CHAPTER 51

203 14 0
                                    


SAM'S P.O.V
Pagkatapos naming mag-usap ni Jeric nagyaya siyang kumain at maggala at the same time kaya sumama na lang ako. Umuwi muna ako sa bahay para magbihis, at wala akong nadatnan dun. Umalis din pala si bakla, hindi man lang ako hinabol. Pero bahala siya, gagala din ako. Nandito kami ******restaurant. First time ko dito kumain at sabi nila masarap daw dito, kaya excited ako. Pinagbuksan naman ako ni Jeric,
"Thanks" nakangiting sabi ko, ngumiti lang din siya, napakaraming taong kumakain dito.
"Andami namang tao dito"manghang-mangha na sabi ko.
"Ganyan talaga, masarap ang pagkain dito eh"nakangiting sabi ni Jeric. Hindi maalis ang ngiti ko habang nililibot ng mata ko ang buong paligid. Kaso nawala ang ngiti ko at natigilan ako ng may isang tao akong napansin.....

BAKLA P.O.V
After Kong magbihis agad narin akong umalis ng bahay para puntahan si Angel. Sobrang miss ko na iyong babaeng iyon. Kaya naman excited akong pumunta sa restaurant na sinabi niya. 
Pagkarating ko sa ******restaurant agad Kong pinark ang aking sasakyan at pumasok. Kaagad ko namang nakita si angel.
"Bebeboy!!!"sigaw niya, kaya naman napatingin sa amin ang mga tao.
"Hay naku! Kahit kailan talaga iyang bunganga mo!"saway ko sa kanya, ng makalapit ako sa kanya.
"Sorry naman! Namiss lang talaga kita eh" nakangusong sabi niya
"Tumigil ka sa kakanguso mo, hindi bagay sayo! Hindi ka cute!"sabi ko pa, lalo naman siyang sumimangot.
"Hanggang ngayon ganyan ka parin sa akin! Hindi ka parin nagbabago"reklamo niya, natawa naman ako.
"Hoy! Malaki na ang pinagbago ko no! Sadyang hindi ka lang talaga cute kaya bakit kita sasabihan ng cute"sabi ko sabay belat sa kanya.
"Ewan ko sayo! Kumain na muna tayo"pag-aya niya, 
"Nice! Libre mo?"natatawang tanong ko
"Hoy! Kapal mo ha! Ikaw itong mayaman, papalibre ka pa sa akin. Ikaw ang magbabayad ng lahat ng iyan"nakangiting sabi naman niya.
"Hehehe, bakit kailan ka ba nanlibre?wala akong matandaan" asar ko sa kanya.
"Grabe siya!"sabi naman niya, 
"Bakit nahurt ka?"pang-aasar ko pa
"Kung alam ko lang aasarin mo lang ako, hindi na sana ako nakipagkita sayo!"kunwaringnagtatampong sabi niya.
"Eto naman hindi na mabiro, bakit ba ang seryoso ng mga tao ngayon? Masama na bang magbiro ngayon?"biglang sabi ko.
"Oh! Parang may pinaghuhugutan ah!"pang-aasar na sabi naman niya
"Wala!"tanggi ko
"Asus! Kilala kita! Magkwento ka nga!"utos naman niya.
"Anong ikukwento ko na hindi pa nakukwento ng kapatid kong madaldal?tanong ko naman, na tawa naman siya.
"Grabe ka talaga sa kapatid mo!,sumbong kita!"pananakot pa niya.
"Gusto mo samahan pa kita??"hamon ko naman sa kanya.
"Hay! Naku! Kahit kailan ka talaga! Oo na naikwento niya ng lahat maliban lang tungkol sa love life mo!"pag-amin pa niya.
"Wala naman akong lovelife eh, kaya wala akong maikukwento sayo. Iba na lang"sagot ko naman sa kanya.
"Wala talaga? As in wala?"paninigurado niya.
"Oo naman! Wala talaga!"sagot ko ulit.
"Sinungaling! Bakit sabi ni Gigi..."
"At ano naman ang kasinungalingang sinabi ng kapatid ko?"putol ko sa sasabihin niya
"Ay!kasinungalingan kaagad, may kinuwento kasi siya sa akin about dun sa..."sabi niya habang nag-iisip "ano nga bang pangalan nun?"biglang tanong niya.
"Aba'y malay ko sayo"sagot ko naman
"Aha! Yun nga"tuwang-tuwang sabi niya
"Ano nga?"tanong ko
"Naikwento niya kasi sa akin yung tungkol Kay Sam.." Nakangiting sabi niya. 'Kahit kailan talaga ang pagkadaldal ng kapatid ko, tsismosa ng taon'
"Oh! Ano naman sinabi sayo ng kapatid ko aber?"pakunwaring mataray na tanong ko
"Sinabi niya sa akin na itong Sam na ito ay nakatira sa bahay mo, nagulat nga daw siya ng madatnan niya kayong dalawa sa bahay na-"
"Hep!hep!hep!"awat ko sa kanya " oo na kayo ng dalawa ang dakilang mga chismosa,buhay ng may buhay kung mapag-usapan niyo ha! Bilib din ako . Detalyadong-detalyado eh!"sarcastic na sabi ko pa
"Ganun talaga! Kaya magkwento kana diyan!"sabi naman niya' bakit hindi siya'
"Bakit Hindi ikaw ang magkwento diyan! Tagal ko ng walang balita sayo ah!"ganting sabi ko sa kanya.
"Ganun parin naman ang buhay ko, kaya wag na lang. Ikaw ang magkwento kasi sayo may bago!"balik naman niya sa akin.
"Ay ganun! Alam mo na naman lahat eh!"sabi ko naman 
"Hindi lahat! Kaya kwento ka dali about dun Kay ate girl!"pangungulit pa niya.
"Anong ikukwento ko?"tanong ko naman
"Iyong kayo!"sagot niya
"Walang kami!"mahinang sabi ko
"Ay! Pero umaasa ka?"tanong niya pa
"Tumigil ka nga diyan! Kumain ka na lang" utos ko sa kanya
"Ito naman ang daya-daya!"reklamo niya.
"Pero wait si Sam ba ay maganda?"tanong niya
"Oo" sagot ko
"Maputi?"tanong niya ulit 
"Oo" sagot ko ulit
"Sexy?"pagtatanong pa niya
"Oo! Teka nga bakit mo natanong?"nagtatakang tanong ko
"Kasi parang siya yung kanina pang nakatingin sa atin eh! Yun oh"sabi niya sabay turo. Tumingin naman ako sa direksyon na sinasabi niya.
"Sam"mahinang sambit ko sa pangalan niya.

-putulin ko muna dito hehehe
Hope u like it guys 
Thanks😘😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon