CHAPTER 77

154 12 0
                                    

BAKLA P.O.V
Halos mag-iisang linggo na rin akong nakalabas sa hospital. At hanggang ngayon, wala parin akong balita kay Sam. 
"Nasaan ka na ba Sam? Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita."sabi ko habang nakatingin sa picture niya. Saan ko ba siya hahanapin? Naghired na ako ng maghahanap sa kanya, pero wala parin. And speaking.. 
"May balita ka na ba kung nasaan siya?"bungad kong tanung sa kanya.
"Sir ano po kasi.." Parang kinakabahan na sabi niya, parang alam ko na ang sasabihin nito. 
"Kung wala ka naman palang balita kung nasaan siya! Eh bakit ka nandito?"galit na sigaw ko sa kanya. Kita ko namang nagulat siya at the same time ay natakot.
"Pasensiya na po Sir, ginawa ko naman po lahat eh. Ang kaso po at sadyang mailap siya"pagdadahilan naman niya pa.
"So ako pa ngayon ang mag-aadjust! Sayang lang yata ang binabayad ko sayo eh!"naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Sir! Hindi po! Huwag po kayong mag-alala gagawin-" di ko na siya pinatapos.
"Makakaalis ka na!"sigaw ko sa kanya.
"Sir!"gulat na sabi niya
"Makakaalis ka na, at huwag ka ng babalik!"sigaw ko ulit sa kanya. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang umalis na lang.
"Buwesit!"naiinis na sigaw ko sabay talsik ng mga gamit sa may desk ko.
"Nasaan ka na ba Sam?"malungkot na sabi ko pa. Malapit na ako masiraan ng bait nito.
Nagulat naman ako ng may biglang pumasok.
"Sinong may sabing pumasok ka ha? At hindi ka ba marunong kumatok?"sigaw ko sa acting secretary ko ngayon.
"Pasensiya na po Sir"hinging paumanhin niya. Kung nagtataka kayo kung bakit 'sir' na ang tawag nila sa akin at hindi Madam. Ito ay dahil inutos ko sa kanila na tawagin nila akong sir. Nagulat pa sila ng Una pero wala silang magagawa.
"Pasensiya na rin..."sabi ko sa kanya, napatingin naman siya sa akin.
"Po?"sabi pa niya.
"Sabi ko pasensiya na rin, dahil tanggal ka na!"walang ganang sabi ko sa kanya.
"Makakalabas ka na!"utos ko pa sa kanya.
"Pero Sir-" 
"Hindi ba sabi ko sayo! Labas!"sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya at nagtatakbong umiiyak palabas.
Napailing naman ako, marahil siguro bago dumating si Sam, ubos na ang mga nagtatrabaho dito.

SAM'S P.O.V
Nakaupo lang ako, habang nakatingin sa malayo. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako at hindi ko siya namimiss. Dahil ang totoo niyan walang araw, oras, minuto at Segundo ang lumipas na hindi ko siya naiisip. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap kaya niya ako? Namimiss niya rin kaya ako?. Mila kasi ng umalis ako sa bahay niya, wala na along balita sa kanya.
"Hay!!"buntong-hininga ko.
"Lalim nun ah'"napatingin naman ako sa nagsalita. At ngumiti sa kanya.
"Namimiss mo siya ano?"sabi pa niya
"Sobra"pag-amin ko, natawa naman siya
"Bakit di mo siya puntahan? Kung namimiss mo na pala siya"pagtatanong pa niya. Nalungkot naman ako.
"Sana ganoon lang kadali ano? Pagnamimiss ko siya pwede ko siyang puntahan. Pero hindi eh, madami ng nagbago."malungkot na sabi ko sa kanya.
"Ikaw lang naman ang nagpapahirap ng sitwasyon eh. Bakit di mo itry puntahan siya? Malay mo hinihintay ka din niya"sabi naman niya.
"Sa tingin mo ba hinahanap din niya ako? Na namimiss din niya ako?"pagtatanong ko pa sa kanya.
"Sigurado ako miss na miss ka na niya. At para na siyang baliw ngayon kakahanap sayo"parang siguradong-sigurado na sagot niya.
"Parang sure na sure ka ah!"pagbibiro ko sa kanya. 
Pero sana tama siya, 
"Ay maiba pala, saan ka galing?"pagtatanong ko pa sa kanya. Ngumiti naman siya akin
"Kinuha ko lang ito oh!"sabay abot sa akin ng envelope
"Ready na ang lahat, ikaw ba ready na"nakangiting sabi niya pa. Ngumiti na lang ako sa kanya sabay tingin sa hawak Kong envelope. Sigurado na nga ba ako? Tutuloy pa ba ako?

-hi guys hope u like it😘
Kaway-kaway ang mga kinilig kanina sa vicejack😍
❤❤❤❤
-ms. J

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon