CHAPTER 36

226 15 0
                                    

CHAPTER 36
BAKLA P.O.V
Halos paliparin ko ang sasakyan ko makarating lang kaagad, kaso kaasar kung kailan nagmamadali ka sa ka naman traffic.
"Buwesit naman oh!" Inis na inis na sabi ko. 'Sam malapit na ako' sabi ko sa isip ko. 
"Kung minamalas ka naman oh!!"asar na sabi ko. "Bakit naman ngayon pa! Kabuwesit!!"galit na sabi ko, kung kailan naman emergency saka naman naflatan.. Bakit ba kamalas ko ngayong araw na ito?. Wala na akong choice, bumaba ako ng sasakyan ko, lalakarin ko na lang tutal malapit na naman.
"Sam saglit lang malapit na ako" paulit-ulit Kong sinasabi habang tumatakbo. Takbo lang ako ng takbo ng bigla namang umulan.
"Ano ba iyan!!! Sumabay pa itong ulan na ito!!!" Ano bang meron sa araw na ito? Pero hindi ko alintana ang ulan kahit mabasa ako, ang mahalaga makarating agad ako.
"Sam!!!!" Agad na sigaw ko ng makarating ako. Kahit hingal na hingal ako.
"Madam!!"gulat na sabi ng guard.
"Manong si Sam po ba ay nandiyan pa?" Hinihingal na tanong ko.
"Pasensiya na po Madam, pero kanina pa pong nakaalis si Mam Sam" magalang na sabi ni manong guard. Nasaan ka na ba Sam?
"Madam okay lang po ba kayo? Basang-basa po kayo!"parang nag-aalalang sabi ni manong guard. Ngumiti lang naman ako,
"Okay lang po ako manong" magalang na sagot ko "sige po ! Una na po ako" paalam ko pa. Saan ka na ba Sam? Sinubukan ko ulit tawagan cp niya pero wala parin.
"Buwesit naman oh!!! Nasaan ka na ba Sam?"halos maiyak-iyak na sabi ko. Sana walang masamang nangyari sa kanya. Agad akong sumakay ng taxi, 
"Kuya dahan-dahanin niyo lang po pagdadrive may hinahanap po kasi ako."pakiusap ko sa driver.
"Sige po Sir" sabi niya habang nagdadrive. Ako naman palinga-linga nagbabakasakaling makita ko si Sam.
"Kuya saglit po!"pigil ko Kay Kuya diver, tinabi naman niya ang taxi. Agad naman ako bumaba ng taxi.
"Kuya diyan lang po kayo" bilin ko at tumakbo papunta sa kabilang direksyon kung saan may isang babaeng naglalakad.
"Sam!!" Tawag ko habang papalapit sa kanya
Pero nadismaya ako ng humarap siya.
"Sorry Miss akala ko ikaw iyong kakilala ko" hinging paumanhin ko. Sam san ba kita hahanapin? Agad akong bumalik sa taxi.
"Sir okay lang po ba kayo?"tanong ni manong driver.
"Okay lang po akokuya," pilit na ngiting sagot ko." Tara na po" yaya ko pa sa kanya...

SAM'S P.O.V
Hanggang ngayon tahimik parin ako, akala ko may masama ng mangyayari sa akin. Buti na lang dumating si Jeric,

FLASHBACK
"Sam!!"rinig Kong may tumawag sa akin, agad kong inangat ang tingin ko para makita kung sino ang nagsalita. Dahil sa takot ko agad akong tumayo at tatakbong lumapit sa kanya at yumakap.
"Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong niya sa akin. Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at pinahid ang mga luha ko.
"Okay lang ako" hikbi ko pa" pasensiya ka na ha, kung niyakap kitang bigla. Natakot kasi ako" sabi ko pa.
"Okay lang yun! Bakit nga pala nandito ka pa Gabi na?"nagtatakang tanong niya.
"Wala kasi akong masakyan, kanina pa ako dito, natatakot na nga ako kasi ang sama ng tingin ng dalawang lalaking iyon" sabi ko sabay tingin sa dalawang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin.
"Tumahan ka na! Okay na, nandito na ako,sumabay ka na lang sa akin, hatid na kita." Sabi naman niya...

END OF FLASHBACK

"Okay ka na ba?" Biglang tanong sa akin ni Jeric. Napatingin naman ako sa kanya.
"Oo, okay na ako, salamat pala ha" sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya
"Kain muna tayo, alam Kong gutom ka narin" yaya pa niya.
"Sige" pagsang-ayon ko
Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain. After naman nun' ay hinatid narin naman niya ako sa bahay.
"Salamat ulit ha, pasensiya kana ulit kanina atsaka sa abala" sabi ko ng makarating kami.
"Okay lang, hindi ka nakaabala sa akin ano ka ba" nakangiti namang sabi niya.
"Sige una na ako" paalam niya pa.
"Sige, salamat ulit" habol ko pa.
"Ahmm.. Sam" biglang sabi niya
"Ano iyon?" Tanong ko.
"Ah...eh..pwede ka bang mainvite ng lunch bukas?"
Nagulat naman ako, kita ko naman na parang nahihiya siya.
"Hehehe okay lang naman," sagot ko sa kanya, nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya matapos niya akong tulungan.
"Talaga" tuwang-tuwa na sabi niya.
"Oo nga" natatawang sagot ko.
"Sige, una na ako see u tom. Bye Sam" paalam niya ulit.
"Bye ingat ka!" Paalala ko pa. At umalis na nga siya, papasok na Sana ako ng...
"Sam"

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon