CHAPTER 75

147 12 0
                                    

SAM'S P.O.V
Hanggang ngayon, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Para ngang hindi nauubos ang mga luha ko. 
"Umiiyak ka na naman, alam mo bang nag-aalala na ako sayo Sam. Hindi ka parin kumakain"napalingon naman ako sa nagsalita. 
"Ang sakit-sakit kasi....Jeric..."umiiyak na sabi ko. 
Yes si Jeric ang kasama ko ngayon, after kong umalis sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nakita niya ako.
"Ano ba talagang nangyari Sam? Nag-away ba kayo? Pinalayas ka ba niya? Ano?"sunod-sunod na tanong niya.
"Hindi niya ako pinalayas, ako ang kusang umalis."naiiyak na sagot ko sa kanya.
"Ha? Pero bakit mo ginawa yun? Sigurado akong nag-aalala na siya sayo"sabi pa niya. Napangiti naman ako ng mapakla.
"Iyon mag-aalala? Malabo, baka nga nagsasaya pa siya eh" sagot ko
"Anong ibig mong sabihin?"pagtatanong pa niya
"Niloko niya ako Jeric...pinasakay niya lang ako..hindi...niya...ako...mahal..."naiiyak na sabi ko sa kanya..
"Ano?? Paano mo naman nasabing niloko ka niya? At hindi ka niya mahal? Parang hindi naman, dahil kitang-kita ko sa kanya kung gaano ka niya kamahal"di makapaniwalang sabi pa ni Jeric.
"Ganun din ang akala ko, akala ko mahal niya ako. Pero...lahat lang pala yun....plano niya, para pasakayin ako."lalo naman akong naiyak.
"Sam, huwag ka ng umiyak. Paano mo ba nasabi na niloloko ka niya? Sinabi niya ba sayo?"tanong pa niya.
Umiling naman ako at kinuwento sa kanya ang nangyari.
"Baka Mali lang ang pagkakaintindi mo Sam? Bakit hindi mo muna hinintay magpaliwanag siya? Sigurado ako may rason siya sa lahat ng yun"sabi niya after Kong ikwento ang lahat.
"Malinaw naman ang narinig ko. Bakit ko pa siya papakinggan sa mga paliwanag niya? Para ano para pasakayin niya ulit ako? Ayaw ko na! Sobrang sakit na. Ayaw ko siyang makausap, ayaw ko siyang makita."naluluhang sabi ko pa, niyakap naman niya ako.
"Hindi ko alam Sam, kung paano kita tutulungan. Kung paano ko iibsan iyang sakit na nararamdaman mo. Basta nandito lang ako ha, pwede mo akong iyakan. Atsaka dumito kana muna sa bahay."sabi pa niya habang nakayakap sa akin. 
"Salamat Jeric ha"pagpapasalamat ko pa sa kanya.
"Wala yun, di ba nga? Bestfriend tayo."napangitinaman ako.
"Kaya huwag ka ng umiyak diyan! Atsaka kumain ka muna please. Tingnan mo itsura mo, sobra mo ng pangit"natatawang sabi pa niya, kaya hinampas ko siya.
"Ang bad mo!"sabay hampas ko ulit
"Joke lang! Pero Sam, seryoso huwag ka ng umiyak diyan. Wala naman mangyayari kung iiyak ka lang, magmumukmok. Ang mabuti mong gawin ay ayusin ang sarili mo. At kapag ready at okay ka na, mag-usap kayo. Pakinggan mo muna siya, baka kasi Mali iyang akala mo. Hindi naman sa kinakampihan ko siya, pero hindi talaga ako naniniwala na hindi ka niya mahal. Sigurado akoo mahal ka nun' kaya sana maayos niyo iyan bago ako umalis"seryosong sabi pa niya, nagulat naman ako sa huling sinabi niya...
"Wait! Aalis ka?"gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo eh! Susunod na ako sa pamilya ko sa Singapore"nakangiting sabi pa niya.
"Ah, kailan ba ang alis mo?"tanong ko pa
"Nex week, kaya sana maging okay na kayo bago ako umalis."sagot niya, lalo naman akong nalungkot.
"Huwag ka na ngang malungkot diyan"nakangiting sabi niya pa.
"Paano naman ako hindi malulungkot? Kakaunti na nga lang mga kaibigan ko, mababawasan pa"malungkot na sabi ko pa. Ngumiti naman siya
"Huwag ka ng sad diyan! Smile ka na please"sabi pa niya.
"Sama na lang kaya ako sayo" nakangiting sabi ko pa, kita ko namang nagulat siya.
"Huwag ka ngang magbiro diyan Sam"natatawang sabi niya.
"Hindi ako nagbibiro, seryoso ako"seryosong sabi ko, tumingin naman siya sa akin.
"Sigurado ka?"paninigurado pa niya. Tumango naman ako
"Pero Sam..." 
"Please....sama mo na lang ako."pakikiusap ko pa sa kanya.
"Sigurado ka ba talaga?"pagtatanong pa niya
"Oo"sagot ko....

Hope u like it guys😊
❤❤❤❤

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon