CHAPTER 67

179 12 0
                                    

BAKLA P.O.V
Nakatingin lang ako kay Sam, habang papalayo sila ng kapatid ko. Alam ko na nasaktan siya sa sagot ko kanina. Pero kaasar lang!!! Kahit gustong-gusto kong sabihin na kami na, pero hindi naman talaga. Bakit ba sa lahat ng pwede kong makalimutan, ay iyon pa. Ang linawin kung ano ba talaga kami.
"Ano tulala ka lang diyan? Ikaw din kasi eh"rinig kong sabi ni Lucy.
"Oo nga, yun na eh! Pinalampas mo pa"sabi din ni Flora. Tumingin naman ako sa kanila
"Alam ko naman! Huwag niyo ng ipagduldulan!"inis na sabi ko
"Ano ba talagang status niyo?"seryosong tanong ni Macy. 
"Hindi ko alam"maikling sagot ko. Napailing naman sila.
"Ano yun? Kayo pero hindi kayo? Ganun?"tanong pa niya
"Parang ganun na nga"sagot ko.
"Ang hirap ng sitwasyon niyo ha, ang labo"sabi naman ni flora.
"Masyado kasi akong nadala ng mga pangyayari kaya yun, nakalimutan ko linawin kung ano kami. Atsaka" sasabihin ko ba o hindi. Sure kasi ako tatalakan nila ako eh.
"Atsaka ano?"tanong ni Macy.
"Na..ano...na....."
"Na?"tanong pa nila
"Na hindi ko pa nasasabi sa kanya na mahal ko siya"mahinang sagot ko, nakatingin lang ako sa tatlo. Hinihintay kung ano ang reaksiyon nila.
"Ano!!!!!!?"sigaw nila, sabi ko na nga ba eh!
"So ibig sabihin? Sa madaling salita hindi ka pa umaamin sa kanya?"sigaw na tanong pa ni Macy, tumango naman ako.
"Sira ka pala eh! So anong nangyare sa date niyo? Landian lang ganun? May pakiss-kiss pa kayo. Pero walang aminan!"gigil na sabi naman ni flora. 'Grabe naman sila, landian talaga'
"Kakagigil kang bakla ka! Bakla ka nga!! 
Anong iniintay po si Sam pa unang magsabi na mahal ka niya ganun?"sabi naman ni Lucy. 'Eto na nga sinasabi ko eh'
"Grabe kayo sa akin ah! Nakalimutan ko nga di ba? Atsaka alam ko naman na alam ni Sam na mahal ko siya eh"sagot ko naman sa kanila.
"Wow ha! So ganun na lang yun? Ikaw pala talaga itong may kasalanan eh! Eh ano naman kung alam at ramdam ni Sam na mahal mo siya. Kung wala naman kayong malinaw na usapan."talak pa ni Lucy .
"Oo nga atsaka nakita mo ba reaksiyon kanina ni Sam? Nang sinabi mong hindi kayo, nasaktan yung tao. Kaya mas pinili na lang sumama sa kapatid mo kaysa sayo"dagdag pa ni Macy.
"Oo na, alam ko naman! Kaya nga problemado yung tao di ba?"sabi ko sa kanila
"Alam mo bakla, kahit may pagkaunawaan na kayo, kailangan parin na nililinaw mo sa kanya. Atsaka hindi porket okay na kayo ngayon, ay okay na hindi niyo pag-usapan kung ano ba talaga kayo. Mahirap ang relasyong walang label, yung tipo na gusto mo sayo lang siya, pero kapag tinanong ka ano ka ba niya? Wala kang maisagot kasi hindi naman kayo di ba?"payo pa ni Flora. Natahimik lang naman ako, tama sila. 
"Kaya kung ako sayo, amin-amin din."dagdag pa ni Lucy. 
"Hindi niyo na ako kailangang utusan, dahil gagawin ko talaga yun. At kailangan ko ng tulong niyo para maisakatuparan ang Plano ko"sabi ko sa kanila.
"Maasahan mo kami, alam mo naman no.1 supporters niyo kami"natatawang sabi naman ni Flora.
Its time! Wag nang magpatumpik-tumpik pa!

SAM'S P.O.V
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Hindi naman tama na magalit ako Kay bakla, kasi nagsabi lang siya ng totoo. Pero hindi ko naman maiwasan na hindi mainis!!!!! 
"Okay ka lang"biglang tanong ni Gigi sa akin, napatingin naman ako sa kanya.
"Ha? Oo naman"sagot ko tapos pilit na ngumiti sa kanya.
"Parang hindi naman,"sabi naman niya, napatingin naman ako sa kanya.
"Mukhang hindi ka okay, iniisip mo ba iyong kanina?"tanong niya ulit. Napatungo naman ako
"Hindi mo naman kailangang mahiya sabihin sa akin eh. Okay lang magkwento"sabi pa niya sabay ngiti.
"Hindi ko lang maiwasan isipin eh, okay kami, oo. Pero wala naman talagang kami. Ang gulo di ba?"sabi ko sa kanya
"Yan ang hindi ko maintindihan sa inyo ni kuya. Ang akala ko nga ay kayo na, after Kong makita ang mga pictures niyo. Tuwang-tuwa pa ako, sabi ko sa wakas! Tapos yun pala.."komento naman niya
"Wala naman kasi siya sinasabi eh, ni wala ngang tinatanong"sabi ko pa

Tapos tumingin naman ako sa kanya
"Dapat ba ako na lang ang magtanong? Kakahiya naman yun!"sabi ko pa
"Hindi ko alam ang gagawin ko sa inyong dalawa. Basta tiwala lang, mahal ka nun"sabi naman niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Mahal ko din yun"pag-amin ko pa, natawa naman siya.
"Alam ko, pero matanong ko lang. Bakit si kuya? You know, alam mo naman na bakla siya. Pero bakit siya yung minahal mo?"pagtatanong niya pa.
"Ewan ko, basta naramdaman ko na lang. Hindi ko rin kasi alam kung bakit siya yung minahal ko. Dami naman gwapo at totoong lalaki pero hindi eh. Kahit gaano pa man karami iyong nakapila. Siya at siya parin iyong hahanapin at hahanapin ng aking mata."nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti din siya sa akin
"Swerte ni kuya sayo, kasi tanggap mo siya bilang siya." Nakangiting sabi niya pa.
"Ako din naman sa kanya eh. Kasi minahal niya ako, kahit isang babae ako. Atsaka wala akong pakialam Kong bakla man siya. Ang mahalaga sa akin mahal namin ang isa't-isa."dagdag ko pa.
"Kaso nga lang, pagmamahalang walang label"asar naman niya, napasimangot naman ako.
"Hahaha joke lang, masaya ako para sa inyong dalawa. Pakasal na kayo"natatawang sabi niya pa. Napanganga naman ako
"Grabe siya! Kasal agad! Hindi ba pwedeng maging kami muna. O kahit umamin muna siya."sabi ko,siya naman natatawa lang.
"Sayang ang panahon matanda na si kuya,hahaha kailangan niya ng magkapamilya"tawa lang siya ng tawa habang sinasabi yun. 'Grabe din itong babaeng ito, iba din mag-isip!'
"Iba din, kaloka ka"natatawang sabi ko sa kanya. 
Pero pwede naman, Sana nga, Sana....

Done na ang chapter 67 hehehe 

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon