CHAPTER 78

165 11 0
                                    

SAM'S P.O.V
Nakatulala lang ako at iniisip kung tama ba talaga ang desisyon ko? Ngayon na ang alis namin, pero nagdadalawang-isip na ako. Oo nagalit ako kay bakla sa mga narinig ko. Pero tama ba talagang iwanan ko siya? Naguguluhan na ako. Paano kung mali talaga ang pagkakaintindi ko? Paano kung mahal talaga niya ako? 
"Hay!!"buntong-hininga ko, Pero bakit ganun? Parang hindi naman niya ako hinahanap?
"Ready ka na ba?"biglang tanong sa akin ni Jeric, hindi ko siya namalayan pumasok ah. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Kahit alam ko sa sarili ko na parang ayaw ko ng tumuloy.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"tanong pa niya, hindi naman ako nakasagot.
"OK lang sa akin, kung ayaw mo ng ituloy. Mas masaya pa nga ako kung hindi ka sasama eh"sabi pa niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ayaw mo ba akong isama?"pagtatanong ko, umiling naman siya at tumawa
"Hindi naman sa ganun, sa totoo niyan gusto kita isama."sagot naman niya
"Yun naman pala eh, bakit sabi mo mas masaya ka kung hindi ako sasama" pagtatanong ko ulit
"Kasi Sam, alam kong mas sasaya ka dito. Dahil nandito yung happiness mo."sagot niya, natahimik naman ako.
"Sam"pagtawag niya sa akin "Tandaan mo hindi sagot ang pagtakas, para makalimot. Lalo mo lang papahirapan ang sarili mo."dagdag pa niya.
"Tingin mo ano bang dapat Kong gawin?"tanong ko sa kanya.
"Ano bang sabi ng puso?"balik na tanong niya sa akin.
"Ewan ko, naguguluhan ako"sabi ko pa.
"Isip mo lang naman kasi ang magulo, pero iyang puso mo alam na niya ang mga sagot sa tanong mo."sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
"Alam kong alam mo na ang dapat mong gawin. Natatakot ka lang, natatakot ka na subukan. Pero Sam, kung magpapadala ka sa takot mo, sasaya ka ba?"sabi niya pa hindi ko na napigilan hindi maiyak.
"Pero ang sakit parin eh"naiiyak na sabi ko
"Pero tumigil ba ang pagmamahal mo sa kanya dahil sa nasaktan kanya?"tanong niya
"Hindi"sabay iling ko "mahal na mahal ko siya" sabi ko pa
"Kung ganun naman pala, bakit iiwan mo siya?" Tanong niya pa. Hindi naman ako nakasagot.
"Sam, piliin mo kung saan ka sasaya"nakangiting sabi niya pa.
"Salamat Jeric ha" ngumiti naman siya at niyakap ako.

BAKLA P.O.V
Nandito lang ako sa bahay, wala akong gana pumasok sa opisina. Hawak-hawak ko lang ang picture namin ni Sam. Para akong sira, nakangiti pero umiiyak.
"Miss na miss na kita crazybhabe ko, kung saan-saan na kita pinahanap. Kaso hindi ka parin nila makita. Nasaan ka na ba ha?"naiiyak na sabi ko habang kinakausap ang litrato niya.
"Ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa akin? Kaya mas gusto mong huwag akong makita. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako halos masiraan na ng ulo kakaisip sayo."sabi ko pa habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Please naman oh! Bumalik ka na. Hindi ko na kasi kayang hindi ka makita. Para akong unti-unting pinapatay sa mga araw na wala ka."patuloy lang ang mga luha ko.
"Mahal na mahal kita Sam, alam mo ba yun? Siguro hindi, hindi mo kasi ako hinayaan magpaliwanag. Hindi mo muna kasi ako hinayaan sabihin sayo ang lahat. Bigla mo na lang kasi akong iniwan. Di ba sabi mo, kahit anong mangyari hindi mo ako iiwan. Bakit ang bilis mong bumitaw? Hindi mo ba alam sa iyong pag-alis para mo narin akong pinatay. Please Sam, bumalik ka na"iyak lang ako ng iyak..habang yakap-yakap ang picture niya.
Pero bigla naman akong nagulat ng may biglang sumigaw..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
"KUYA!!!"

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon