CHAPTER 10

290 18 0
                                    

CHAPTER 10

SAM's P.O.V

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Kahit gusto ko naman magsalita o magtanong hindi rin pwede, baka magalit pa siya. Tapos itulak ako palabas ng kotse niya. 

"Baka matunaw ako niyan"

"Po?" Gulat na tanong ko 

"Kanina ko pa kasi napapansin kanina ka pa nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may masama kang iniisip sa akin" nagulat naman ako at umiling

"Hindi po, wala po akong masamang iniisip tungkol sa inyo" sabi ko sabay Iwas tingin.

"Hahaha, oh bakit ka umiiwas ng tingin siguro..." Napatingin naman ako sa kanya.

"Siguro ano po?" Tanong ko sa kanya

"Siguro crush mo ako ano?" Panunukso niya sa akin. Nanlaki naman ang Mata ko

"Po!! Hindi po ah. Mali po kayo ng iniisip" nakakita ko namang napatawa na lang siya.

"Hahaha.. Joke lang, ito naman" 

"Hehehe akala ko po seryoso kayo" naiilang na sabi ko.

"Ah Madam dito na lang po ako!" 

"Sure ka dito?, saan ba ang bahay mo?" pagtatanong niya.

"Doon po" sabay turo ko sa apartment na tinitirhan ko. Agad naman ako lumabas ng sasakyan at nagpasalamat sa kanya.

"Salamat po Madam sa paghahatid sa akin" magalang na sabi ko.

"Walang anuman, matanong ko lang sino kasama mo sa bahay?" 

"Wala po, ako lang po mag-isa." Sabi ko na ikinagulat niya

"Ikaw lang, tapos babae ka pa!!" Gulat na sabi niya

"Mababait naman po ang mga tao dito" pagsisigurado ko sa kanya.

"Kahit na, pero maiba, kung wala kang kasama sa bahay, eh sino iyon?"

Napatingin naman ako sa itinuturo niya. Oh my!!!!!

"Si aling Martha" bulaslas ko.

"Oh napano ka?" Nagtatakang tanong ni Madam sa akin.

"Basta po, sige po Madam kailangan ko na po umalis. Salamat po ulit"

Agad-agad akong tumakbo papunta sa apartment ko... Akala ko maganda na ang araw na ito mukhang hindi pala..


-ano kayang nangyare? 
Ano kaya pang mangyayare?
Pasensiya na maikli...
Thank u for reading guys😘😘😘😘😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon