CHAPTER 72

149 11 0
                                    

BAKLA P.O.V
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Paulit-ulit kong tinatawag si Sam, nagbabakasakaling titigil siya o lumingon man lang. Hindi ko maintindihan, kung ano ang problema. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Nakakapanghina, napaupo na lang ako at walang magawa kung hindi umiyak. Habulin ko man siya hindi niya rin ako papakinggan.
"Sam"patuloy kong tawag sa kanya kahit alam kong hindi na niya ako naririnig.
"Bebeboy okay ka lang ba? Anong nangyari? Nasaan si sam?"may halong pag-aalalang tanong ni Angel. Pero hindi ko siya pinansin, umiyak lang ako ng umiyak.
"Hoy beks! Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari?"pagtatanong din ni Macy. 
"Si Sam..."naiiyak na sabi ko.
"Anyare Kay Sam? Nasaan siya?"pagtatanong din ni Lucy
"Galit sa..akin..si..Sam, Galit..siya..sa..akin.."naiiyak parin na sabi ko sa kanila.
"Ha? Pero bakit?"tanong naman ni flora.
"Hindi ko..din..alam..narinig...yata..niya..iyong usapan...natin...kanina. Akala..niya...pinasasakay...ko..lang..siya..hindi..niya..narinig..ang..iba. Ang narinig...niya..lang..iyong..pahuli."pagkukuwento ko pa habang umiiyak parin. Niyakap naman ako ni Angel. Kaya lalo akong naiyak.
"Anong..gagawin..ko..ayaw..niya..akong..pakinggan..ayaw..niya..akong..hayaan.na..makapagpaliwanag..."iyak lang ako ng iyak. 
"Hayaan mo muna siya, huwag ka ng umiyak diyan. Sigurado ako magkakaayos din kayo. Bigyan mo lang siya ng time"pang-aalo sa akin ni Angel.
"Paano kung iwan niya ako?"naiiyak na tanong ko pa. Hindi ko kakayanin yun..
"Sshhh.. Mahal ka nun' hindi ka niya iiwan okay. Kaya ayusin mo ang sarili mo at huwag ka ng umiyak diyan"sabi pa niya sa akin. Pinunasan ko naman ang mga luha ko..
Hindi ko kayang mawala si Sam, agad akong tumayo.
"Oh! Saan ang punta mo?"takang tanong sa akin ni flora.
"Hahabulin ko si Sam, magpapaliwanag ako sa kanya. Wala akong pakialam kung ayaw niya akong pakinggan. Basta magpapaliwanag ako sa kanya. Kahit sampalin niya pa ulit ako okay lang. Magkaayos lang kami"naluluhang sabi ko pa. Kita ko ang awa sa mga Mata
"Kung yan ang gusto mo, okay! Pero sasamahan ka namin. Hindi ka namin hahayaan na magdrive sa ganyang kalagayan mo. Baka mapahamak ka pa."nag-aalalang sabi ni Angel, umiling naman ako.
"Hindi, okay lang ako. Kaya ko ito, hindi ko naman ipapahamak ang sarili ko. Lalo na't hindi pa kami okay ni Sam"pagtanggi ko.
"Pero Bebeboy"sabi pa ni angel.
"Okay lang ako! Balitaan ko na lang kayo"sabi ko sa kanila at nagtatakbo na paalis. Kailangan kong maabutan si Sam, kailangan namin mag-usap...

SAM'S P.O V
Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo. Pansin kong nakatingin sa akin ang mga tao, pero wala akong pakialam kung ano man ang iniisip nila. 
"Mam, okay lang po kayo?"nag-aalalang tanong pa ni Manong guard. Ngumiti naman ako sa kanya 
"Okay lang po ako"sagot ko at nagdire-diretso na papapuntang sasakyan. Buti na lang pinadala niya sa akin ito. 
Habang nagdadrive ako, patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.
"Ano ba Sam! Huwag kang umiyak"saway ko sa sarili ko, habang pinupunasan ang mga luha ko. 
"Matapang ka Sam! Hindi ka iyakin! Kaya mo yan! Hindi mo siya dapat iyakan, Niloko ka niya! Manloloko siya!"sabi ko pa sa sarili ko
"Ano bang mga luha ito! Tumigil na nga kayo!"pero patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko. Buong biyahe umiyak lang ako ng umiyak. Buti na lang nakarating ako sa bahay ng maayos. 
Agad akong pumasok sa bahay, at nagdire-diretso sa kawarto ko. Doon hindi ko na napigilang mapahagulhol.
"Ang sakit-sakit!!"umiiyak na sabi ko.
"Akala ko totoo lahat, akala..ko..mahal..niya..rin..ako..!"iyak lang ako ng iyak.
Hindi ko siya kayang kausapin ngayon. Hindi ko na kayang makasama siya. Kailangan kong makaalis dito. Bahala kung saan ako mapunta....
Agad akong nag-impake, ayaw kong maabutan pa niya ako dito. Alam kong nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Pero hindi ko yata kayang tuparin yun ngayon.
Dali-dali akong bumaba dala-dala ang mga gamit ko. Nilibot ko muna ang aking mata sa buong bahay.

Masakit at napakahirap sa akin iwanan siya at umalis sa bahay na ito. Pero ito ang dapat kong gawin. Palabas na ako ng mapatingin ako sa picture naming dalawa. Agad ko itong nilapitan. Ito yung picture namin nung nagdate kami, ang saya-saya namin dito. Mukha kaming in love na in love sa isa't-isa. Napangiti na lang ako habang minamasdan at binabalikan ang mga ala-ala namin.
"Siguro nga hanggang dito na lang tayong dalawa. Mamimiss kita, salamat sa lahat ng mga masasayang ala-alang kasama ka. Mahal na mahal kita"umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa litrato naming dalawa..
"Paalam na"sabi ko at tuluyang umalis na....

Done na ang 72 hehehe

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon