CHAPTER 9

284 18 0
                                    

CHAPTER 9

SAM's P.O.V

Uwian time na but still masama parin ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng makauwi ka agad para makapagpahinga ako. Agad akong nag-ayos ng gamit ko para makauwi na.

"Okay ka na ba Ms. Ocampo?" Biglang tanong ni Madam.

"Medyo po" mahinang sagot ko, sama talaga ng pakiramdam ko.

"Sigurado ka ba?, wait let me check" at agad niya akong inilapit sa kanya.

"Oh my you're so hot!!!!" Gulat na gulat na sabi niya. 

" Alam ko na po iyan Madam, sobrang hot ko naman talaga" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ay!!! Assuming ka din!, hot means mainit!!!" napahiya naman ako dun.

"Hehehe sabi ko nga po" 

"Pauwi ka na ba?"tanong niya 

"Opo, bakit po may pag-uutos pa po ba kayo?" 

"Wala naman, sobrang sama ko naman kung papahirapan pa kita ay masama na ang pakiramdam mo" buti alam mo. Kailangan pa pala magkasakit ako para bumait ito eh...

"Ah, sige po una na po ako sayo madam" paalam ko.

"Wait" napatigil naman ako at tumingin sa kanya.

"Bakit po?" Tanong ko

"Hatid na kita, wait lang kukunin ko lang mga gamit ko" pagkasabi niya ay umalis na siya. Ano raw? Hahatid niya ako? Anong nangyayare?

"Tara na" aya niya sa akin 

"Sigurado po kayo Madam?, kakahiya naman po" 

"Oo naman atsaka hindi naman ako mapapalagay kung hahayaan kitang mag-isa na ganyan ang kalagayan" balewalang sabi niya. Pero ako gulat na gulat, kung lalaki siguro siya kinilig ako. Ano ba yan Sam kung ano naiisip mo.

"Pero Madam okay naman po ako" sabi ko pa

"Okay daw! Sa itsura mong iyan ganyan ba ang okay?, atsaka huwag ka ng mahiya sa akin. Tara na!!!!"sabay hila sa akin. Nagpahila na lang ako, wala naman ako Laban sa kanya. Atsaka sayang din libreng pamasahe pa. Minsan lang ito bumait kaya sulitin ko na.

"Tititigan mo na lang ba ako o sasakay ka?" Bigla naman ako natauhan nandito na pala kami sa harap ng sasakyan niya.

"Hehehe, sorry po! Eto po sasakay na" nahihiyang sabi ko. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan.....

-
Hello po😊

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon