CHAPTER 24

232 16 0
                                    

CHAPTER 24
SAM'S P.O.V
Tahimik lang ako na nakasunod sa dalawa, ang sweet nilang tingnan, nakakainggit. Sarap siguro magkaroon ng kapatid, kaso wala ako noon. Nag-iisang anak lang ako, tapos wala na mga magulang ko, ang mga kamag-anak ko naman nasa ibang bansa na lahat. Atsaka hindi naman kami close. Hay!!! Bawal malungkot dapat happy lang...
"Uy! Kanina ka pa diyan tahimik ah! May problema ba?"tanong ni bakla sa akin.
"Wala naman, natutuwa lang akong panoorin kayong dalawang magkapatid" sagot ko sabay ngiti.
"Asus! Halika ka nga dito!"sabi niya sabay hila sa akin palapit sa kanya.
"Huwag ka na magsenti diyan! Di bagay sayo, dapat nakasmile ka lang" dagdag niya pa. Nagsmile naman ako sa kanya, yung totoo ha.
"Hello may kasama kayo! Baka nakalimutan niyo,kasama niyo ako" pagsingit ni Gigi. Minsan talaga daot din ito eh...
"Hehehe, buti napaalala mo, nakalimutan ko eh,....daot!"parang may halong inis na sabi ni bakla. 
"Daot daw? Hahaha, paalala ko ha, BONDATE nating TATLO, hindi DATE niyo, pero okay lang naman sa akin, kung gusto niyo kayo lang" may panunuksong sabi ni Gigi. Baliw din talaga.
"Sari-sari ka na! Tumigil ka nga diyan! O mas mabuti manahimik na lang" balik na sabi naman ni bakla.
"Hehehe tumigil nga kayong dalawa! San ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad eh, may balak ba kayong ikutin ang buong mall?"pagsingit ko sa kanila, kanina pa kasi kami lakad ng lakad aba'y nakakapagod din.
"Oo nga! Bakit ba tayo lakad ng lakad?"tanong din ni bakla.
"Aba malay ko! Kayo itong lakad ng lakad na parang kayo lang ang tao sa mundo, nasunod lang naman ako" sagot naman ni Gigi. 
"Yun! Galing din, kami pa pala may kasalanan, bakit sino ba nagyaya? Yaya ka ng yaya wala naman palang Plano" pagpaparinig ni bakla.
"Hoy! Kuya may Plano ako, pero parang may iba kayong Plano..hahaha" hay eto na naman po tayo.
"Ano bangayan lang ang peg niyong dalawa?" D na ako nakatiis, ano nagpunta kami sa mall para mag-asaran? 
"Oo nga naman si Kuya kasi!!"
"Abat-" 
"Hayan na naman kayo!" Pigil ko, sakit nila sa ulo, grabe!
"Hehehe, Tara na nga nood muna tayo ng sine" pag-aaya ni Gigi. Good idea, gusto ko yun.
"Oh sige, kaw bumili ng ticket ako sa pagkain" pagsang-ayon naman ni bakla. Napatingin naman silang dalawa sa akin.
"Oh! Bakit?" Naguguluhang tanong ko.
"Kanino ka sasama? Sa akin o sa kanya" tanong sa akin ni bakla. 
"Sa-"
"Sa akin siya sasama Kuya!" Putol ni Gigi sa sasabihin ko. "Di ba Sam?" Nakangiting sabi niya. 
"Ha? Ah... Oo sa kanya ako sasama" napipilitang sagot ko. Ano ba yan!!
"O sige! Kaw na bahala Kay Sam," bilin niya Kay Gigi sabay alis.
"Ay grabe siya! Iba na talaga" parang baliw na sabi ni Gigi.
"Tara na nga!" Yaya ko sa kanya, para bumili ng ticket.
"Excited na ako, manood" tuwang-tuwa na sabi ni Gigi. Tapos tumingin siya sa akin. Oh ano naman problema nito.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"May gusto lang Sana ako itanong sayo?" Biglang sabi niya.
"Ha? Ano yun?" Kinakabahan kong sabi. 
"Eh..paano ba ito? Hmmm" parang nahihiyang sabi niya.
"Ano ang gusto mong malaman?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang Sana itanong kung may gusto ka ba sa Kuya ko?" Tanong niya, na lubos ko namang ikinabigla.
"Ha? Ano ba yang pinagsasasabi mo,hehehe" oh my bakla asaan ka na ba?
"Oh bakit? Madali lang naman ang sagot ah, oo o hindi, ano nga?" Pangungulit pa niya. Please bakla dumating ka na!!!
"Hehehe ano ka ba naman! Alam mo namang bakla ang Kuya mo d ba?" Kinakabahang sagot ko.
"Ehhh ang layo naman ng sagot mo, atsaka ano naman kung bakla siya, ang tanong ko naman ay kung may gusto ka ba sa kanya?" Bakit ba ang kulit ng lahi nila!!! 
"Hoy! Girl tulala lang! Sagot!!" Hala! Bahala na!!!!
"Ahh-" 
"Pasensiya na natagalan ako" biglang sulpot ni bakla. Yes!!!! Nakahinga ako ng malalim.
"Kuya naman eh!!! Wrong timing!!! Tara na nga!!" Inis na sabi ni Gigi. At nauna na siya.
"Ha? Ano problema nun?" Nagtatakang tanong ni bakla
"Ewan ko"

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon