CHAPTER 82

179 11 0
                                    

SAM'S P.O.V
Nakangiti lang ako habang nakayakap sa kanya. Namiss ko siya ng sobra, kaya laki ng pasasalamat ko kina Jeric, Angel at Gigi. Kung hindi dahil sa kanila hindi ako maliliwanagan....

(FLASHBACK)
*ito iyong time na magka-usap sila ni jeric bago umalis*

Dahil sa naging usapan namin ni Jeric buo na iyong desisyon ko na huwag ng umalis. Pero kahit ganun, hindi ko parin kayang kausapin si bakla.
"Sam, may sasabihin nga pala ako sayo"sabi pa ni Jeric.
"Ano yun?"pagtatanong ko
"Ano kasi"sabi niya sabay kamot sa ulo niya
"Nasabi ko kina Angel na nandito ka"pag-amin pa niya, nanlaki naman ang Mata ko
"Ano??"gulat na sabi ko
"Pasensiya na, hinanap kasi nila ikaw sa akin eh"paghingi niya ng paumanhin.
"Okay lang ano pa ba magagawa ko, so alam narin niya na narito ako?"pagtatanong ko pa. Pero bakit hindi niya ako pinuntahan.
"Hindi, wala siyang alam kung nasaan ka"sagot naman niya. Naguluhan naman ako
"Ha? Akala ko ba alam na nina Angel kung nasaan ako? Eh di sigurado akong sinabi na nila yun Kay bakla"sabi ko naman, natawa naman siya
"Hahaha, iyon din ang akala ko, pero hindi eh. Hindi nila sinabi kay brad Ewan ko ba."natatawang sabi niya pa,lalo naman akong nagtaka.
"Alam kong nagtataka ka,kaya hayaan ko na sila ang magpaliwanag sayo"sabi niya pa. At tumayo siya para lumabas. Maya-maya pa ay pumasok na ulit siya. Nagulat na lang ako ng kasunod niyang pumasok ay sina Angel at Gigi.
"Teka! Anong ginagawa niyo dito?"gulat na tanong ko. Nag hi lang sila at ngumiti
"Jeric ano ito?"pagtatanong ko pa
"Sorry Sam, pero hindi ko din alam kung anong Plano ng dalawang iyan. Sige labas muna ako, mag-usap lang muna kayo diyan"paalam pa niya.
"Hi Sam, grabe ka girl! Kaloka ka! Nagalsabalutan ka talaga?"biglang sabi ni Angel.
"Pasensiya na, nadala lang ako ng emosyon ko eh"sabi ko naman.
"Asus! Kung alam mo lang ang nangyari ng umalis ka"sabi pa niya.
"Bakit anong nangyari?"tanong ko
"Wala naman, umiyak lang ng todo si kuya. Kaya dahil dun naospital siya"sagot naman ni Gigi. Naikinagulat ko.ko
"Kamusta na siya? Okay lang ba siya?"may pag-aalalang tanong ko.
"Sorry Sam pero wala na siya"malungkot na sagot ni Angel. 
"Ano?"naiiyak na sabi ko, no hindi yun totoo!
"Sabihin niyo nagbibiro lang kayo? Hindi totoong wala na siya. Hindi pwede! Hindi!"umiiyak na sabi ko. Pero seryoso lang silang na nakatingin sa akin.
"Hoy! Bawiin niyo sinabi niyo!"pilit ko sa kanila.
"Sam"pagtawag nila sa akin. 'Hindi siya pwedeng mawala. Kasalanan ko ito eh, kung hindi ko siya iniwan'
"Hindi siya pwedeng mawala, hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko dapat siya iniwan eh! Dapat pinakinggan ko siya. Ako ang may kasalanan nito!"sisi ko pa sa sarili ko.
"Hahahaha"rinig kong pagtawa nila. Napatingin naman ako sa kanila.
"Hahaha, narecord mo yun Gigi?"natatawang sabi ni Angel. 
"Oo,hahaha, sure ako kapag napanood ito ni kuya. Siguradong matutuwa yun!"natatawang sabi din ni Gigi. Natigil naman ako sa pag-iyak. Ibig sabihin niloloko lang nila ako.
"Ibig sabihin niloloko niyo lang ako?"tanong ko sa kanila. Tumawa naman sila at tumango. Bwesit na dalawa ito, pero buti na lang hindi totoo yun.
"Hahaha joke lang iyon girl, masyado ka namang seryoso. Okay lang siya, huwag kang mag-alala diyan"sabi naman ni Angel.
"Kainis kayo!! Alam niyo yun!?"inis na sabi ko
"Hahaha, sorry na"sabi pa niya
"Pero seryoso Sam, kaya kami nandito para kausapin ka. Para linawin sayo ang lahat, at para pigilan kang huwag ng umalis"dagdag pa niya. Napatingin naman ako sa kanila
"Anong ibig niyong sabihin?"pagtatanong ko pa
"Sam, gusto ko linawin sayo iyong narinig mo. Mali kasi pagkakaintindi mo, hindi ka dapat magalit Kay Bebeboy"sabi pa niya. Nakikinig lang naman ako.
"Hindi ka pinasasakay ni kuya, Sam. Totoo lahat ng pinakita niya sayo, totoong mahal ka niya. Kung alam mo lang kung gaano siya nasaktan ng umalis ka nang hindi mo man lang siya pinakinggan"dagdag pa ni Gigi
"Masyado na akong nadala sa emosyon ko that time kaya hindi na ako nakapag-isip ng ayos"mahinang sagot ko
"Kaya nga Sam, kailangan niyong mag-usap, para magkalinawan kayong dalawa. Hindi mo kailangang umalis"sabi naman ni Angel.
"Oo nga Sam, sigurado akong ikakamatay ni kuya kapag umalis ka"dagdag pa ni Gigi.
"Sa totoo niyan,hindi na ako tutuloy sa pag-alis"sabi ko naman, nagulat naman sila
"So you mean?"natutuwang sabi nila, tumango naman ako. "Yes"sabay pa nilang sabi
"Mabuti yan Sam! Hindi na kami mahihirapan pa na pilitin kang huwag umalis. Tungo na tayo sa Plano"tuwang-tuwa pang sabi ni Angel.
"Anong Plano?"naguguluhang tanong ko,ngumiti naman sila
"Hindi mo na kailangang malaman yun. Basta sumakay ka na lang"sabi namqn ni Gigi, lalo naman akong nagtaka.
"At anong gagawin ko?"tanong ko 
"Ang kailangan mong gawin ay ang ihatid mo si Jeric sa airport"nakangiting sabi pa ni Angel.
"Tapos?"tanong ko pa
"Basta, kami na ang bahala. Si Angel sasama sayo. Ako naman pupuntahan ko na si kuya"sabi naman ni Gigi. 'Teka ano bang kalokohan ng dalawang ito?'
"Ay Sam! Pwede ba sa akin muna ang cp mo"sabi naman ni Angel
"Bakit?"pagtatanong ko
"Basta, bigay mo na lang"sagot niya kaya binigay ko na lang 'bahala na'
"Excited na ako!!"tuwang-tuwa pang sabi ni Gigi bago umalis. Ano bang nangyayari?

(END OF FLASHBACK)
Kaya iyon po ang nangyari, habang nagdadrama si bakla kanina. Pinapanood naman namin siya. Kasama sa plano nila ang kunwaring traffic daw?, pagharang sa kanya, at kung ano-ano pa. Ewan ko ba sa utak ng dalawang ito, malala na talaga sila. Take note may video pa, kawawa naman ang Bekibhabe ko. Kung si Jeric naman ang itatanong niyo, hindi po siya umalis. Hindi pa pala ngayon flight niya. Naisahan din ako, planado na talaga lahat...

Done si 82😘😘

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon