CHAPTER 32

250 15 0
                                    

CHAPTER 32
SAM'S P.O.V
Pansin ko kanina pa tahimik si bakla, ni' hindi nga niya ako kinausap ng kumakain kami. Hanggang ngayon na pabalik na kami sa office tahimik parin siya.
"Psst.. Uy! May problema ka ba?"tanong ko sa kanya, pero umiling lang siya at patuloy parin sa pagdadrive.
"Eh tayo, may problema ba tayo?"pagtatanong ko ulit. Huminto naman siya sandali, tumingin sa akin.
"Bakit may tayo ba?"seryosong tanong niya, hindi naman ako nakasagot. Ano ba problema nito at sobrang seryoso? Nagdrive na lang siya ulit. Ako naman tumahimik na lang, bad mood si bakla eh, baka ako mapagbuntungan...

BAKLA P.O.V
Hindi ko alam kung bakit badtrip na badtrip ako ngayon. Dire-diretso akong pumasok sa opisina ko, rinig Kong tinatawag ako ni Sam, pero hindi ko siya pinansin. Hindi naman ako galit sa kanya, pero ewan ko ba!! Basta naasar ako!!!!!. Makapagtrabaho na lang......
"Ano ba iyan!!! Buwesit!!!"inis na sabi ko, sabay lukot ng papel at tinapon ito.
"Aray!"napatingin naman ako sa may pinto.
"Ano ginagawa mo dito?"masungit na sabi ko. Lumapit naman siya sa akin.
"Dinalhan kita ng meryenda mo, para naman mabawasan iyang init ng ulo mo" sabi naman niya. 
"Salamat, lagay mo na lang diyan! pamaya ko na lang kakainin may ginagawa pa kasi ako" utos ko naman sa kanya. Kita kong napabuntong hininga na langsiya.
"May problema ka ba sa akin?" Biglang tanong niya.
"Wala, bakit mo naman natanong yan!"sagot ko habang patuloy parin sa ginagawa ko. Bigla naman niya itong hinila.
"Ano ba!!?"inis na sabi ko "hindi mo ba nakikita busy ako!!"sigaw ko sa kanya. Kita ko naman na nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Sorry, hindi ko gustong sigawan ka Sam"hinging paumanhin ko, hindi parin siya umiimik. "Pasensiya ka na, mainit lang talaga ang ulo ko, pero hindi ako galit sayo" paliwanag ko pa.
"Eh bakit mo sa akin binubunton init ng ulo mo" hikbi niya" wala naman akong ginawang mali sayo ah" patuloy pa niya. Niyakap ko naman siya
"Sorry na, tahan na,huwag ka ng umiyak oh"
Patuloy lang siya sa paghikbi niya. 'Ano ba kasi problema mo bakla, at inis na inis ka pinaiyak mo patuloy si Sam' saway ko sa sarili ko.
" sorry na talaga, hindi na ako galit, look oh! Nakasmile na ako, tahan na ikaw please" pang-aamo ko pa sa kanya. Kita ko naman nagsmile na siya.
"Hindi ka na galit sa akin?" Parang bata na tanong niya. Umiling naman ako
"Hindi naman talaga ako galit sayo eh, kaya sorry na, huwag na ikaw umiyak" parang bata na sabi ko, natawa naman siya, sabay hampas sa akin.
"Kaasar ka pinaiyak mo ako, sinigawan mo pa ako" parang nagtatampong sabi niya.
"Kaya nga sorry na eh, tara magmeryenda na lang muna tayo" yaya ko sa kanya.
"Eh... Tapos na ako..kanina pa" sabi niya sabay peace sign.
"Ngek.... So ako lang mag-isa" lungkot-lungkutang sabi ko.
"Huwag ka ng malungkot diyan samahan na lang kita, okay ba iyon" sabi naman niya.
"Sige na nga!" Sabay ngiti sa kanya "pero teka! May naisip ako" nakita ko naman napakunot ang noo niya
"At ano naman iyong naiisip mo,aber??"tanong niya
"Subuan mo na lang ako please!" Parang bata na sabi ko.
"Ano?.. Para kang sira diyan!, laking-laki muna magpapasubo ka pa" sabi naman niya.
"Ay! Ayaw ko ng kumain, ayaw mo naman akong subuan eh" kunwaring nagtatampo ako. Bumuntong hininga siya sabay smile sa akin.
"Okay! Sige na nga! Subuan na kita" pagsuko niya.
"Ayaw na, napipilitan ka lang eh!"parang nagtatampo na sabi ko pa.
"Hindi kaya! Heto na po!! Baby say ahh....." Sabay subo sa akin. 
"Oh, masarap ba?..heto pa oh....."nakangiting sabi niya... Natatawa naman ako, cute lang namin tingnan,hehehe

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon