CHAPTER 26

263 15 0
                                    

CHAPTER 26
SAM'S P.O.V
Tahimik lang kaming dalawa ng lumabas,walang kibuan, Ewan ko ba.
"Oh! Kamusta? Tinuloy niyo ba?" Pang-aasar nq tanong agad ni Gigi pagkakita sa amin
"Tumigil ka nga diyan! Di nakakatuwa!" Seryosong sabi ni bakla. Ako tahimik lang di ko alam sa sabihin eh, atsaka until now nahihiya parin ako.
"Relax! Nagbibiro lang ako" 
"Pwes hindi nakakatawa" agad na sabi ni bakla.
"I know! I know!" Pagsuko naman ni Gigi "Maiba pala, Una na ako sa inyo,next time na lang tayo magbonding may emergency lang kasi, pasensiyan na!" Sabi pa niya. 
"So ano iyon uwian na! Ganun?"dismayadong sabi ni bakla. 
"No! Ako lang ang aalis, kayong dalawa maiwan, tuloy niyo na lang.." 
"Kanina ka pa sa ituloy na iyan..." Parang naiinis na sabi ni bakla.
"Hindi pa kasi ako tapos eh! Ibig Kong sabihin, ituloy niyo na lang, kayo na lang ang magdate.....ay mali!..este Ang magbonding pala..hehehe" naka peace sign na sabi ni Gigi. Baliw din talaga ito eh.
"Pero pwede din naman na bondate turn into a date, tapos ituloy niyo na lang iyong naudlot kanina..hahaha" pang-aasar pa niya. Sinamaan naman siya ng tingin ni bakla. "Hehehe biro lang, sige Una na ako bye! LOVEBIRDS!! Amin amin din pag may time hahaha" at umalis na nga siya. Kami na lang dalawa ang natira, hindi naman ako umaasa na matuloy pa ito, matapos ang nangyari kanina.
"Sam" tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Galit ka ba sa akin?" Ha? Ako galit?
"Hindi ah! Bakit mo naman na isip iyan?" 
"Akala ko kasi galit ka sa akin, you know? Iyong nangyari kanina" parang nahihiyang sabi niya pa.
"Hala! Bakit naman ako magagalit? Pareho naman nating hindi alam na may mga nakatingin sa atin eh, atsaka sanay na naman ako sayo."sabi ko sabay ngiti ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim.
"Hay! Salamat! Akala ko talaga galit ka eh! Kaya hindi ka nagsasalita" tuwang-tuwa na sabi niya sabay yakap sa akin. Minsan talaga hindi ko na maintindihan kinikilos nito.
"Pasensiya na kanina ha"sabi pa niya habang nakayakap parin sa akin.
"Okay lang! Ano ka ba" sabay yakap din sa kanya, sayang ang pagkakataon hahaha..
"Sam"tawag niya ulit
"Hmmm?" 
"Ano kasi...ah...eh..." 
"I..o..u?, abakada lang?"
"Hindi yun! Ang gusto kong sabihin ay kung pwede ba na...." Huminga siya ng malalim, ano ba yun?
"Na?" Pagtatanong ko.
"Na ituloy natin..." Ha? Ang alin? Iyong kiss?
"Seryoso ka ba? Itutuloy natin?"gulat na tanong ko.
"Oo, kung gusto mo lang naman" sagot naman niya. Itutuloy talaga namin? Oh em g!!!
"Ano pwede ba?" Tanong niya ulit. 
"Oo naman" sagot ko kaagad. Heto na mga bes!! This is it!!!
"Talaga?"masayang sabi niya.
"Oo nga" nakangiti Kong sabi sa kanya.
"Sabi mo yan ha!wala ng bawian" kulit din talaga eh.
"Oo nga, kasi! Kulit mo din eh" sabay pisil ko sa Ilong niya. Magjowa lang ang peg hahaha
"Okay, okay, San mo Una gusto pumunta? Gusto mo ba kumain muna tayo?" Tanong niya.
"Ha?" Nagtatakang sabi ko
"Oh bakit? D ba pumayag ka na ituloy natin itong bonding na ito o pwedeng date na rin" sabi niya pa. Ha? Iyon ang itutuloy namin?
"Yun ba iyon? Akala ko?" 
"Anong akala mo?"tanong niya
"Ha? Wala, Tara Kain muna tayo!" Yaya ko sa kanya.. Yan kasi Sam huwag masyadong assuming!!!

-

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon