CHAPTER 63

194 13 0
                                    

SAM'S P.O.V
Kanina ko pa napapansin na parang ang tagal na yata naming bumabiyahe, saan ba talaga kami pupunta? 
"Hoy! Nasaan na ba tayo? Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot eh? May pupuntahan ba tayo? Wala ka naman sigurong balak na magroadtrip tayo ano?"sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Hey! Relax ok! Malapit na tayo, kung nauuhaw ka o nagugutom may pagkain diyan sa likod"sagot naman niya. Hay salamat! Agad kung kinuha yung pagkain na sinabi niya.
"May pagkain pala dito hindi mo sinabi kaagad! Atsaka hindi mo pa sinasagot tanong ko ah, saan ba tayo pupunta?"pagtataray ko sa kanya.
"Sorry, Hindi ka naman nagsasabi, gutom ka na pala. Atsaka relax ka lang diyan malapit na tayo"sagot naman niya.
"Saan ba talaga yun? Bakit parang kalayo naman?"pagtatanong ko ulit habang kumakain,
"Basta nga, surprise yun eh!"sagot niya sabay tingin sa akin, este sa kinakain ko.
"Gusto mo?"alok ko sa kanya.
"Sana kaso, nagdadrive ako eh" sagot naman niya na parang nagpapaawa. Gets ko naman kung ano gusto niya..
"Gusto mo subuan kita?"pagtatanong ko pa,napangiti naman siya
"Kung pwede sana"nakangiti parin sabi niya.
"Bakit hindi, ikaw pa ba"sabi ko sabay kindat sa kanya, natawa naman siya. 
"Here oh..."sabay subo ko sa kanya. Sinubuan ko lang siya,habang nagdadrive siya. Nakatapos na kami kumain pero hindi parin kami nakakarating.
"Nasaan na ba tayo? Saan ba talaga tayo pupunta ha?"tanong ko ulit sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit ito ang ginamit namin na sasakyan niya, dahil para hindi ko makita yung labas,para hindi ko alam saan kami pupunta.
"Sabi ko naman sayo relax ka lang diyan okay! Malapit na tayo"sagot naman niya.
"Kanina ka pang malapit ng malapit diyan, pero until now hindi parin tayo nakakarating"reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya,
"Eto na talaga, seryoso na, malapit na talaga!"natatawang sabi niya pa
"Siguraduhin mo lang, nakakangalay din kaya umupo dito"reklamo ko pa.
"Wow naman! Buti ikaw nakaupo lang,eh ako"sabi niya.
"So kasalanan ko ba yun?"tanong ko naman sa kanya
"Hindi, dahil worth it naman itong ngalay at pagod ko sa pagdadrive ko,kapag nakita ko na ang ngiti mo, pagnakarating na tayo dun"nakangiting sagot niya.
"Parang sigurado kang magugustuhan ko dun ah! Pero sa bagay, kahit saan naman basta kasama ka masaya na ako"hirit ko naman sa kanya.
"Ikaw talaga crazybhabe ko, pinakikilig mo ako"parang baklang sabi niya, ay bakla nga pala siya,hehehe
"Hahaha akala mo ba ikaw lang marunong magpakilig, pwes ako din"sabi ko sabay kindat sa kanya, tumawa lang naman siya. Maya-maya pa ay tumigil na ang sinasakyan namin, 
"Nandito na ba tayo?"tanong ko sa kanya, 
"Yap"masayang sagot niya. Lalabas na sana ako ng sasakyan, kaso...
"Wait!"pigil niya, "hintayin mo muna ako, saglit lang ito"sabi niya pa. Ano pa nga ba magagawa ko, naghintay lang ako sa kotse. Maya-maya pa ay dumating din naman siya at pinagbuksan ako. Pagkalabas ko, napakunot noo naman ako.
"Wait! Dito? Sigurado ka talaga? Dito tayo magdedate? Niloloko mo ba ako?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo, dito tayo magdededate, pero hindi pa talaga dito,maglalakad pa tayo ng konti"sagot naman niya.'nasisiraan ba siya ng bait? Dito talaga?'
"Sigurado ka ba talaga? Sa dami ng lugar, dito talaga?"hindi parin talaga ako makapaniwala
"Oo nga, Tara"pag-aaya pa niya
"Teka! Hindi mo ba nakikita kakahuyan yan? Tapos papasukin natin? Hindi mo ba naiisip? Baka may kung ano diyan, tapos kainin tayo"takot na takot kung sabi, natawa naman siya
"Ano ka ba, dadalhin ba kita dito kung mapapahamak ka? Relax lang okay! Kasama mo ako"pagpapakalma niya sa akin.
"Sigurado ka ba talaga dito?"paninigurado ko pa, 
"Sure na sure! Magtiwala ka lang, ano Tara?"pag-aaya pa niya. No choice naman ako, kaya sumama na lang ako sa kanya. 'Ano bang klaseng date ito?'
Tumigil naman kami saglit.
"Crazybhabe, pwede ba pumikit ka muna"request naman niya
"Ha? Bakit? Kailangan pa ba yun?"pagtataka ko
"Please"ulit pa niya
"Okay heto na"sabi ko sabay pikit. 
"Bekibhabe!! Game na ba? Mulat na ba ako?"pagtatanong ko sa kanya,pero walang sumasagot.
"Hoy! Bekibhabe! Wag mo naman akong takutin oh!"sabi ko pa, but still hindi parin siya sumasagot..
"Bekibhabe naman oh! Hindi ito magandang joke, imumulat ko na talaga Mata ko"dagdag ko pa. At unti-unting minulat ang aking mata. At hinanap kaagad so bekibhabe, pero hindi ko siya makita.
"Bekibhabe!!! Naman eh!!! Wala namang takutan!!"sigaw ko, takot na takot na talaga ako. Saan na ba pumunta yung baklang iyon? Lagot talaga siya sa akin kapag inwan niya ako dito.
"BEKIBHABE!!!!!!!!"tawag ko ulit sa kanya hindi ko na mapigil mapaluha. 
Naiiyak lang ako ng may naramdaman akong may pumapatak, teka umuulan ba? Agad akong tumingala sa langit. Now ko lang napansin ang kinatatayuan ko. Nandito ako sa gitna, tapos sa dalawang side ko ay mga puno. May nakita akong helicopter na nagpapaulan ng rose petal. Habang lumalakad ako nakasunod lang siya..
"Anong nangyayari? Anong paandar ito?"pagtataka ko pa, may napansin naman akong mga arrow kaya sinundan ko ito. Hanggang sa makarating ako sa isang lugar na hindi ko inaasahan.
"Wow!!"manghang-manghang sabi ko..habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Nagustuhan mo ba?"rinig kong may nagtanong mula sa likod ko, kahit hindi ko na lingunin kilala ko siya.
"Bekibhabe"tawag ko sa pangalan niya.
"Nagustuhan mo?"tanong niya ulit. 
"Oo sobra"masayang sagot ko. 
May ganito pa lang lugar sa gitna ng kagubatan. Punong-puno ng bulak-lak ang paligid, tapos may napakagandang tanawin. Mula dito kita mo ang paglubog ng araw. May tent din na nakatayo. Tapos may nakaprepare na mga pagkain. Nakadag-dag pa sa Ganda ng paligid ang mga nilagay na mga balloons na nakpalibot sa amin. Teka totoo bang lugar ito? 
"Oo totoo ito"sagot niya, 
"Ha?" Tanong ko
"Yun kasi ang nabasa ko sa isip mo eh,"nakangitingsagot niya.
Thank u"sabi ko sabay yakap ko sa kanya. Mala fairytale,magkayakap kami habang umuulan ng rose petals...
Amazing...

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon