CHAPTER 14

265 18 0
                                    

CHAPTER 14 

SAM's P.O.V

Tahimik lang kami kumakain, tinitingnan ko si Madam mukha niya seryoso pero halatang galit. Hindi rin niya ako pinapansin, ano ba kasi pumasok sa isip ko at ginawa ko yun.haysss...

"Ehem...ah...eh..Madam" pagtawag pansin ko sa kanya. Pero hindi parin siya tumitingin.

"Madam?" Ulit ko, tumigil naman siya sa pagkain.

"Ms. Ocampo, una-una sa lahat hindi tayo close kaya huwag kang feeling close" ouch!!
"Atsaka hindi mo ba nakikita kumakain ako. Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang" may halong inis na sabi niya at padabog na tumayo.

Ouch!! Ang sakit nun ha, pero kasalanan ko naman talaga kung bakit nagalit siya.

Nawalan narin ako ng gana, tumayo na ako at inayos ang pinagkainan namin. Kailangan ko ng magmadali at baka malate pa ako lalo pa siyang magalit. After kung maglinis agad akong umakyat para mag-ayos para pumasok sa trabaho. Sakto naman paglabas ko ng kuwarto ko, siya rin naman paglabas ni Madam. Tumingin lang ako sa kanya, ganun din siya sa akin.

"Ms. Ocampo," pagtawag niya sa akin.

"Po?" Sagot ko

"Bago ka umalis be sure na maayos ang lahat dito. Be sure na nailock mo ang bahay." Bilin niya

" okay po" mahinang sagot ko.

"And lastly be sure na hindi ka MALATE" sabi pa niya at umalis na.

Hayss....kung sinabay niya na lang niya ako eh d sana hindi ako malelate. Kaso Sam hindi kayo close kaya hindi kanya isasabay!. Agad Kong ginawa ang bilin niya at dali-daling umalis. 

"Asar talaga oh!! Paano ako hindi malelate nito?" Inis na sabi ko, paano ba naman kasi walang dumadaan na sasakyan. So ang lagay nito kailangan ko pang lakarin. Takbo lakad ang ginawa ko para hindi ako malate at makarating agad ako sa sakayan.

"Buwesit traffic pa!!" Asar na sabi ko kung minamalas ka nga naman oh tumingin ako sa relo ko, oh no!! 7 na !! Patay ako nito talaga.

Agad akong nagtatakbo pagkarating ko, hindi ko na pinansin si manong guard. Pasensiya na manong guard, kailangan ko umabot kung hindi....lagot ako. Go Sam takbo!!!!

-
Hi😊

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon