CHAPTER 43

224 15 1
                                    

CHAPTER 43
SAM'S P.O.V
Maaga ako gumising, kahit wala naman trabaho ngayon. Bakit? Wala lang! Trip ko lang. Nakapagluto narin ako, hinihintay ko na lang si bakla magising. Teka okay na kaya siya? Sana naman okay na siya.
Nag-akyat muna ako at pumunta sa kawarto ko para maligo, feeling ko ang baho ko na,hahaha char lang!. 
Palabas na sana ako ng makita ko si bakla palabas ng kwarto niya. Nakita ko siya pasilip-silip, teka sino ang tinataguan niya? 
"Hala! Nagkasakit lang nabaliw na!"natatawang sabi ko. Dahan-dahan akong sumunod sa kanya. Para siyang sira hahaha.
"Hay! Salamat! Tulog pa si Sam!"rinig kong sabi pa niya. Aha! Ako pala tinataguan niya, pero bakit? Dahil ba kagabi? Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at...
"Boom!!!!"panggugulat ko sa kanya.
"Ay kabayo ako!"gulat na sabi niya sabay tingin sa akin ng masama. Ako naman ay tawa lang ng tawa.
"Hahaha kabayo daw siya, hahaha...."
"Sige! Tawa pa! Anong nakakatawa dun! Ha! At bakit ka ba nanggugulat ha!"inis na sabi niya. 
"Hahaha... Nakakatawa ka naman talaga eh.. Sabihan mo ba naman ang sarili mo ng kabayo, hahaha..."sabi ko habang natatawa parin. Lalo naman sumama ang tingin sa akin.
"Pag hindi ka tumigil diyan! Tatamaan ka sa akin!"pagbabanta pa niya.
"Hehehe relax! Ito naman! Joke lang"natatawang sabi ko pa.
"Whatever" sabay irap sa akin "bakit ka ba nanggugulat ha?" Tanong pa niya.
"Eh kasi nga po, para kang sira diyan! Silip ka ng silip, daig mo pang may pinagtataguan"paliwanag ko sa kanya. "Bakit ka ba nagtatago ha?"tanong ko pa
"Excuse me! Hindi ako nagtatago no' atsaka bakit naman ako magtatago? Aber?"tanggi naman niya.
"Aba'y Malay ko! Ikaw itong parang sira diyan eh. Tapos sabi mo 'hay salamat! Tulog pa si Sam'" panggagaya ko naman sa kanya, na ikinalaki naman ng kanyang mata.
"Hoy! Wala akong sinasabing ganun ano'! Huwag kang sinungaling" tanggi niya pa.
"Hahaha ako pa ang sinungaling ngayon! Ayaw mo pa kasi aminin!"pang-aasar ko pa sa kanya.
"Wala akong aaminin no!"ganting sabi niya.
"Asus ayaw mo pa kasing aminin! Bakit ka ba umiiwas at nagtatago? Dahil ba kagabi?"tanong ko pa sa kanya. Kita ko naman namula siya, hahaha BOOM!!
"Hoy! Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Anong kagabi? Huwag kang assuming diyan!"sabi naman niya.
"Hahaha.. Sige tanggi pa more!"pang-aasar ko pa sa kanya. " huwag mong sabihin na nakalimutan mo na, yung sinabi mo kagabi?"pagtatanong ko pa.
"Anong sinabi ko kagabi? Wala akong natatandaan!"pagdedeny pa niya.
"Talaga ba? Gusto mo paalala ko sayo?"tanong ko sa kanya.
"Huwag na! Hindi na kailangan!"pagtataray niya pa
"Hindi! Gusto ko ipaalala sayo ang sinabi mo kagabi" nakangiting sabi ko
"At ano naman sinabi ko aber?"tanong naman niya.
"Sinabi mo lang naman kagabi na NAGSESELOS KA KAY JERIC" sinadya ko talagang diinan yung last part hahaha. Nanlaki naman bigla ang Mata niya at umiwas siya ng tingin,,hahahaha 'ano ka ngayon? Tanggi pa more'
"Wala akong sinasabi na nagseselos ako Kay Jeric" giit naman niya. 'Ano raw? Wala daw siyang sinasabi?'
"Hoy huwag kang magsinungaling diyan! Malinaw ang sinabi mo kagabi" sabi ko pa, 'sinungaling talaga'
"Oo nga sinabi ko na nagseselos ako!"pag-amin niya
"See! Umamin karin!"
"Hoy!hindi pa ako tapos! Huwag kang sumabat diyan!"saway niya sa akin.
"Oo sinabi ko na nagseselos ako! Pero huwag kang assumero, hindi ko naman sinabi na Kay Jeric ako nagseselos ah!"sabi pa niya
"So ano ang ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Si Jeric po ang crush ko hindi ikaw!" Sabi niya, na ikinalaki ng Mata ko
"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko
"Yan kasi! Masyadong assuming! Huwag ganun!"sabi niya pa, KABUWESIT!!!! 
'Nandun na oh! Kinikilig na ako! Paasa talaga siya!!!
"Oh! Ano nganga lang!"natatawang sabi niya.
"Kabuwesit ka!!!!" Sabay hampas ko sa kanya. "Dakilang paasa ka talaga!! Sigaw ko pa sa kanya. Sabay alis, buwesit!!! Ansakit umasa ha. 
"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw niya
"Malayo sayo!!!ganting sigaw ko sa kanya...'Buwesit na bakla yun!!!!!'

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon