CHAPTER 46

232 15 0
                                    

CHAPTER 46 
BAKLA P.O.V
Nandito kami sa mall,naglilibot-libot. Pero until now wala pa akong makitang pwede kong ibigay kay Sam. Naglakad-lakad lang ako ng may isang bagay na nakaagaw ng atensiyon ko...
"Ang cute naman nito!"sabay kuha ko sa isang stuff toy.
"Ano!! Yan na yun!! Baboy?!"di makapaniwalang sabi ng tatlo.
"Oh! Eh ano naman ang cute kaya!!"nakangiting sabi ko pa "sigurado akong magugustuhan ito ni Sam" sabay yakap ko dun sa stuff toy.
"Ewan ko sayo!!kung saan-saan tayo naglibot tapos yan lang pala bibilihin mo!"ungol naman ni flora.
"Basta! Ito na ang bibilihin ko!" Sigurado ako na magugustuhan talaga ito ni Sam..
Nakangiti akong naglalakad, excited na akong ibigay ito kay Sam.
"Hala! Baliw lang ang peg!! Nakangiti mag-isa!"biglang sabi ni Lucy.
"Hindi ako baliw! Masaya lang ako!"sabi ko naman. Umirap lang siya.
"Oy! Mga beks!!"biglang sabi ni flora, tumingin naman kami sa kanya
"Bakit?"tanong namin.
"Di ba si ate girl yun!"sabi pa niya,
"Ha?"takang tanong naman namin
"Si Sam, iyon oh!"sabi niya sabay turo, napatingin naman kami sa direksyon kung saan niya tinuturo. 'Sana pala hindi na lang ako tumingin'
"Oo nga! Si Sam nga! Pero sino yung kasama niya?"tanong naman ni Macy.
"Si papa Jeric ba yun!!"biglang sabi naman ni Lucy. Tahimik lang ako, habang nkatingin parin sa dalawa.
"Oo nga! Si Papa Jeric nga!!"masayang sabi ni flora sabay palo sa akin.
"Magkakilala pala silang dalawa?"nagtatakang tanong pa nila, 
"Hoy! Bakla tahimik ka diyan!"sabi ni Macy sabay hampas sa akin. Tumingin naman ako sa kanila
"Ha?...hehehe, tara na!!" Yaya ko na lang..'gusto ko ng umalis, sinabi ko ng iwasan niya yun! Pero ano? Kasama pa niya ngayon?'
"Teka lang!!!hindi mo ba sila pupuntahan?"tanong naman ni flora. 'Ano ako baliw? Para puntahan pa sila'
"Hindi na!, baka nagdedate yung dalawa, makakagulo pa ako!"may pagkabitter na sabi ko.
"Nakakaamoy ako ng selos" nakakalokong sabi ni flora.
"Hindi no'!" Sabi ko.
"Talaga?, puntahan mo nga sila!" Paghahamon naman nila.
"Ayaw ko nga! Tara na kasi!"inis nasabi ko.
"Selos ka nga!!!"masayang sabi nila
"Oo na NAGSESELOS AKO!!! Ano masaya na kayo?..Buwesit!!!" Sigaw ko, kita ko na natigilan naman ang tatlo. Kita ko din na nakatingin sa akin ang mga tao. Malamang ikaw ba ang sumigaw sa gitna ng mall?. Pero napansin ko na nakatingin din sa direksyon ko sina Sam, kita ko ang gulat sa mukha niya. Agad along umiwas ng tingin sa kanya at dire-diretsong umalis...
"Hoy! Bakla! Sandali!!!"sigaw ng tatlo..pero ako dire-diretso lang...KAINIS talaga!!! Kakabuwesit!!!!
Galit na galit akong pumasok sa kotse ko...

SAM'S P.O.V
Tahimik lang akong naglalakad-lakad sa mall ng may tumawag sa akin.
"Sam!!"paglingon ko nakita ko si Jeric tumatakbo palapit sa akin.
"Oh Jeric kaw pala!"bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Sabi ko na nga eh! Ikaw yung nakita ko!! Kaya hinabol kita kaagad!" Hinihingal na sabi pa niya.
"Hehehe, ano ginagawa mo dito? Sino kasama mo?"tanong ko sa kanya.
"Ako lang! Naggagala-gala lang ako"sabi naman niya "ikaw?"tanong pa niya
"Ako?.. Tulad mo naggagala-gala lang din" sagot ko.
"May kasama ka ba?"tanong niya ulit.
"Wala ako lang" sagot ko.
"Ah... Samahan na kita"offer pa niya, 
"Kahiya naman, atsaka pauwi narin naman ako" tanggi ko pa, 
"Okay lang! Hatid narin kita!"offer niya ulit, 
"Naku huwag na! Ayos lang ako!"sabi ko, 'patay ako nito Kay Bakla kapag nakita niya tayong magkasama' 
"No! Insist!"sabi pa niya. 'Oh my ano gagawin ko nito?" 
"Hehehe... Sige!"pagsuko ko 'bahala na' 
Naglalakad-lakad lang kami ng may biglang may sumigaw, napatingin naman kami kung sino yun. Laking gulat ko ng makita ko si bakla kasama sina Macy, Lucy, at flora. Tumingin siya sa akin,pero kaagad ding umiwas tsaka umalis.
"Anong nangyari dun?"takang tanong ni Jeric. Pero ako tulala lang...'galit siya, I know!'
"Hoy! Sam! Okay ka lang?"tanong niya sa akin, tumango lang ako.
"Tara na! Kailangan ko ng umuwi!" Yaya ko sa kanya
"Kain muna tayo" pag-aalok pa niya.
"No! Kailangan ko na talagang umuwi! Pasensiya na"sabi ko habang mabilis na naglalakad.
"Saglit lang talaga! May alam akong malapit na kainan diyan!hindi naman tayo magtatagal eh tapos nun' hatid na kita"sabi pa niya.
"Ano ba Jeric!! Hindi mo ba narinig? D ba sabi ko kailangan ko ng umuwi!! Kung nagugutom ka, eh di kumain ka!! Kaya Kong umuwi mag-isa!!!inis na sigaw ko sa kanya.. Nagulat naman siya.
"Pasensiya na, hindi ko gustong sigawan ka"hinging paumanhin ko.
"Kailangan ko lang talagang umuwi na, pasensiya na talaga" sabi ko sabay alis...
Sumakay kaagad ako ng taxi..
'Kailangan ko siyang makausap kaagad' 
Agad akong nagbayad at bumababa ng taxi pagkarating ko sa bahay.
"Bakla!!"sigaw ko pagkabukas ko ng pinto, pero wala siya...
Umakyat ako,at pinuntahan siya sa kwarto niya, nagbabakasakaling nandun siya..kaso....wala din siya..
"Bakla asan ka na?"naluluhang sabi ko.
"Hayaan mo naman akong magpaliwanag muna bago ka magalit" patuloy Kong sabi..
Sinubukan ko siyang tawagan kaso, patay ang cp niya..
"Bakla!!!! Sorry na!!!" Sigaw ko pa...

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon