CHAPTER 55

196 15 0
                                    

SAM'S P.O.V
Inis na inis akong naglakad at hinanap si Jeric, 'kainis siya.. Buwesit!!!'
"Oh anong nangyari sayo?"agad na tanong sa akin ni Jeric ng makita ako.
"Wala!"maikling sagot ko
"Anong wala, eh tingnan mo nga mukha mo hindi maipinta"natatawang sabi pa ni Jeric
"Eh paano kasi si bakla!"inis na sabi ko " Lakas makaasar, sabihan ba naman akong nagseselos daw ako sa kanila ng babaeng yun, buwesit!"gigil na sabi ko. Lalo naman siyang natawa
"Oh problema dun? Totoo naman talagang nagseselos ka ah"sabi pa niya, pinalo ko naman siya
"Isa ka pa din eh! Tara na nga!"yaya ko pa sa kanya.
"Hahaha joke lang" natatawang sabi pa niya. 
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi na namin hinanap ang dalawa kasi alam naman namin na umuwi na sila. 
"Ngiti ka naman diyan bes, mukha kang nalugi diyan"biglang sabi ni Jeric habang siya'y nagdadrive.
"Bes?" Tanong ko
"Oo, magkaibigan na naman tayo di ba?"sagot niya.
"Oo naman, sige bes na rin tawag ko sayo"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Eh sa kanya ano tawag mo?"pang-aasar pa niya, sinamaan ko naman siya ng tingin
"Sira! Magdrive ka na lang diyan!"sabi ko sabay palo sa kanya.
"Ito naman! Masama bang magtanong?"natatawang sabi pa niya.
"Wala akong tawag sa baklang yun" pagsisinungaling ko.
"Talaga?"sabi niya na parang hindi naniniwala...
"Oo nga!"sagot ko, tumawa lang naman siya.
"Pero swerte siya, kasi siya ang minahal mo"seryosong sabi pa ni Jeric,napatingin naman ako sa kanya.
"Ha?"nagtatakang tanong ko, 
"Sabi ko ang swerte ni bakla kasi siya ang minahal mo"ulit pa niya.
"Swerte siya tapos ako malas ganun?"natatawang sabi ko
"Hindi naman!"sagot niya.
"Alam mo ba Sam, crush kita noon pa man na Una kitang nakita. Kaya tuwang-tuwa ako ng makita kita ulit, kaso, huli na pala ako, may nauna na"pag-amin pa niya. Akala ko nagbibiro lang siya,pero seryoso ang mukha niya.
"Hindi ako nagbibiro, seryoso ako,"dagdag pa niya.
"Seryoso?"di makapaniwalang sabi ko.
"Oo, noong Una, balak sana kitang ligawan"sabi pako
Nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig
"Kaso ng makita ko kayo ni brad, nagbago ang isip ko"patuloy niya " Nasabi ko na lang ano pang Laban ko,hehehe, kaya nga sa halip na makipagkumpetensiya , tulungan na lang kita na mapaamin siya"dagdag pa niya.
"Sorry ha, atsaka salamat" nakangiting sabi ko
"Wala ka naman dapat ihingi ng sorry, atsaka okay lang" sabi niya pa sabay ngiti
"Sigurado ako, sa bait mong yan makikita mo din si the one"sabay ngiti ko sa kanya
"Sana nga!"sabi niya at seryoso na ulit siyang nagdrive
Maya-maya pa at nakarating narin kami sa bahay.
"Salamat Jeric ha, sa pagsama, pagdamay at paghahatid sa akin" nakangiting sabi ko sa kanya
"Wala yun, bes mo naman ako eh!"sabi naman niya
"Sige Una na ako, bye Sam!" Paalam pa ni Jeric. Hinintay ko naman makalayo muna siya bago ako pumasok.
Tahimik ang bahay ng ako'y pumasok, siguro wala pa si bakla.
"Buti naisipan mo pang umuwi"
"Ay kabayo!"gulat na sabi ko
"Wow! Sa dami ng pwedeng sabihin, kabayo pa talaga?"parang may inis na sabi niya
"Eh ano naman? Paki mo? Atsaka bakit ka ba nangugulat?"pagtatanong ko sa kanya
"Panggugulat na pala yun"pamimilosopo pa niya
"Ewan ko sayo, akyat na ako"paalam ko sa kanya
"Wait!"pigil niya sa akin
"Oh bakit?"tanong ko
"Bakit magkasama na naman kayo ng lalaking yun?"pagtatanong naman niya
"Eh ano naman?"pabalang na sagot ko
"Hindi ba sinabi ko sayong layuan mo siya"inis na sabi pa niya
"At bakit ko naman gagawin yun? Dahil nagseselos ka"sabi ko naman
"Oo nagseselos ako kaya layuan mo siya!"pag-amin niya
"Patawa ka din ano? Gusto mo layuan ko yung tao dahil lang sa nagseselos ka! Ang unfair mo naman yata"sabi ko pa
"Anong unfair dun? Bakit ba ayaw mo siyang layuan? May gusto ka ba sa kanya?"tanong niya
"Pag-ayaw layuan may gusto kaagad? Hindi ba pwede kaibigan ko lang yung tao?"sagot ko naman
"Kaibigan! Marami pa naman pwedeng kaibiganin diyan, huwag lang iyong lalaking yun!"utos pa niya
"Galing mo din ano?"sabi ko
"Bakit pinagbawalan ba kita namakipagkaibigan ha? Di ba ikaw din naman, nakikipaglandian sa iba. Pero may sinabi ba ako di ba wala"dugtong ko pa, 
"Anong nakipaglandian sa iba?"gulat na tanong niya.
"May amnesia lang ang peg! Bebeboy?"paalala ko pa sa kanya
"Hahaha, huwag mong sabihin na nagseselos ka nga Kay angel?"natatawang sabi niya pa
"Eh ano naman kung nagseselos ako? Bakit lalayuan mo din ba siya?"tanong ko
"Hindi"sagot niya 'ouch'
"Yun naman pala eh! Eh di huwag mo akong pagbawalan na makipagkita Kay Jeric" sabi ko na kinainis niya lalo
"Ibang usapan naman si Jeric, kita ko may gusto siya sayo"sabi naman niya
"Eh ano naman!atsaka alam ko yun ano? Umamin siya kanina"pang-aasar ko pa 
"Anong sabi mo? Umamin siya kanina?"gulat na sabi niya
"Oo"balewalang sagot ko
"Buwesit!!!" Sigaw niya
"At alam mo pa ba? Manliligaw pa nga daw siya"pang-aasar ko lalo, lalong bumusangot ang mukha niya
"At pumayag ka naman?"galit na tanong niya
"Oo,gwapo naman siya atsaka mabait pa"sabi ko, kita ko naman na namumula siya sa galit
"Hindi pwede!!"sigaw niya, nagulat naman ako
"At bakit?"tanong ko naman 'hahaha konti na lang aamin na ito' 
"Dahil hindi kayo bagay!"sagot niya
"At sino naman ang bagay sa akin aber?"tanong ko habang pinipigil na hindi mapatawa
""AKO"sigaw niya, nanlaki naman ang Mata ko 'ano raw?, siya daw? Siya daw di ba guys? Tama ang rinig ko?'

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon