CHAPTER 40

252 15 0
                                    

CHAPTER 40 
BAKLA P.O.V
Nasasaktan ako, iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit pala na panoorin palayo ang taong mahalaga sayo. Ang sakit-sakit, alam ko na alam ni Sam na masama ang pakiramdam ko pero mas pinili parin niyang sumama sa lalaking iyon. Ang sama na ng pakiramdam ko, ang bigat pa ng dibdib ko.
"Ano ba ito!!"sigaw ko, hindi ko na mapigilang mapaluha.
"Ano ka bang bakla ka! Huwag ka ngang umiyak!"saway ko sa sarili ko. Umub-ob na lang ako. Wala akong ganang kumain. Itutulog ko na lang ito...
"Kawawa ka naman bakla! Mag-isa ka na lang" pagdadrama ko pa...
"Hindi ka mag-isa! Andito ako" nagulat naman ako, kaya inangat ko ang ulo ko para makita kung sino, gusto ko lang makasigurado...
"Sam!!!?"gulat na sabi ko, pero paano akala ko ba kasama niya si Jeric?
"Akala ko ba-" 
"Bumalik ako, kasi hindi ko kayang iwan ka eh" putol niya sasabihin ko. 
"Sinungaling!"sabi ko sa kanya. 
"Hindi ako nagsisinungaling ha, sa atin dalawa ikaw ang sinungaling" sabi naman niya. Aba sumusobra na ito ah....pasalamat siya......
"Hoy! Hindi ako sinungaling ha!"sabi ko sa kanya...
"Hindi daw, eh bakit sabi mo okay ka lang,eh halata namang hindi" sabi naman niya.
"Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa! Tapos umalis ka pa, at iniwan mo ako" pagpaparinig ko pa.
"Kaya nga ako bumalik di ba? Kasi alam Kong hindi ka okay!"sagot naman niya.
"Bakit umalis ka pa,kung alam mo naman pala!"tanong ko pa.
"Kasi akala ko pipigilan mo ako" sagot naman niya.
"Gusto kitang pigilan kaso wala naman akong karapatan" dagdag ko pa.
"Kailangan ba magkaroon ka pa ng karapatan bago mo ako pigilan" tanong naman niya. "Teka ka nga! Bakit ba puro hugot tayo?"dagdag na tanong pa niya.
"Hindi ako humuhugot, nagsasabi lang ako ng nararamdaman ko" sagot ko naman.
"Ewan ko sayo! Basta bumalik ako. Dahil nag-aalala ako sayo!"sabi niya naman.
"Nag-aalala daw,baka nakokonsensiya!" Pambabara ko sa kanya.
"Isipin muna ang gusto mong isipin, wala na akong pakialam."pagsuko niya.
"Pero sana maniwala ka, totoong nag-aalala ako sayo, mahalaga ka sa akin eh" dagdag pa niya,sabay lapit sa akin.
"Kamusta na pakiramdam mo?"tanong niya pa.
"Okay na"maikling sagot ko. Hinipo naman niya ang noo ko.
"Oh my ang init mo! Ganyan ba ang okay!"gulat na sabi niya pa.
"Lagnat lang iyan" sabi ko pa.
"Lagnat lang! Nasisiraan ka na ba ha? Ang taas ng lagnat mo tapos pumasok ka pa! Hindi ka pa kumakain! Papakamatay ka ba!"sermon naman niya.
"Kung sesermunan mo lang ako, pwede ka ng umalis" pagsusungit ko naman.
"May gana ka pang magsungit diyan! Tumayo ka diyan at uuwi na tayo!"utos pa niya.
"Ayaw ko"tanggi ko pa.
"Huwag ng matigas ang ulo! Tumayo ka diyan! Pinapainit mo ang ulo ko eh"sermon pa niya. Ano siya nanay lang ang peg.
"Eto na po nay! Tatayo na!"pamimilosopo ko pa
"Huwag mo akong pilosopohin na bakla ka!" inis na sabi niya pa, 
"Heto na oh tatayo na! Galit kaagad eh" pagsuko ko.
"Paano hindi magagalit, ay ang tigas ng ulo mo" sabi niya habang inaayos ang mga gamit ko.
"Tulungan na kita" alok ko pa.
"Huwag na!kaya ko na ito," tanggi niya sabay kuha sa kamay ko. "Tara na! Kaya mo bang maglakad! Sabihin mo sa akin kapag nalulula ka," nag-aalalang sabi niya pa. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Huwag kang mag-alala diyan, kaya ko pa naman" nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon