumain na tayo, baka lumamig pa itong pagkain natin" pag-aya niya sa akin. Siya narin naglagay ng pagkain ko, ano ba talaga nangyayare sa kanya? Ano naman ba trip nito?
"Hoy! Parang ako yata ang gusto mong kainin ah" napatingin naman ako sa kanya "ha?" Tanong ko.
"Bakit ba kasi tulala ka diyan?, ayaw mo ba ng niluto ko?" Tanong niya.
"Hindi ah!!! Gusto ko.. Oo gusto ko" parang Ewan na sagot ko. Naku Sam!! Huwag kang papadala sa baklang iyan! Malakas lang talaga siyang mantrip!!
"Ang weird mo! Para kang baliw" sabi naman niya. Ako pa ang weird? Siya itong weird minsan galit, tapos lakas makaasar tapos ngayon sobrang bait, take note ang sweet niya pa.... 
"Para yatang sa ating dalawa ikaw ang weird" sabi ko naman sa kanya."ano na naman ba trip mo?"tanong ko
"Ha? Ako ang weird?" nagtatakang tanong niya. "Atsaka hindi kita pinagtitripan ha, grabe ka naman sa akin" sabi niya tapos umarte siyang parang nasasaktan. Napangiti naman ako sa itsura niya...
"Hahaha umayos ka nga, para kang Ewan diyan. Hindi ka cute tingnan" sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Sumosobra ka na talaga" sabay nguso niya " kanina sabi mo pinagtitripan kita tapos ngayon naman hindi ako cute, ouch!" Hindi ko na napigilan tumawa.
"Hahaha, tumigil ka na nga! Hindi ka cute....kasi...." Naiilang na sabi ko..
"Kasi?" Tanong naman niya.
"Kasi.... Eh naman.... Wag na nga.." Nahihiyang sabi ko..feeling ko pulang-pula na ako ngayon
"Ano nga kasi iyon?" Pangungulit niya.
"Ehhh.... Hindi ka cute tingnan kasi.......pogi ka" sabi ko sabay taklob sa mukha ko.. Umayos ka nga Sam!!! Hindi naman siya umimik. Ayaw ba niya? Ano ka ba Sam bakla siya tapos sabihan mo ng pogi tingin mo matutuwa siya!!! Saway ko sa sarili ko. Tumingin naman ako sa kanya tahimik siya pero kita ko parang namumula siya.....
"Uy! Namumula ka" tukso ko sa kanya.
"Hindi ah! Make-up lang ito." Tanggi niya, "Tara na nga kumain na lang tayo" pag-iiba niya ng usapan. 
"Okay" sagot ko.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon