CHAPTER 34

237 16 0
                                    

CHAPTER 34
BAKLA P.O.V
"IKAW?" gulat na tanong ko, ng si Macy ang bumungad sa akin. Ay Mali!!
"Correction! KAMI"sabay-sabay nilang sabi. Ang tatlong bakla pala
"Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto? Atsaka kailan ka pa natutong maglock ng pinto,aber?"mataray na tanong ni Lucy.
"Busy ako, kaya di ko naririnig na may nakatok pala"pagsisinungaling ko, "atsaka nilock ko ang pinto para walang istorbo"dagdag ko pa.
"Grabe ka naman ka busy!! At talagang hindi mo naririnig!! Ay halos sirain na namin itong pinto mo!!"hindi makapaniwalang sabi pa ni Macy.
"Ganun na nga! Busy ako sobra! Pero maiba ano na naman masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?"pagtatanong ko.
"Ay grabe siya! Sa amin!,masama na palang dalawin ang isang kaibigan ngayon"pagdadrama pa ni flora.
"Hoy! Flora! Ang sama tingnan, hindi bagay sayo"inirapan lang naman niya ako. Taray!
""Teka nga!pwede ba papasukin mo muna kami sa loob, bakit ba nakaharang ka diyan?" Sabi naman ni Macy, 
"Wala naman kayo gagawin dito kundi manggulo, kaya bakit ko kaya papasukin"sabay harang ko sa may pinto.
"Kaloka kang bakla ka!!!, papasukin mo nga kami, atsaka pala !Teka bakit wala si Sam?"takang tanong ni Lucy habang nagpupumilit silang pumasok.
"Wa-........aray!"reklamo ko ng bigla nila akong itulak. "Bakit ba kayo nanunulak ha!!?"inis na sabi ko
"Eh ayaw mong magpapasok eh,"sagot naman ni flora habang nakangiti pa.
"Sam?"sabay-sabay nilang sabi, ng makita nila si Sam sa loob.
"Oh, bakit?"takang tanong ni Sam sa tatlo. Ang tatlo naman ay tumingin sa akin ng parang nakakaloko.
"Oh anong tini-tingin niyo diyan?"nawiweirduhang tanong ko sa kanila.
"Ayun! Busy daw pala! Eh kaya naman pala!"sabi ni Macy, sabay tingin Kay Sam tapos tingin sa akin ng nakakaloko.
"Hoy! Kung ano-ano pinag-iisip niyo diyan"tumawa lang naman sila. Si Sam naman nagtatakang nakatingin sa amin.
"Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip namin?"natatawang tanong ni flora.
"Abay, Malay ko sa inyo! Nandito sa loob si Sam, dahil may ginagawa kami" paliwanag ko
"May ginagawa daw! Mga beks hahaha, ano kaya iyon?"pang-aasar pa ni Lucy.
"Hoy! Kahit kailan talaga! Dudumi ng isip niyo! Hindi niyo ba nakikita, busy si Sam oh!" Sabi ko sabay turo kay Sam.
"Bakit wala naman kaming iniisip na iba ah! Ikaw ang masyadong defensive diyan eh."patay malisyang sabi naman ni flora. Bakit ko ba naging kaibigan ang mga ito?.
"Ewan ko sa inyo!! Kung manggugulo lang kayo dito, pwede na kayong umalis"pagtataboy ko sa kanila.
"Kahit kailan talaga, sama ng ugali mo, di ba Sam?"sabi naman ni Macy, napatingin naman si Sam.
"Ha?.... Ah..oo"sagot naman ni Sam,na ikinatawa ng tatlo. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit? Mali ba ang sagot ko? Ano bang tanong mo?"takang tanong ni Sam.
"Sabi kasi nila, ang sama ng ugali ko, na sinang-ayunan mo naman" sagot ko sa kanya. Nanlaki naman ang Mata niya.
"Ay sorry!! Hindi ko kasi naintindihan eh" hinging paumanhin naman niya.
"Che!!!" sabay irap sa kanya,"at kayong tatlo hindi pa ba kayo aalis? Wala naman kayong ginagawa dito!"baling ko naman sa tatlo.
"Eto naman! Pikon masyado, nandito kami para yayain ka lumabas, you know, miss ka na namin bakla ka, tagal mo ng hindi sumasama sa amin" sabi naman ni flora. Napaisip naman ako, oo nga no' 
"Oo nga! Palagi ka na lang busy" dagdag pa ni Lucy.
"Kaya ngayon! Sasama ka sa amin!,iwanan mo na muna iyang ginagawa mo Kay Sam, okay lang naman sayo iyon Sam di ba?"sabi pa ni Macy.
"Ha? Oo naman" sagot naman ni Sam.
"Pero paano ka? Sumama ka na lang kaya?" Sabi ko naman
"Hindi na! Bonding niyo iyan, huwag kang mag-alala okay lang ako" pagsisigurado niya.
"Pero paano pag-uwi mo?"nag-aalalang tanong ko.
"Huwag kang mag-alala,magtataxi na lang ako" sagot niya. 
"Sigurado ka? Tawagan mo na lang kaya ako kapag pauwi ka na" sabi ko pa.
"Hindi na! Okay lang ano ba! Sige sumama ka na sa kanila! Enjoy! Okay lang ako" nakangiting sabi niya pa.
"Ay! Ang sweet naman nila,"sabay sabay na sabi ng tatlo. Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Magsitigil kayo diyan!"saway ko sa kanila." Basta Sam kapag may problema tawagan mo ako ha" bilin ko pa Kay Sam. Ngumiti lang naman siya sabay lapit sa akin.
"Okay po, boss!" Sabay pisil sa pisnge ko "tatawagan kita kapag may problema, kaya huwag ka ng mag-alala diyan ha! Ang mabuting gawin mo ay mag-enjoy kasama nila, okay!" Dagdag pa niya. 
"Okay! Basta ha" habol ko pa
"Oo nga! Kulit mo" sabi niya "ingat kayo" bilin niya pa.
"Oh ano? Hindi pa ba kayo tapos diyan? Dami ng langgam oh!" Singit naman ni flora. 
"Che!!! Inggit lang kayo!! Tara na nga" pag-aayaya ko. 
"Sam Una na kami! Bye" paalam ng tatlo.
"Sige ingat and enjoy!!" Sabi naman ni sam
"Aalis na kami ha, iyong bilin ko ha, sige" paalam ko sabay kiss sa noo niya.
"Oo na po,ingat at mag-enjoy ka" bilin niya sabay kiss niya sa pisnge ko. Nagulat naman ako, 
"Oh! Ano na? May balak pa ba kayong maghiwalay diyan?" Sabat naman ni Lucy.
"Heto na po, andiyan na!" Sabi ko, hay kahit kailan talaga mga panira ang mga iyon....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon