CHAPTER 4 "GORGEOUS SISTER"

370 17 0
                                    

Sam's P.O.V

Oh yes!!! Buti na lang medyo busy si Madam, tahimik ang buhay ko marami akong time para tapusin itong mga pinaggawa niya.
Habang busy ako sa kakatype bigla na lang may nagsalita...

"Hmmm hey excuse me," agad naman akong napatingin sa nagsalita. And just wow!! Ang Ganda niya, para siyang diyosa. Parang ako lang..hehehe

"Ms.? Tawag niya ulit sa akin

"Ay sorry po!, ano po kailangan nila?" Agad na tanong ko

"Ah tanong ko lang, andiyan ba ang boss mo?" Tanong niya sa akin.

"Si Madam po, Nasa opisina niya po siya. May appointment po ba kayo sa kanya, ano po name nila?" Tanong ko din.

"Ay sorry I forget!! My name is-"

"Ano ang ginagawa mo dito aber?" Napatingin naman kaming dalawa sa nagsalita.

"KUYA!!!! I MISS U!!!" sabay yakap Kay Madam.

Pero wait kuya? Kapatid niya si Madaam. Napatingin ako sa manila at hindi ko napigilang hindi mapatawa.

"At ano naman ang nakakatawa Ms. Ocampo?" Biglang tanong ni Madam

"Ah wala po! Pero po Madam kapatid niyo po siya?" Paniniguro ko

"Oo naman, hindi mo ba nakikita pareho kaming maganda" pagmamalaking sabi niya

"Sigurado po kayo? Kapatid niyo po si Mam Ganda? Bakit hindi po kayo magkamukha?" Dire-diretsong tanong ko

"Abay bastos ka ah!! Parang sinabi mo na rin na pangit ako" inis na sabi ni Madam. Hala!!!

"Hindi po sa ganun Madam, nagulat lang talaga ako" paliwanag ko.

"Hahahaha" napatigil kami ni Madam at napatingin sa kapatid niya.

"Alam mo girl, gusto kita, hahahaha see Kuya hindi ka talaga maganda" lalo namang sumama ang tingin ni Madam sa akin

"Ay by the way, my name is Gorgeous Queen Dela Merced." Sabay lahad ng kamay niya sa akin " and you are?" Tanong niya sa akin

"Ah mam, ako nga po pala si Samantha Ocampo, nice meeting you po Mam" magalang na sabi ko

"Queen na lang o gorgeous, wag mo na along tawagin na Mam, and nice meeting you Sam" nakangiting sabi niya. Ang Ganda niya talaga plus ang bait pa ang layo niya talaga sa kapatid niya.

"Oh tapos na ba kayo diyan! Talagang nagkasundo pa kayong lait-laitin ako" nahiya naman ako dun

"Ikaw" sabay tingin sa akin "tapos na ba lahat pinagagawa ko sayo, kailangan ko na iyon" Patay!!!!

"At ikaw naman" sabay harap sa kapatid niya " anong ginagawa mo dito?

"Kuya naman ang sama mo talaga!!!, hindi mo man lang ba ako namiss, and for your information nagpunta ako dito para kamustahin ka, kaso lang hindi mo man lang ako pala namiss" sabay nguso ni Mam Queen

"Hoy!hoy!! Huwag kang magdrama hindi bagay sayo. Atsaka joke lang iyon, namiss kaya kita sobra, halika nga dito" sabay hila sa kapatid niya at niyakap ito. Ang sweet naman nila

"I miss u too Kuya!!"

"It's ate not kuya!! Dah!, Ganda Kong ito tapos Kuya itatawag mo" iyan na naman po tayo sa Ganda niya na siya lang ang nakakakita

"Yuck kuya,!! Kadiri ka, never kitang tatawaging ate ano." Sabay bitaw sa Kuya niya

"Sige Kuya I know busy ka, Una na ako nagpunta lang naman ako para makita ka, sige Alis na ako" sabay halik sa pinge ni Madam

"And to you sam, it's nice to meet you!!" Sabay hug sa akin

"Bye" at umalis na nga siya. Nagbabye na lang ako sa kanya.

" oh galaw-galaw din, hindi kita sinasahudan para tumunganga!!!"he to na naman...

"Sorry po" yun lang ang nasabi ko at bumalik na ulit sa ginagawa ko. Mahirap na baka magalit so bakla...

-just love

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon