CHAPTER 30

270 16 0
                                    

CHAPTER 30 
BAKLA P.O.V
Kaasar talaga mga iyon, pupunta dito para lang asarin ako, inlove daw ako? Buwesit!!! Subukan lang nila bumalik at sinisigurado ko ibabato ko ito sa kanila. Habang gigil na gigil ako, bigla namang bumukas ang pinto. Aba! Talagang bumalik pa sila ah, akmang ibabato ko ang base ng...
"Sige subukan mong ibato iyan sa akin, sinisigurado kong sasamain ka talaga sa akin!"may pagbabantang sabi ni Sam. Agad ko namang binababa ang base.
"Sam?, hehehe pasensiya na akala ko'y sina Macy ka, sorry" hinging paumanhin ko.
"Ha? Kanina pa sila nakaalis, tawa nga sila ng tawa eh, anyare ba?"tanong pa niya.
"Wala, mga baliw lang ang mga iyon" sagot ko naman. Lumapit naman siya akin, at hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. Cute niya talaga.
"Eh bakit ganyan mukha mo? Parang inis na inis ka diyan?"pagtataka pa niya.
"Kasi nga mga baliw ang mga iyon, pinagtulungan nila ako" pagsusumbong ko pa sa kanya sabay nguso, piningot naman niya ang ilong ko
"Hindi ka cute , tumigil ka!" Sabay hampas sa akin. Tingnan niyo itong babaeng ito, minsan mapanakit din.
"Pati ikaw,inaaway mo rin ako" sabay nguso ko sa kanya. Tapos kunwari ay nagtatampo
"Umayos ka nga diyan! Baklang ito,nagpapacute pa" sabi niya pa. Bahala ka diyan!
"Hoy!" Tawag niya ulit, pero hindi ko siya pinansin.
"Hay!! Sige na nga! Sorry na!!"sabi niya pa. 
"Sorry daw napipilitan lang naman" reklamo ko naman. Kita ko naman ngumiti siya sa akin
"Hindi ah! Sorry na, huwag ka ng magtampo! Alam mo naman na ayaw kong nalulungkot ang bekibhabe ko eh, smile na siya" pang-aamo niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti, ihhh bakit kasi kinikilig ako sa mga hirit niya.
"Uy! Nakasmile na siya!"tuwang-tuwa na sabi niya
"Ewan ko sayo! Hindi kita talaga matiis, ewan ko ba"sabay ngiti ko habang pinanggigigilan ang mukha niya.
"Aray naman!" Reklamo niya, "hindi mo kasi ako matiis kasi love mo ako" siguradong-sigurado na sabi niya may pakindat pa.
"Yun na nga eh, sobrang love kita kaya hindi kita matiis"
Kita ko naman na nagulat siya.
"Hala! Kinikilig naman siya" pang-aasar ko sa kanya. 
"Hindi no!" Tanggi niya pa, pero kita ko namumula mukha niya. Pakiramdam ko type talaga ako nito hahaha
"Okay lang kiligin ka....basta dahil sa akin" sabay kindat ko sa kanya, na lalong ikinapula ng mukha niya.
"Tumigil ka nga diyan sa mga Banat mo!, banatan kita diyan eh" sabi naman niya, hinila ko naman siya
"Wala naman talagang masama kung kinikilig ka" dagdag ko pa,sabay nose to nose sa kanya. Hay naku Sam!! Ano ba ginawa mo sa akin, minsan naloloka na ako sa mga pinagagawa ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang mukha ko
"Alam mo ba kahit bakla ka, ang galing mo magpakilig!" Sabi niya naman "kaya love na love kita eh" dagdag pa niya. Ahhhhh ano ba itong napasukan ko!!!!! 
"Ang cute mo pala kapag namumula ka, kinikilig ka din no?"ganting asar niya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya, naku!!! Parang tama sila Change is Coming na talaga!!!! Naloloka na me!!!
"Huwag ka nga! Nakamake-up ako no' kaya mapula ang mukha ko" tanggi ko, 
"Huwag ako! Alam kong hindi ka nakamake up ngayon, ikaw na nga may sabi okay lang kiligin! Kaya huwag ka na mahiya" sabi niya tapos kindat ulit sa akin.
"Che!!! Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko ng usapan
"Galing din hahaha, pero hindi pa! Bakit?" Sagot niya naman
"Yayain Sana kita kumain, Tara!"pag-aayaya ko sa kanya.
"Talaga? Libre mo ako?"tanong niya sa akin.
"Oo nga! Kaya Tara na!" Sabay kuha sa kamay niya. Para-paraan din eh hahaha.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon