CHAPTER 21

262 16 0
                                    

CHAPTER 21 
SAM'S P.O.V
Hay!!! Walang magawa dito sa bahay, mag-isa lang ako kasi umalis si bakla. Ewan ko lang kung saan siya nagpunta,wala ako pakealam! Buti nga iyon kasi matatahimik ako. Ano kaya pwede kong gawin?....hmmm....
"Aha!! Alam ko na!" Excited na sabi ko, sasayaw na lang ako, tutal wala namang tao dito ako lang. Agad akong nagpatugtog, lumingon-lingon muna ako baka kasi may makakita sa akin. Kahit na Alam ko sa sarili ko marunong akong sumayaw, nahihiya parin akong makita ng iba na sumasayaw ako. 
"Kalimutan mo na yan....🎶🎶" sabay ko sa kanta habang sumasayaw. Enjoy na enjoy lang ako, hanggang sa matapos. Kahit hinihingal ako, okay lang,
"Woohh!!! Ang saya!!!!"masayang sabi ko, tagal ko narin kasi hindi nakakasayaw, ngayon na lang ulit...
"Wow!!! Ang galing mo palang sumayaw!!" Napalingon naman ako at nakita ko si bakla may hawak na cellphone,
"Kanina ka pa ba diyan?" Biglang tanong ko...
"Hmmm... Oo" nakangising sabi niya, bigla naman akong nahiya.
"So, nakita niyo po lahat?" Pagtatanong ko ulit.
"Oo, kitang-kita ko paano ka sumayaw!galing mo kaya!!!"puri pa niya sa akin. "Kinuhanan ko pa nga oh" sabi pa niya sabay pakita ng cellphone niya. Oh my!!! 
"Uy! Bakit mo kinunan? Burahin mo iyan! Kahiya!" Utos ko sa kanya.
"Ha? Bakit ko buburahin? Ayaw ko nga!. Atsaka ka bakit ka mahihiya ang galing mo kaya!" Tanggi niya sabay tago ng cellphone niya. Agad naman akong lumapit sa kanya para kunin ang cp niya. 
"Sabi ko burahin mo yan!" Utos ko ulit
"No..no..no..no way...AYAW KO NGA" sabay iling niya. Kulit talaga nito kahit kailan.
"Akin na nga yang cp mo! Ako ang magbubura" sabay agaw ko sa cp niya.
"Hep!hep!hep!! Hindi pwede! Akin ito" sabay layo niya sa akin.. Kaya no choice ako kundi habulin siya.
"Akin na sabi eh!" Inis na sabi k habang humahabol sa kanya.
"Kunin mo kung kaya mo" natatawang sabi niya" habulin mo ako crazybhabe...habol.." Pang-aasar pa niya.
"Crazybhabe mo mukha mo!!! Patay ka sa akin kapag naabutan kita" pagbabanta ko.
Hay naku!! Bakit ko ba nakalimutan na may lahing kabayo itong baklang ito, kapagod!!
"Dali na kasi! Ibigay mo na sakin iyan!" Pagmamakaawa ko sa kanya.. Hindi ba siya napapagod? Ako kasi pagod na.
"Hahaha bakit suko ka na ba? Pagod ka na?" Hinihingal na asar niya sa akin.
"Bakit ikaw hindi ba? Pagod ka na rin naman ah, ayaw mo pa kasi burahin eh! Para tapos na!" Naiinis na sabi ko.
" ayaw ko nga kasi, ikaw naman itong makulit eh!" Ako pa daw ang makulit?
"Ikaw ang makulit! Akin na yan please" pagpapacute ko, baka kasi gumana.
"Hindi gagana pagpapacute mo, remember bakla ako" natatawang sabi niya. Kaasar naman eh!!
"Please!burahin mo na iyan oh..please...please" pagmamakaawa ko ulit habang lumalapit sa kanya.
"A.Y.A.W. KO" bakit ba hirap nitong paki-usapan. Ano kaya dapat Kong gawin? Isip Sam.....hmmmm.... Aha!!!
"Dali naman oh, hindi ka ba naaawa sa akin, pagod na ako oh, kakahabol sayo. Hirap mo kasing habulin eh,, layo ka kasi ng layo. Paano tayo magtatagpo niyan? Ganyan ba ang gusto mo? Ang palagi akong pahirapan? My bekibhabe..." Kita ko naman na natigilan siya nakatingin lang sa akin. Sinamantala ko naman iyon para kunin sa kanya ang cp niya
"Gotcha!!" Tuwang-tuwa Kong sabi.. 
"Hoy! Madaya ka!" Sigaw naman niya ng matauhan siya. Hahaha agad kong hinanap ang video para burahin kaso bago ko pa nagawa naagaw niya ulit... Asar!!
"Akala mo ha! May pahugot ka pa diyan, at ano nga yung tawag mo sa akin" kunwari ay nag-iisip " ah yun BEKIBHABE" may diin na sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. 
"Joke lang yun! Huwag kang ano diyan!!" Sigaw ko naman sa kanya. 
"Akin na nga iyan!" Agaw ko ulit sa cp niya.. Sa pag-aagawan namin nawalan siya ng balanse kaya ang ending.. 
"Aray!!" Sabay naming sabi, paano ba naman nahulog kami. Pangalawang beses na ito ah. Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya.. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ganito? 
"Surpri-- oh my gosh!!!!" Rinig naming sigaw..... Oh! Oh!!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon