CHAPTER 37

216 15 0
                                    

CHAPTER 37 
SAM' S P.O.V
Napalingon naman ako, at tiningnan kung sino ang nagsalita.
"Oh my!!! Anyare sayo??" Gulat na tanong ko Kay bakla. Pero sa halip na sagutin ako at nagdire-diretso lamang siya, papasok sa bahay. Hinabol ko naman siya.
"Hoy! Tinatanong kita! Anong nangyare sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit basang-basa ka?" Sunod-sunod na tanong ko. Tumigil naman siya sa paglalakad. Tapos tumingin sa akin, 
"Wala trip ko lang magpakabasa" may halong inis na sabi niya. At naglakad na ulit.
"Ano? Trip mo lang? Nasisiraan ka na ba ng bait ha!? Nagpakabasa para sa walang kwentang dahilan!!!" Naiinis na sigaw ko sa kanya. Siraulo ba siya, hindi ba niya naisip na pwede siyang magkasakit.
"Anong tanong mo Sam? Kung nasisiraan na ako ng bait? Baka nga!! Sam!! Nasisiraan na ako ng bait!!" Sigaw niya, teka bakit siya pa ang parang galit.
"Ano pa sabi mo? Nagpakabasa ako dahil sa walang kwentang dahilan? " natatawa pang sabi niya na may halong panunuya. Ako naman parang naguguluhan.
"Teka nga! Ano ba ang nangyayare sayo, bakit ganyan ka?" Nagtatakang tanong ko.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo!!" Sagot naman niya.
"Ha? Ano naman kinalaman ko?"balik na tanong ko sa kanya.
"Malaki!!" Sigaw niya" dahil ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ganito itsura ko ngayon" dagdag pa niya, pero teka! Bakit ako? 
"At bakit ako ang sisisihin mo? Ano naman kinalaman ko, hindi ko naman inutos sayo na magpakabasa ka ah!! Inis narin na sabi ko.
"Oo nga naman! Bakit nga naman kita sisisihin?"natatawang sabi niya, pero halata namang galit siya.
"Sadya" pagsang-ayon ko pa.
"Ako nga lang pala ang may kasalanan, kasalanan ko na nag-alala ako sayo" biglang sabi niya, naikinagulat ko " kasalanan ko na iniwan ko ang mga kaibigan ko para lang puntahan ka, dahil nag-aalala ako sayo at hindi kita macontact"patuloy na sabi niya, habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Sam, oo kasalanan ko na halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating agad sa office para icheck ka"
Gusto Kong magsalita pero hindi ko Alam ang sasabihin ko.
"Kasalan ko na sumugod ako sa ulan, dahil lang naman sa na flatan ako, na sa halip na isipin ko ang sarili ko o ang sasakyan ko, pinili ko paring puntahan ka. Na halos mabali na ang leeg ko kakalingon-lingon sa daan,nagababakasakaling makita ka. Na kahit nilalamig na ako, tiniis ko parin dahil natatakot ako na baka may masama ng nangyari sayo." Hindi ko na mapigilang hindi mapaiyak, 
"Sam kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sayo, na hindi ko naisip ang sarili ko, tapos yun pala,," sabi niya sabay punas sa luha niya. "Kasama mo lang pala si Jeric"
Sabi niya pa, sabay talikod at naglakad na ulit. Hinabol ko naman siya at niyakap 
"Sorry hindi ko alam"

BAKLA P.O.V
Natigilan ako ng bigla akong yakapin ni Sam. 
"Sorry" naiiyak na sabi niya, Paulit-ulit siyang nagsosorry habang umiiyak.
"Hindi mo kailangan magsorry," sagot ko naman. Ramdam ko naman na umiling siya.
"Hindi, sorry talaga, hindi ko naman kasi alam" naiiyak na sabi niya. 
"Wala na tayong magagawa, nangyari na. Pero pakiusap ko na lang Sam Sana sa susunod, magsabi ka naman. Ng hindi ako nag-aalala sayo." Sabi ko sabay alis ng kamay ni Sam sa akin, at tuloy-tuloy na nagpunta sa kwarto ko.
"Buwesit na iyan!!!!"sabay talsik sa cp ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

-
May LQ sila😢

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon