CHAPTER 74

155 11 0
                                    

GORGEOUS P.O.V
Hi everyone, alam kong kilala niyo na ako. Kaya saka na ang chickahan hehehe. Eto nga kasi, nagmamadali akong pumunta sa bahay ni kuya ng tawagan ako ni Angel. Nag-away daw sina kuya at Sam, nag-aalala daw sila kay kuya. Kaya heto ako, napatakbo ng wala sa oras. Sabi nila susunod na lang daw sila. Pagkarating ko sa bahay, dali-dali akong pumasok. At hinanap si kuya.
"Kuya!!"tawag ko sa kanya, kaso wala namang sumasagot.
"Kuya!!! Sam!! Nandito ba kayo?"tawag ko ulit sa kanila. Nasaan na ba ang dalawa iyon? Agad akong nagpunta sa taas, baka nandoon sila. 
"Kuya!!!"sigaw ko ng makita ko si kuya nakahandusay at walang malay. Agad akong lumapit sa kanya.
"Kuya! Anong nangyari sayo?"may pag-aalalang sabi ko pa.
"Tulong!!"sigaw ko, umaasang may makarinig sa akin. Dali-dali kong kinuha ang cp ko at dinial ang number ni Angel. Agad naman niya itong sinagot.
"Hello, Angel nasaan na kayo? Kailangan ko ng tulong niyo. Naratnan ko si kuya sa bahay walang malay. Please dalian niyo na!"sabi ko sa kanya.
"Ano??? Wait malapit na kami diyan. Nandito na kami! Sandali lang!"may pag-aalalang sabi pa niya. At pinatay na niya ang tawag.
"Kuya naman! Please gumising kana diyan oh!"niiyak na sabi ko habang niyuyogyog siya.
"Ano bang nangyayari?"sabi ko pa...
Maya-maya pa ay dumating na si Angel, kasunod ang tatlong beks.
"Gigi!! Anong nangyari?"nag-aalalang tanong niya habang papalapit sa pwesto namin.
"Hindi ko alam, naratnan ko na lang siya na ganyan, walang Malay"naiiyak na sabi ko.
Agad naman binuhat ng tatlong beks si kuya..
"Huwag kang mag-alala diyan, Gigi. Magiging okay ang lahat."pang-aalo pa sa akin ni Lucy 
"Pero natatakot ako, si kuya na lang ang meron ako. Ano bang nangyari talaga? Bakit ganito? Atsaka nasaan si Sam?"sunod-sunod na tanong ko pa.
"Huwag kang matakot, magiging okay din si Bebeboy."sabi naman ni Angel at niyakap ako. "At gaya nga ng sinabi ko sayo kanina, nag-away sila. At hindi ko alam kung nasaan ngayon si Sam."
Kaagad namin isinakay si kuya sa sasakyan. Ako ang naka-alalay sa kanya, habang nasa harapan naman si Angel at ang nagdadrive ay si Macy. Iyong dalawa ay nakasunod na naman. 
"Huwag ka nang mag-alala Gigi. Magiging okay din ang kuya mo."sabi sa akin ni Macy. 
"Oo nga couz, magiging okay din si Bebeboy"nakangiting sabi sa akin ni Angel. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanila. Kahit hindi ko gustong mag-alala, hindi ko maiwasan. 
"Kuya please, gumising ka na diyan! Huwag mo naman akong takutin oh! Promise ko sayo, hindi na ako magiging madaldal, hindi na ako mangungulit sayo. Please gumising ka na diyan"pakiusap ko Kay kuya.
"Malayo pa ba tayo Macy? Please naman oh! Pwede ba pakibilisan naman!"paki-usap ko naman kay Macy.
"Wait lang! Heto na malapit na tayo! Huwag ka ng mag-alala diyan! Nandito na tayo"sabi naman niya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makarating kami sa hospital.
Iyak lang ako ng iyak habang nakasunod kay kuya habang pinapasok sa hospital. Hindi ko maiwasang hindi matakot. Niyakap naman ako ni Angel.
"Gel, natatakot ako, paano kung bumalik pala ang sakit niya sa puso."naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Sshhh.. Huwag kang mag-isip ng ganyan. Magiging okay din ang kuya mo. Atsaka matagal na siyang magaling."pang-aalo pa niya sa akin. Pero ramdam ko din ang pag-aalala sa boses niya.
Sana nga, sana nga maging okay na si Kuya. Ayaw ko na nakikita siyang ganyan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Sam. Ayaw Kong sisihin si Sam, alam Kong may dahilan ang lahat. Pero hindi ko maiwasang matakot. Paano Kong hindi ako dumating kanina? Paano na kaya si Kuya? Gulong-gulo na isip ko, 
Tanging dasal ko na lang ay huwag ng bumalik ang sakit ni kuya. At maging okay na siya. 
"Magdasal na lang tayo, sa ikakabuti ni beks. Huwag na kayong mag-alala diyan. Magiging okay siya"sabi naman ni Macy. Ngumiti na lang naman ako sa kanya.
'Kuya please gumising ka na, huwag kang mag-alala. Hahanapin ko si Sam'

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon