CHAPTER 48

229 17 0
                                    

CHAPTER 48
SAM'S P.O.V
"Sam" sabi ulit niya,
"bakit?"tanong ko naman, habang pilit na tumatayo. Pero sobrang higpit ng pagkakayakap niya.
"Sam,alam mo ba?"sabi pa niya sabay mulat ng kanyang mata,at tumitigtig sa akin. Kita ko yung lungkot sa mata niya, at halatang kakagaling niya lang sa pag-iyak.
"Ano yun?" tanong ko 
"Sam alam mo ba na..naiinis ako sayo!!"sabi pa niya,habang namimiling ang luha. Agad ko naman itong pinunasan.
"alam ko....pasensiya ka na ha! Ginalit na naman kita" hinging paumanhin ko.
"Alam mo,nakakainis ka kasi lagi mo na lang akong hindi sinusunod. Palagi mo na lang akong sinasaktan" naiiyak na sabi niya, natahimik naman ako. 'Palagi ko ba talaga siyang sinasaktan?'
"Di ba sabi ko layuan mo si Jeric, pero ano talagang magkasama pa kayo sa Mall." patuloy na sabi niya.
"hindi ko naman-"
"Hayaan mo muna akong magsalita" putol niya sa sasabihin ko 
"Sam,nung sinabi ko na nagseselos ako totoo yun!, kaya naiinis ako kapag magkasama kayo ni Jeric. Alam mo ba, nagpunta kami sa mall para bumili ng pang peace offering ko sayo, para magbati na tayo. Kasi ayaw ko na hindi tayo okay" naiiyak na sabi niya,
"sorry"
"No! Huwag! Please hayaan mo muna ako" pigil niya uli sa akin
"Alam mo bang excited na excited ako na ibigay sayo yung binili ko,kaso nawala lahat ng iyon ng nakita ko kayo" patuloy na sabi niya habang patuloy din ang mga luha niya.
"Alam mo ba gusto ko kayong sugurin, kaso hindi ko ginawa kasi wala naman akong karapatang magalit d ba?" 
"bakla" mahinang banggit ko sa pangalan niya.
"Oo nga naman kasi, ano bang laban ko, lalaking-lalaki siya tapos ako ano? Bakla lang! Sino nga ba pipili sa akin" sabi pa niya na labis kong kinagulat. 'anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba si Jeric ang type niya?'
"anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko 
"Hanggang ngayon hindi mo parin naiintindihan! Sam ganyan ka ba talaga kamanhid!"may halong inis na sabi niya
"Ha? Ako manhid? Ano bang gusto monh sabihin?" naguguluhang tanong ko pa
"Buwesit naman Sam oh!! Bakit ba ang manhid mo?!!!"inis na sigaw niya sabay gulo sa buhok niya. Napaupo naman ako ng ayos habang nalilitong nakatingin sa kanya
"Pwede ba diretsuhin mo na lang! Ang dami mo pang sinasabi! Alam mo bang gulong-gulo na ako sayo?!!" ganting sigaw ko,hindi ko narin mapigil ang hindi mapaiyak. 'Ang lakas ng loob niyang sabihin na manhid ako! Bakit siya ba hindi?!'
"Bakit Sam? Ikaw lang ba ang gulong-gulo? Kahit ako Sam! Gulong-gulo na din! Mula ng dumating ka sa buhay ko nagulo ng lahat!" inis na sabi niya pa
"Bakit ako ang sinisisi mo?"galit na tanong ko.
"Bakit hindi! Ikaw naman talaga eh,alam mo bang hindi lang buhay ko ang ginulo mo? Pati ito" turo sa isip niya "at ito" sabay turo niya sa may puso niya. Napatulala naman ako
"Bakla ako Sam!! Kaya dapat hindi ko ito nararamdaman sayo!, pero hindi eh! Hindi ko mapigil....."sabi niya sabay tingin sa akin
"bakla....."
"Sam,ano ba itong ginawa mo sa akin? Bakit kahit anong pigil ko,na kahit anong saway ko sa sarili ko, hindi ko magawang pigilan na hindi mahulog sayo" pag-amin niya pa. Hindi ako makapagsalita, ibig sabihin...
"Mahal kita Sam....."sabi niya pa sabay....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
Oh my g!!!!!!
Nanlaki ang mata ko, ng bigla niya akong halikan sa labi....
Wait!! Totoo ba ito...?
Hinalikan niya talaga ako???..... 
Nakatitig lang ako sa kanya... Saglit lang iyon pero pakiramdam ko tumigil ang mundo ko dahil dun. 
"Mahal-" 
hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang sumuka.....
"ano ba iyan!!" reklamo ko, tiningnan ko naman siya, nakahiga na ulit at nakapikit. 
Buwesit naman oh!!!! Kikiligin ba ako o maiinis!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon