CHAPTER 12

278 15 0
                                    

CHAPTER 12

SAM's P.O.V 

Parang gusto kong umayaw sa napasok Kong ito. Oo okay lang po sa akin ang maging katulong, pero ang hindi okay sa akin ay iyong bahay niya! Wow men grave!!! Ang laki mga tol. 

"Ito po ang bahay niyo?" di makapaniwalang tanong ko.

"Hindi, baka bahay mo" pamimilosopo naman niya. "Siyempre yan ang bahay ko dito kita dinala di ba?. Alangan naman dalhin kita dito tapos hindi ko pala bahay"
 
"Eh, bakit sobra namang laki po yata" tanong ko pa.

"Pakialam mo, gusto ko malaki eh!!. Atsaka d naman ikaw gumastos"

he.he.he konti na lang batok na ito sa akin.

"Sabi ko nga, trip niyo iyan eh.," pagsuko ko, wala din naman tinong sagot ito eh. Baka lang di ako makapagpigil samain ito sa akin.

"So,Madam ilan po kasama niyo sa bahay?" 

" ako lang" agad na sagot niya. Sa laki ng bahay niya tapos siya lang!!?

"Ay, ang lungkot naman." 

"Hindi malungkot iyon, maganda ng mag-isa kaysa marami pero magulo naman" komento niya.

Ganun? Pagmarami panggulo agad?

" ok, eh Madam, katulong po ilan?" Tanong ko ulit.

"Wala, ikaw lang" balewalang sagot niya. Na ikinagulat ko naman

"Wala po as in Wala?, ako lang po talaga?" Eksaheradang tanong ko

"Bakit may nakikita ka bang ibang tao dito?" Balik na tanong niya.

" wala po" sagot ko

"Eh di wala, atsaka d ko kailangan maraming katulong, lagi din naman akong wala dito eh. Atsaka ikaw narin naman may sabi madali lang naman. Kaya kayang-kaya mo na iyan" 
Eh batukan ko kaya siya , laki ng bahay niya tapos katulong ay ako lang?. Oo sinabi ko okay lang maging katulong pero sa ganitong kalaking bahay, inang!!!!! 

"Seryoso po kayo? Sa ganyang kalaking bahay, ni isang katulong wala kayo?" D makapaniwalang tanong ko.

"Hindi nagjojoke ako, natatawa ka ba?"

"Madam naman eh!, I mean mahirap pong linisin iyan ng ako lang" pangangatwiran ko.

"So, ibig sabihin hindi mo kaya?" Tanong niya

"Hindi naman po sa ganun" sagot ko agad

"Yun naman pala eh, tara na sa loob at wala akong balak dito matulog sa labas" pag-aaya niya. At lumakad na siya

" Madam!! Saglit lang po!!" Tawag ko sa kanya

"Oh bakit na naman?" Parang naiiritang tanong niya.

"Baka naman po pwedeng patulong dito" sabay turo ko sa mga gamit ko. Agad naman siyang lumapit

Hay!! Salamat!! 

"Ms. Ocampo matanong ko lang, ano ka nga ulit dito?" Tanong niya

"Katulong po" agad na sagot ko

"Ah, eh kanino nga ang mga gamit na ito ?" Tanong niya ulit.

"Sa akin po" sagot ko ulit.

"Ah, sino ulit ang boss mo?" Tanong na naman niya. Bakit ba dami nitong tanong

"Kayo po" sagot ko naman

"Iyon naman pala eh, KATULONG ka dito, AKO ang amo at HINDI KO MGA GAMIT IYAN!! Kaya hindi ko na problema yan.." May diin na sabi niya. At dire-diretsong pumasok sa bahay. Kahit kailan talaga!!! Kainis siya akala ko pa naman bumait na siya, hindi pa pala!!!! KABUWESIT!!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon