CHAPTER 85 (FINALE)

434 16 0
                                    

SAM'S P.O.V
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. At nag-iintay na bawiin niya ang sinabi niya.
"Sam, ayaw kitang maging Girlfriend"seryosong sabi niya pa. Rinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Parang gusto kong umiyak. 'Ano na naman ba ito? Naglolokohan ba kami dito? Akala ko ba okay na? Mahal namin ang isat-isa, eh ano ito?'
"Teka nga! Naglolo-" 
"Sandali lang Sam"putol niya sasabihin ko. 
"Hayan ka na naman, pakinggan mo muna ako please"sabi niya pq, tumango naman ako.
"Go, makikinig ako. Pero umayos ka!"may pagbabantang sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga! Ang bilis mong mapikon"sabi pa niya at piningot ang ilong ko
"Aray!"reklamo ko sabay palo ng kamay niya
"Hehehe, sorry ang cute mo kasi"nakangiting sabi niya
"Okay, seryoso na"huminga muna siya ng malalim.
"Ayaw kitang tanungin, kung pwede ba kitang maging girlfriend. Dahil ayaw naman kitang maging girlfriend"seryosong sabi niya. Parang gusto kong sapakin siya sa mga oras na ito.
"Pero bago ka magreact o magalit. Hayaan mo muna akong ipaliwanag kung bakit ayaw ko. Hindi kita ginogood time Sam. Hindi rin tayo naglolokohan. Sa totoo nga niyan seryosong-seryoso ako eh"sabi niya pa. Pinakikinggan ko lang siya kahit gulong-gulo na ako.
"Di ba kanina, tinanong kita. Kung tatanungin ba kita ngayon, yes ba ang isasagot mo. Sabi mo "oo"."nakangiting sabi niya pa.
"Pero ayaw kong itanong sayo iyong tanong na "can you be my girlfriend?". Ayaw ko nun!"sabi niya pa, gulong-gulo na talaga ako. 'Saan ba papunta ito?'
"Kasi Sam, may iba akong gustong itanong sayo. Kasi ayaw ko ng patagalin pa ang lahat ng ito sa atin." Huminga ulit siya ng malalim. Ako naman nakatingin lang sa kanya. Parang kinakabahan ako sa gagawin niya.
"Alam kong medyo mabilis ito para sayo. Pero Sam ayaw ko ng magpatumpik-tumpik pa. Kaya sa gitna ng mga tao sa paligid natin. May gusto Sana akong itanong sayo" 
Napasinghap naman ang mga tao sa gulat sa kanyang ginawa. Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hindi ko inexpect ito, gulat lang akong nakatingin sa kanya.
"Bakla"sambit ko sa pangalan niya, ngumiti naman siya sa akin.
"Sam, mahal na mahal kita. Kaya ayaw kong maging girlfriend lang kita dahil ang gusto ko ay mas higit pa. Hindi gf kung hindi asawa ka. Kaya Sam gusto Kong itanong sayo" sabi niya sabay labas ng singsing.
"Sam, pumapayag ka bang magpakasal sa akin? At makasama ko habang buhay?"pagtatanong niya pa, napaiyak naman ako. 
"Buwesit ka"sabi ko sabay hampas sa kanya
"Yes!!! Say yes!!"sigaw ng mga tao sa paligid namin.
"Sam"pagtawag niya ulit sa akin.
"May choice pa ba ako?"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wala"nakangiting sagot niya
"Yes! Magpapakasal ako sayo"nakangiting sagot ko sa kanya. Kaagad naman niyang sinuot sa akin ang singsing at niyakap ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Thank u Sam, mahal na mahal kita"sabi niya pa.
"Mas mahal kita"nakangiting sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Salamat talaga, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya"sabi niya pa. Pinangigilan ko naman ang mukha niya.
"Kiss!!"sigawan pa ng mga tao.
"Paano ba iyan kiss daw?"nakangiting sabi niya pa, ngumiti naman ako sa kanya at hinila siya palapit sa akin.
"Oo nga eh, kiss daw"nakangiting sabi ko sa kanya, nakangiti lang siya habang unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin.
"I love you Sam"sabi niya
"I love you too"sabi ko din.
At unti-unting naglapat ang mga labi namin. Walang paglagyan ang saya ko. Alam ko na marami pa kaming haharapin. Pero handa ako dahil kasama ko siya.....
Palakpakan ng mga tao at sigawan iyon lang ang naririnig namin. 
"Wooooh sa wakas! Kasalan na!!!"rinig kong may sumigaw. At alam ko kung sino iyon....
Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila......
Excited na akong maging Mrs. Dela Merced......
Thank u Lord!!!!!

-END-

-Hey guys!!!😊
Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong pagsama sa akin at pagsuporta sa story ko.
Salamat sa pagsama kina Sam at Bakla sa journey nila.
Salamat😘salamat😘salamat😘 talaga❤❤❤
At pasensiya na po kung hindi bongga ang ending hehehe😊✌✌
Love you guys😘😘😘
Hope sa next story ko makasama ko ulit kayo😘😘😘😘😘😘
-ms. J❤❤❤😘

🎉 Tapos mo nang basahin ang Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED) 🎉
Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon