CHAPTER 71

174 11 0
                                    

BAKLA P.O.V
Hindi kami magkasundo sa plano na gagawin ko para kay Sam. Ayaw kasi nila ng plano ko,
"Wala ka bang ibang plano? Ang panget kasi!"pagtatanong ni Angel.
"Truelalo! Baka magalit pa si Sam sayo kapag nagkataon."dagdag pa ni Flora.
"Yun nga di ba ang plano ang galitin siya sa umpisa para magkaroon ako ng time para isurprise siya"paliwanag ko naman sa kanila. Umiling naman sila, 
"Hindi ko talaga gusto yung Plano mo! Parang kinakabahan ako"sabi pa ni Angel.' Ano naman ang Mali doon?'
"Ang Ganda kaya ng Plano ko"pagmamalaki ko pa
"Ano naman ang maganda dun?alam mo bang pwedeng magalit at masaktan si Sam sa plano mo? Pwede naman iba na lang ah!"sabi naman ni Macy.
"Hindi ko naman gustong saktan si Sam. Pero kailangan iyon para maisagawa ko ang Plano ko para masabi ko sa kanyang mahal ko siya then makapagpropose ako sa kanya"pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Iyon na nga eh! Okay naman ang gusto mo. Ang kaso, may mali talaga eh. Ewan ko lang kung ano yun" sabi naman ni Lucy.
"Pero kung iyan na talaga ang plano mo, wala na kaming magagawa. Pero kapag pumalpak ka walang sisihan ha"pagsuko naman ni angel.
"Grabe ka naman! Pumalpak talaga?"inis na sabi ko kay Angel.
"Hehehe, hindi naman sa ganun. Eto naman! Pero Bebeboy ang bad ng plano mo. Masasaktan talaga si Sam"paliwanag pa niya.
"Pero iyon lang talaga ang way eh. Kailangan kong mapaniwala siya, mapasakay siya sa Plano ko. Tapos kapag naniwala na siya dun ko na aaminin ang lahat."sabi ko pa.
"Pero sasaktan mo iyong tao"dagdag na sabi pa ni Macy. Napaubob naman ako.
"Hindi ko naman talaga gusto saktan siya eh. Alam niyo naman yun di ba? Pero kailangan yun sa Plano para-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may narinig kaming nabasag. Agad akong napaangat ang ulo ko at napatingin sa may pinto...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Sam!!"gulat na sabi ko, nakatingin siya sa akin. Pero agad na umiwas din, kita kong umiiyak siya 'pero bakit?' Tumayo ako para puntahan siya pero bigla siyang umalis. Kaya naman hinabol ko siya.....
Anong nangyayari?
SAM'S P.O.V
Good morning sunshine!!! Sarap ng tulog ko. Pagkamulat ng Mata ko agad kong hinanap si Bakla. Kaso wala na siya, agad naman ako napatingin sa orasan.
"Oh my late na ako!!"na sabi ko na lang at dali-dali akong tumayo. At nagpunta sa banyo para sa morning rituals ko. Pagkalabas ko ng banyo, dali-dali akong bumaba para kumain muna. Hindi naman siguro niya ako papagalitan kapag late ako ano?. Siya naman kasi ang may dahilan kung bakit late na ako nakatulog kagabi. Pagkarating ko sa kusina, agad kong napansin ang pagkain sa may lamesa. Agad ko itong nilapitan, at kinuha ang note at binasa.
"Good morning crazybhabe ko❤,
Alam ko late ka na magigising, kaya pinaghanda na kita ng pagkain. Huwag kang mag-alala okay lang na malate ka. Ubusin mo itong lahat ha. Alam mo naman ayaw Kong nagugutom ka. 
Pasensiya na ha, nauna na ako. Hindi na kita na hinintay. Kailangan ko kasing maaga pumasok eh. Nandiyan ang Susi ng isa kong sasakyan, para hindi ka na magbiyahe. Ingat ka, papakasalan pa kita😘
-Bekibhabe mo I♥ u❤❤❤
After kong basahin na pangiti naman ako, at hindi ko mapigilang hindi kiligin. Papakasalan pa niya raw ako at yung I love u niya...
"Waahhh I love u na talaga bakla!!!"kinikilig na sigaw ko. Agad akong umupo, at kumain, para lang akong ewan, nakangiti habang kumakain. Parang namiss ko na kaagad siya. In love na in love na talaga ako sa baklang yun.....
Kaya nagmadali na akong kumain, pagkatapos kong kumain agad kong inimis ang aking pinagkainan at bumalik sa kwarto ko para maligo..
Pagkatapos kong magbihis agad na rin akong umalis ng bahay. Medyo traffic, pero okay lang nakarating din naman ako kaagad.
Lahat ng madaanan ko ay nakangiti kong binabati. Nakatingin lang sila sa akin, marahil siguro nagtataka sila. Iyong boss kanina pa nakapasok samantalang ang secretary niya ngayon pa lang hahaha. Sarap sabihin na 'ganun talaga mahal ako ng boss niyo eh' hahaha.
"Di ba siya yung secretary ni Madaam? Grabe siya ha! Sobrang late niya na tapos may pangiti-ngiti pa siya"rinig kong sabi ng isang babae, hindi ko na lang pinansin. 
"Oo nga, porket mabait sa kanya si Madam. Ewan ko nga kung bakit gustong-gusto siya ni Madam."rinig ko ulit na sabi ng isa pang babae. 
'Ano ba yan! Ang aga-aga ang daming nega!' Nagdiretso na lang ako, at ngumiti na lang sa kanila. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanila,bahala sila.
Masaya ang araw ko at ayaw kong sirain. Excited na akong makita ang bekibhabe ko!! Kiss ko siya hahaha charoot lang!!
Pagkalabas ko ng elevator agad akong nagdiretso sa desk ko at inilagay ang bag ko. After nun, naglakad na ako papunta sa opisina ni bakla. 
"Busy kaya siya?"pagtatanong ko pa sa sarili ko. 
Papasok na sana ako, kaso narinig Kong parang may kausap siya. Hindi ko maintindihan pinag-uusapan nila pero sigurado ako ang mga bakla yun. Balak ko sana silang gulatin kaso napatigil ako ng magsalita si angel..
"Hehehe, hindi naman sa ganun. Eto naman! Pero Bebeboy ang bad ng plano mo. Masasaktan talaga si Sam"rinig kong sabi niya 'anong pinag-uusapan nila?'
"Pero iyon lang talaga ang way eh. Kailangan kong mapaniwala siya, mapasakay siya sa Plano ko. Tapos kapag naniwala na siya dun ko na aaminin ang lahat."rinig kong sabi naman ni bakla. 'Teka! Anong plano? Mapasakay ako? Anong ibig sabihin nito?' Gusto kong pumasok para itanong kung anong ibig nilang sabihin, kaso hindi gumalaw ang mga paa ko. Pinili ko na lang makinig habang pumapatak ang mga luha ko.
"Pero sasaktan mo iyong tao"rinig kong sabi pa ni Macy. 'Niloloko lang ba niya ako? Lahat ba ito plano niya? Ang pasakayin ako? Bakit? Ang sakit?' 
"Hindi ko naman talaga gusto saktan siya eh. Alam niyo naman yun di ba? Pero kailangan yun sa Plano para-" hindi ko na kinayang makinig, aalis na sana ako pero aksidente kong nasagi ang base sa may gilid kaya nabasag ito. Napatingin ako sa direksiyon nina Bakla.
Nakatingin sila sa akin lahat, agad akong nag-iwas ng tingin. Kailangan kong makaalis na dito. Agad akong tumayo at tumakbo...
"Sam!!"rinig kong tawag sa akin ni Bakla, pero hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang akong naglakad, habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Sam!!! Sandali!!"pigil niya sa akin,habang hawak niya ang kamay ko. 
"Ano ba!! Bitawan mo nga ako!"sigaw ko sa kanya. Kita kong nagulat siya.
"Teka lang ha!ano bang nangyayari? Bakit ka sumisigaw? Galit ka ba sa akin? Ano bang ginawa ko? Bakit ka tumatakbo? At bakit ka umiiyak?"sunod-sunod na tanong niya sa akin. Napangiti naman ako ng mapakla..at tumingin sa kanya
"Nagpapatawa ka ba ha?"sabi ko sabay hampas sa kanya "Ano ha? Masaya ka na? Galing mo din ano? Ang galing-galing mong magpasakay! Sakay na sakay ako eh!"patuloy ko lang siyang hinahampas, habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.
"Sam, ano bang pinagsasabi mo? Teka nga! May problema ba tayo? Ano bang pinagsasabi mo?"pagtatanong pa niya. 
"Problema? Gusto mong malaman?heto"sigaw ko sa kanya sabay sampal sa kanya. Alam Kong nagulat siya..
"Masakit ba? Wala pa iyan sa sakit na dinulot mo sakin! Sobrang sakit!! Ang sakit-sakit na malaman na lahat ng pinakita mo ay panloloko lamang. Na pinasasakay mo lang pala ako. Bakit ha? Ano bang ginawa ko sayo? Para saktan mo ako ng ganito. Minahal lang naman kita ah!"iyak lang ako ng iyak. 
"Sam, sandali! Mali iyong iniisip mo"
"Mali? Alin doon ang mali ha? Iyong narinig ko? Pwede ba tama na! Ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan mo! Ayoko na! Ang sakit-sakit na!!"sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit kaya tumakbo na ako palayo sa kanya....
Rinig kong tinatawag pa niya ako, pero wala na akong pakialam...
Ang tanging gusto ko lang at makalayo....

Done na ang 71😢

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon