Chapter 17

290 21 0
                                    

CHAPTER 17
SAM's P.O.V
Hayy.. Naku kainip, wala magawa nandito lang ako sa bahay, wala kasing trabaho ngayon. Kung tatanong niyo kung kamusta kami ni Madam? Medyo okay naman. Habang tumatagal ako dito sa bahay niya kasama siya, mas nasasakyan ko na ugali niya. At masasabi Kong bumait naman siya,kaso hindi na talaga maiiwasan ang minsang pag-aaway namin.
"Baka gusto mong tumayo diyan mahal na prinsesa. Baka gusto mong maglinis ng bahay, paalala ko katulong ka parin dito. At ikaw lang ang nakita kong katulong na ma's marami pang tinunganga kaysa ang may ginawa." Ay grabe naman siya! Masama bang mamahinga? Atsaka nakakatamad maglinis kung malinis na naman ang lilinisin.
"Pwede ba pamaya na lang, higa muna ako" tamad na sagot ko sa kanya.
"Aba! Matinde! Ayos ka rin, bumangon ka diyan at maglinis" utos niya. Kaasar naman ito oh, kita ng nakahiga ang tao.
"Ah eh tinatamad pa po ako"
"Tatayo ka diyan ng kusa? O ako mismo magtatayo sayo? Pananakot niya.
"Eto po tatayo na" pagsuko ko sabay tayo. Siya naman ang humiga. Ay hindi pwede iyon, porket amo ko siya. Hindi ako papayag hahaha..
"Oy! Bawal ang humiga diyan" pagpigil ko sa kanya.
'At bakit naman? Sino may sabi?" Nagtatakang tanong niya.
"Ako, di niyo po ba narinig kakasabi ko lang" sagot ko naman
"At sino ka naman para pagbawalan ako?" Pagtataray niya naman.
"Wala kang pake!" Sagot ko sa kanya. Kung iniisip niyo bakit ganito ko siya sagutin, hindi ko din alam siguro nasanay narin ako.
"Basta sabi ko, bawal mahiga diyan, di ba maglilinis ako ng bahay mo"
"Oh ano naman ngayon?, kung maglilinis ka. Eh d maglinis ka hindi ba yun ang utos ko sayo?" Balik na sabi niya naman sa akin. Sabay higa ulit.
"Tumpak! Kaya bawal kang mahiga diyan" sabi ko sabay hila ulit sa kanya.
"Ano ba!, ano namang connect ng paghiga ko sa paglilinis mo?" Parang naiirita niyang sabi.
"Simple lang naman, dahil hindi lang ako ang maglilinis pati ikaw" kita ko naman nagulat siya
"Ano? Ako? ,at sino ka para utusan ako aber?"tanong niya
"Basta po! Tumayo na lang kayo diyan at ng mabilis tayong matapos" utos ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi tumayo hahaha, panalo na naman ako. Binigay ko agad sa kanya ang gagamitin niya sa paglilinis, kita kung paano sumimangot ang.mukha niya.hahaha
"Hay naku! Hindi ko alam bakit ako pumapayag na ganituhin ako sa sarili Kong pamamahay" bulong niya pero rinig ko parin.
"Kasi nga crush mo ako" sagot ko naman sa kanya.
"Asa pa more! Kabahan ka nga sa sinasabi mo" sabi naman niya
"Ayaw pang aminin, crush mo ako ano?" Pang-aasar ko pa sa kanya.
"Madiri ka nga sa pinagsasabi mo, ako magkakacrush sayo, Malabo" tanggi naman niya. "Sabi mo eh" sabi ko tapos nagtatakbo ako tapos kunwari ay nadulas.
"Ouch!!! Ang sakit!! Aray!!!" Sunod-sunod na sabi ko. Agad naman siyang lumapit
"Talaga naman oh! Hindi ka kasi nag-iingat! Alin ang masakit?" May pag-aalalang tanong niya.
"Dito oh" sabay turo ko sa may paa ko."aww ang sakit" daing ko pa. Kita ko naman na hindi siya magkaintindihan
"Alin dito" sabay hilot ng paa ko " takbo ka kasi ng takbo, iyan nasaktan ka tuloy" sermon pa niya, pero kitang-kita ang pag-aalala niya. Hindi ko na mapigilan mapatawa
"Hahahaha sabi ko na nga eh, crush mo ako" natatawang sabi ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin
"So kunwari lang iyon? Niloloko mo lang ako ganun?" May inis na sabi niya.
"Parang ganun na nga hahaha. Ayaw mo pa kasi aminin na crush mo ako hahaha" tawa lang ako ng tawa
"Bahala ka nga diyan! Buwesit ka!" Sabi niya sabay alis. Hala napikon yata.
"Uy! Joke lang naman yun! Huwag ka ng magalit" paghabol ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.
"Ikaw naman kasi, tinakot mo ako. Di mo ba alam nag-alala ako sayo" sabi niya sabay hawak sa pisnge ko. Feeling ko namula ang pisnge ko dahil dun. Ano ba yan! Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti naman siya. Bakit feeling ko pumogi siya sa paningin ko. Ano ba Sam? Ano pinag-iisip mo!
"Hahahaha tingnan mo mukha mo! Hahaha sobrang pula, kinikilig ka ano?" Pang-aasar niya. Natauhan naman ako, so palabas niya lang iyon. Buwiset
"Hindi no" pagtanggi ko
"Hindi daw, hahaha kinikilig ka eh! Kaw pala may crush sa akin eh aminin" sabi niya pa habang tumatawa.
"Never! Buwesit!!" Sabi ko sabay talikod sa kanya.
"Hahaha pikon! Crush niya ako" pang-aasar niya pa. Kaasar!! Naisahan ako ng baklang iyon....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon