CHAPTER 42

239 17 0
                                    

CHAPTER 42 
SAM'S P.O.V
Agad kong inayos ang lugaw, kumuha narin ako ng gamot at tubig at inilagay ito sa tray at dinala ko na ito sa kwarto ni bakla. Nadatnan ko naman siyang nakahiga lang.
"Bakla bangon na ikaw diyan" utos ko sa kanya. Pero siya deadma lang..
"Hoy! Bumangon ka na diyan! Dali na kasi!"pakiusap ko sa kanya. Pero tiningnan niya lang ako, tapos nagtalukbong ulit.
"Bakla naman eh! Huwag ng makulit! Huwag ng matigas ang ulo!bumangon ka na diyan!"parang na iinis na sabi ko. 'Ano bang kulit na meron ang taong ito'. Sumimangot lang naman siya.' Problema nito?'
"Ayaw ko! Magic word muna!"sabi naman niya. 'Ano raw magic word?'
"Please?"sabi ko, pero umiling siya.
"Mali" pasalamat talaga ito at may sakit siya.
"Eh ano?"tanong ko sa kanya. Pero sa halip na sagutin ako, nagtalukbong lang ulit siya. 'Pambihira naman oh!!'
"Dali na kasi!"pagpupumilit ko pa sa kanya.
"Ayaw ko nga!"sabi niya sabay belat sa akin. 'Babatukan ko na ito!'
"Ano ba kasi iyong magic word na iyon!?"in is na tanong ko. Pero hindi naman siya sumagot. 'Ano ba gagawin ko dito?'
"Sige na, babangon na siya! Please! Lalamig ito oh! Iinom ka pa ng gamot" mahinahon na sabi ko pa.
"Magic word muna"sabi naman niya. 
"Buwesit na magic word yan!!" Inis na sabi ko. 
"Dali na kasi! Bumangon ka na diyan! Kain ka na oh! Please....bekibhabe ko" nakapikit na sabi ko. Tahimik lang naman siya, at ng minulat ko ang Mata ko,nakaupo na siya habang nakangiti sa akin.
"Yun lang yun?"gulat na tanong ko pa "gusto mo lang tawagin kitang bekibhabe?"dagdag na tanong ko pa. 
"Oo" nakangiting sabi niya. "Sige na! Subuan mo na ako!"sabi niya pa. 'Kung batukan kaya kita' gusto ko sanang sabihin pero ngumiti na lang ako sa kanya.
"Heto na po...BEKIBHABE KO!! Say ah!!!"sabay subo sa kanya.
"Aray! Ang init!"reklamo niya, tapos sinamaan naman niya ako ng tingin. Tumawa lang naman ako. Hahaha buti nga.
"Ay!mainit ba?"pagtatanong ko pa...
"Try mo! Para malaman mo!"inis na sabi niya.
"Joke lang! Eto naman!"
Pero sumimangot lang siya, na animo'y nagtatampo. 'Bakit ba ang hilig nitong magtampo?'
"Hoy! Sorry na! Binibiro lang naman kita eh" panunuyo ko sa kanya.
"Diyan ka naman magaling eh, hilig mong magbiro hindi mo alam na nasasaktan na ako" biglang sabi niya. Ha 'san galing iyon?'
"Hindi ko naman kasi gustong saktan ka eh! Kaya sorry na! Heto oh hihipan ko na!"sabi ko , habang hinihipan ko iyong lugaw.
"Ahh" sabi niya sabay subo ko..
"Bati na tayo ha" biglang sabi ko, tumingin naman siya sa akin.
"Nag-away ba tayo?" Tanong niya, 'nagkasakit lang nakalimot na'
"Ewan, parang! Hindi mo kasi ako pinapansin eh" sagot ko sa kanya, habang sinusubuan parin siya.
"Hindi naman ako nagalit eh! Nagtampo lang" sabi niya tapos ngumiti siya.
"Sorry"sabi ko "hindi ko sinasadyang pag-alalahin ka."parang naiiyak na sabi ko.
"Okay na yun!"sabi naman niya. Pero umiling ako
"Pero gusto ko parin magpaliwanag, Sa maniwala ka o hindi, gusto kitang tawagan nun' kaso lang nalowbat ako. Alam mo ba takot na takot ako noon, at ikaw ang iniisip at tinatawag ko nun'. Umaasa akong darating ka! Pero si... Jeric yung dumating eh,"paliwanag ko," tapos niyaya niya akong kumain muna tapos nun umuwi na kami. Kaya Sana maniwala ka na hindi ko ginusto na pag-alalahin ka. Dahil kung alam ko lang na darating ka, sana hinintay kita" dagdag ko pa habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Sabi ko nga kanina! Okay na yun! At huwag kang mag-alala naniniwala ako sayo! Sa totoo nga, hindi mo naman kailangan magpaliwanag eh. Pero salamat nagpaliwanag ka parin."nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin. "So, bati na tayo?" Tanong niya naman, tumango naman ako at kumalas sa yakap niya.
"Pero, pwede ba huwag ka ng sasama sa Jeric na yun" sabi pa niya, pagkatapos niyang uminom ng gamot.
"Ha? Pero bakit?" Tanong ko naman." Mabait naman iyong tao ah" dagdag ko pa.
"Basta! Huwag ka ng sasama dun! Huwag mo na rin kausapin" utos pa niya.' Ha? Nagseselos ba siya?' Assuming lang?'
"Teka! Nagseselos ka ba?"tanong ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin.
"Hindi no!" Tanggi niya naman
"Talaga?"paninigurado ko.
"Oo nga! Hindi ako nagseselos no'" sabi niya sa akin.
"Yun naman pala eh! Eh di walang masama kung kausapin ko siya"sabi ko sabay ngiting nakakaloko sa kanya. Sumimangot at sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Oh bakit? Wala naman talagang masama di ba?"pang-aasar ko pa.
"Subukan mo mag-aaway talaga tayo!"hamon naman niya sa akin. 'Ayaw pa talagang umamin eh'
"Bakit nga kasi! Mabait naman yun tao ah"panghuhuli ko pa sa kanya.
" basta nga kasi! Makinig ka na lang! Pagsinabi kong huwag mo siyang kakausapin! Huwag!"paliwanag niya. 
"Ayaw ko nga! Hindi mo naman sabihin ang dahilan eh" pang-aasar ko pa,hahaha 
"Ang kulit mo! Pwede bang sumunod ka na lang! Huwag mo siyang kakausapin! Huwag mo siyang papansinin! Yun tapos!"gigil na sabi niya.
"Eh paano iyon! Nangako ako ng lunchDATE sa kanya" sabi ko, kita ko naman na lalo siyang nainis, hahaha
"Icancel mo!!" Utos niya.
"Ay! Nakakahiya naman dun sa tao atsaka nakapangako na ako no" sabi ko pa habang pinipigil na huwag mapatawa sa itsura niya.
"BAKIT BA KASI ANG HIRAP MONG PAKIUSAPAN!!! PAGSINABI KONG LUMAYO KA SA KANYA, LUMAYO KA!!! HINDI MO BA NAKIKITA HA? O SADYANG NANG-AASAR KA LANG!! HINDI BA HALATANG...NAGSESELOS AKO!!!"bigla naman siyang natigilan... Ako naman nagulat sa sinabi niya.
"Ano sabi mo?"tanong ko, umiwas naman siya ng tingin.
"Wala! Hindi ko kasalanan kung bingi ka.."sabi niya sabay higa. Narinig ko naman eh gusto ko lang maksigurado
"Hoy! Ano nga sinabi mo kanina! Pwede mo bang ulitin! Please!"pagpupumilit ko pa sa kanya.
"Bahala ka diyan!!" Sabi niya sabay talukbong.
"Hoy!" Pangungulit ko pa.
"Pwede ba huwag kang maingay diyan! Matutulog ako! Gusto ko magpahinga!!" Sabi niya pa. 'Andaya naman niya oh!!!'
Pero sabi niya, nagseselos daw siya!!!!waaahhh!!! Kinikilig ako!!,

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon