CHAPTER 45

231 15 0
                                    

CHAPTER 45
BAKLA P.O.V
Ano ba iyan!! Grabe talaga ang babaeng iyon! Ang lakas manuntok, parang hindi babae eh,
'kung naging maging asawa kami siguro battered husband ako'..
"Ano ba iyan kung anu-ano ang naiisip ko" sabi ko sabay iling..
"Ano bang iniisip mo diyan?"tanong ni Lucy. Yeah nandito sila sa bahay, bakit? Malay ko ba sa mga baklang ito,bigla-bigla na lang sumusulpot. Basta nagulat na lang ako dumating sila, wala man lang pasabi.
"Hoy! Ano tulala lang?ganun?"panggulat naman ni flora. 
"Ha?...wala!"sagot ko. Tumingin naman sila sa akin ng nakakaloko.
"Oh! Bakit ganyan kayo makatangin?"nagtatakang tanong ko.
"Wala naman, napapaisip lang kami"nakangiting sabi ni Macy.
"At ano naman ang iniisip niyo? Aber??"tanong ko pa.
"Kung ano talagang meron sa inyong dalawa ni Sam"sabi ni Macy sabay ngiti ng nakakaloko.
"Mga siraulo!!"sigaw ko sa kanila " kung ano-ano ang pinag-iisip niyo diyan" dagdag ko pa sabay bato ng unan sa kanila.
"Aray naman!!!"reklamo naman ni flora ng matamaan siya. " bakit ako ang binato mo?"tanong niya pa. Umirap lang naman ako.
"Ewan ko sa inyo!!!"sabi ko pa, sabay tayo
"Hep!hep!hep! Saan naman ang punta mo?"tanong naman ni Lucy.
"Kukuha ng tubig! Ibubuhos ko sa inyo!"sagot ko naman, nagtawanan naman sila.
"Umiiwas ka lang eh!"ganting sigaw pa nila.
"Che!!!"sigaw ko. Sabay punta sa kitchen. Pero ang mga baliw sumunod din.
"Oh bakit kayo sumunod?"tanong ko.
"Wala lang, nauuhaw kasi kami"pagdadahilan nila. 'Maniwala mang-aasar lang naman sila eh'
"Ewan ko sa inyo! Mga siraulo kayo!!"nagtawanan naman sila, lakas po talaga ng tama nila.
"Hoy! Bakla!" Tawag nila sa akin, pero hindi ko sila pinansin.
"Bakla!!" Tawag nila ulit, bahala kayo diyan.
"Bakla, bading!! Beks!!!"sabi pa nila. Tumingin naman ako sa kanila.
"Ano? Bakit?!"inis na sagot ko.
"Ay!galit na po siya!"sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Joke lang! Tanong ko lang nasaan ba si Sam?, hindi ko siya napapansin eh" tanong naman ni Macy.
"Malay ko!!!!"sagot ko naman
"Ay! LQ kayo?"tanong naman ni flora.
"Q lang walang L" sagot ko naman, 
"Hala!bakit naman? Anong ginawa mo?"tanong pa ni Macy.
"Pagnag-away kami ako agad ang may ginawang masama? Hindi ba pwede siya?"ganting sagot ko sa kanila.
"Hindi! Mabait naman kasi Sam eh!"sabi naman ni Lucy. 'Aba'y matinde!'
"At ako hindi?"tanong ko.
"Medyo"natatawang sagot pa niya. 
"Ano nga kasi? Bakit ba kayo nag-away?"tanong ulit ni Macy.
"Hindi ko nga alam! Ewan ko sa babaeng iyon! Bigla-bigla na lang nagagalit! At Ito pa matindi sinuntok pa ako oh!"sabi ko sabay pakita ng pasa sa nguso ko. Tumawa naman sila.
"Bakit kayo natatawa diyan? Nakakatawa ba ang masuntok?"inis na sabi ko.
"Eh kasi naman! Nakakatawa kayong dalawa"natatawang sabi pa ni Macy.
"At anong nakakatawa sa amin, aber?"tanong ko pa
"Paano ba kasi! Pareho kayong indenial hahaha"natatawang sagot ni flora. " pero maiba bakit ka ba niya sinuntok? Ano ginawa mo?"tanong naman niya. Umiwas naman ako ng tingin..
"Aba'y malay ko.... Bigla na lang niya akong sinuntok eh" sagot ko pero sila mukhang hindi naniniwala.
"Yung totoo??"sabay sabay nilang tanong.
"Okay! Pinagtripan ko siya kanina! Iyon! Yun!!"pag-amin ko.
"Anong ginawa mo?"tanong ulit ni Macy.
"Basta!! Sa amin na lang yun!!"sagot ko, alangan naman sabihin ko na muntikan ko ng halikan si Sam. Eh di hindi ako tinigilan ng mga ito.
"Ano nga kasi!!" Pangungulit pa nila.
"Wala nga!!! Huwag kayong tsismoso!!"
"Asus!! Nahihiya ka pa eh!!"pang-aasar pa ni Lucy
"Hindi ako nahihiya!! Sadyang hindi lang pwede sabihin. Baka lalong maggalit si Sam"paliwanag ko pa.
"Okay!!okay!!!! Sabi mo eh" pagsuko nila. 
"So anong Plano mo?"biglang tanong ni flora.
"Ha? Anong Plano?"takang tanong ko.
"Ang slow mo! Anong Plano mo para magbati kayo?"sagot naman niya. Napaisip naman ako.
"Wala!" Sagot ko 
"Wala as in wala!!!" Eksaheradang sabi ng tatlo
"Oo!! Wala" ulit ko ulit
"So hahayaan mo na lang nagalit siya ganun'?"sabi naman ni Macy.
"Hindi!"sagot ko naman
"Oh! Yun naman pala eh!"sabi naman ni flora.
"Pero ano ba gagawin ko?'"pagtatanong ko sa kanila
"Suyuin mo!!"sagot naman nila
"Suyuin!! Kaloka!!"gulat na sabi ko
"Oh bakit? Kailangan mo naman talaga siyang suyuin eh. Atsaka pwede ba umamin ka!!"sabi naman ni Lucy.
"At ano naman aaminin ko?"tanong ko pa.
"Yung totoo" sagot naman ni flora.
"Anong totoo?"tanong ko ulit
"Hay! Naku! Huwag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Alam mo naman ang sinasabi namin."sabi pa ni Macy.
"Eh hindi ko nga kayo magets eh!"
"Asus!! Ayaw mo pa kasing aaminin Kay Sam Iyang nararamdaman mo!! Ayaw niyo pa kasing mag-aminan! Kaloka kayong dalawa! Ano tagu-taguan lang ang peg?"mahabang sabi ni Macy. 'Ano raw? Mag-aminan? Baliw ba sila?'
"Baliw!! Kung ano-ano iyang sinasabi niyo. Ang laki ng naitulong niyo!"sarcastic na sabi ko.
"Bahala ka!! Ikaw din! Baka maunahan ka pa!"dagdag pa ni flora.
"Oo nga! Sa ganda ba naman ni Sam! Tiyak maraming magkakagusto sa kanya"sabi pa ni Lucy 
"Tapos, single pa siya!!"sabi din ni Macy.
Bigla ko naman naalala si Jeric, 'tapos naimagine ko silang dalawa ni Sam'
"No! Hindi pwede!!!"sigaw ko, tumingin naman ang tatlo sa akin.
"Ha? Alin ang hindi pwede?"takang tanong nila 
"Ah..wala!"sagot ko " buti pa samahan niyo na lang ako sa mall, at may bibilihin ako"yaya ko sa kanila 
"At ano naman ang bibilihin mo?"takang tanong pa nila
"Peace offering Kay Sam"sagot ko, umiling naman sila at ngumiti ng nakakaloko.
"Heto na po!!! Aamin na siya!!!" Sigaw pa nila
"Mga siraulo!!!" Ganting sigaw ko sa kanila.nagtawanan lang sila
"Binata na si bakla!!!"sigaw pa nila..
Pinabayaan ko na lang sila,.....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon