CHAPTER 15

272 17 0
                                    


SAM's P.O.V
"Good morning po Madam, nandito na po ako" hinihingal na bati ko sa kanya.
"Kita ko nga"pamimilosopo niya " Bakit ngayon ka lang?" tanong pa niya. Wow parang hindi niya alam ah. Sasagot na sana ako ng....
"Grabe ka naman bakla, kita mo o hinihingal pa si ate girl oh, tingnan mo pati istura niya ang gulo, halatang nagmadali. Maawa ka naman" naawang sabi ng isang bakla. Doon ko lang napansin na may mga tao pala sa loob. 
"Hi ate girl ako nga pala si Macy" pakilala ng isa.
"Hi ako naman si Lucy" pakilala naman ng isa
"At last but not the least ako nga pala si flora ang pinakamaganda sa lahat" sabi naman ng isa. Napatawa naman ako bigla.
"Hayan! Flora natawa si ate girl sayo, huwag ka kasi magpatawa" pang-aasar naman ni Macy sa kanya. Umirap lang naman siya. 
"Hehehe sorry, ang kucute niyo" tuwang-tuwang sabi ko " ano kami girl aso?" Tanong naman ni lucy .
"Ay hindi! Hehehe. Ako nga pala po si Sam" pakilala ko sa kanila.
"Hi Sam" sabay-sabay na sabi nila.
"Ano ito chikahan lang?, Ms. Ocampo bakit ka late?" Tanong muli ni bakla. Kung makapagtanong siya akala mo hindi niya Alam
"Kasi po Madam! Iyon po kasing kasama ko sa bahay,SOBRANG SAMA PO NG UGALI,KUNG ANO PA PO PINAGAWA SA AKIN BAGO AKO PAALISIN, TAPOS PO PWEDE NAMAN AKO ISABAY PARA HINDI AKO MALATE KASO ANG SAMA TALAGA NG UGALI EH. AY ANG SAMA NAMAN NG ITSURA AKALA MO ANG GANDA NIYA!!" naiinis na sabi ko, bahala siya gigil niya si ako eh.
"Ay ang bad naman pala ng kasama mo sa bahay ay chaka naman pala!" Sabat naman ni flora. Nakita ko naman si Madam halos umusok na ang ilong. Hahaha
"Oh bakla parang gigil na gigil ka diyan, anyare?" Tanong naman ni Macy. 
"Wala!" Inis na sabi niya " masama lang talaga ang araw ko dahil sa isang babaeng nakita ko kaninang umaga" dagdag pa niya
"Oh anyare ?" Tanong naman ni Lucy
"Eh paano ba naman halos maghubad nasa harapan ko, balak pa yata akong akitin, kita namang bakla ako." Sabi pa niya. Ako naman ang sobrang nangigil, ang kapal ng muha niya ah!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon