CHAPTER 53

187 16 0
                                    

SAM'S P.O.V
After namin kumain nagyaya pa si Angel mamasyal, tatanggi sana ako dahil hindi naman ako baliw para panoorin silang sweet na sweet, sakit kaya...
"Sam tahimik mo diyan!,ngumiti ka naman"biglang sabi ni Jeric sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Wala lang ako sa mood"sabi ko sa kanya.
"Selos lang yan"natatawang sabi naman niya. 'Kaibigan ko ba talaga ito.
"Guys bili tayong ice cream!"pagyaya naman ni angel "Bebeboy bili mo naman ako oh" pagpapacute pa niya. " hindi naman cute'
Inis na inis na talaga ako..
"Ikaw sam?"biglang tanong naman sa akin ni Jeric
"Ha?"tanong ko din
"Sabi ko kung gusto mo din ng ice cream, bili kita. Anong gusto mong flavor chocolate-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Jeric ng
"Chocolate?"sabat naman ni bakla, napatingin naman kami sa kanya.
"Di mo ba alam brad, may allergy siya sa chocolate?"dagdag pa niya. 'Pero ano raw ako allergic sa chocolate kailan pa?'
"Ha? Ako?"gulat na tanong ko.
"Oo di ba!"sabi niya habang nakatingin sa akin na parang nagsasabing umoo ka na lang.
"Hehehe oo nga pala! Muntikan ko na makalimutan hehehe"napipilitang sabi ko
"Pasensiya na Sam hindi ko alam"hinging paumanhin naman ni Jeric. 'Huwag kang mag-alala kahit nga ako hindi ko din alam eh' gusto ko sanang sabihin..
" hehehe okay lang"sagot ko na lang
"Kung hindi chocolate, anong gusto mong flavor?"tanong uli ni Jeric.
"Kah-"
"Alam mo brad!"sabat na naman ni bakla, sinamaan ko naman siya ng tingin. 'Ano na naman ang problema nito?'
"Ano yun?" Tanong ni Jeric sa kanya
"Alam mo ba na hindi siya mahilig sa ice cream?"sabi naman ni bakla. " ano raw?'
"Ano?"gulat na sabi ko
"Di ba Sam! Hindi mo hilig ang ice cream?"may diin na sabi niya.
"Pero masarap naman ang ice cream ah" nagtatakang sabi ni Angel.
"Hindi kasi hilig ni Sam ang ice cream kasi malamig..."paliwanag pa ni bakla. 'Pero ano raw ayaw ko ng ice cream dahil malamig? Bakit may ice cream ba na hindi malamig?'
"Ayaw ko ng ice cream kasi malamig?"pag-uulit na sabi ko. 'Wow!'
"Oo di ba sabi mo dati ayaw mo ng ice cream dahil malamig ito?"nakangiting tanong niya sa akin pero halatang nang-aasar lang. "Kaya brad huwag mo na siyang ibili, hay naku! Dami mo pang hindi alam, papahamak mo pa si Sam"pailing-iling na sabi pa niya Kay Jeric. Natahimik naman si Jeric.
"Hoy,hayaan mo na lang, okay lang" nakangiting sabi ko sa kanya. 'Buwesit na bakla ito! Ano bang trip niya?' 
"Kaya brad bago ka manligaw dapat kilalanin mo muna"sabi pa ni bakla, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Huwag mo na lang siyang pansinin" bulong ko kay Jeric.
"Pero Sam pasensiya kana ha! Hindi ko kasi alam"malungkot na sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay nga lang, hindi ko nga din alam eh.."mahinang sabi ko pa..
"Ha?"naguguluhang tanong pa niya.
"Ah, I mean hindi mo naman alam eh"palusot ko.
"Ah, pero pasensiya na talaga"hinging paumanhin niya pa. Nakita ko naman na nakangiting nakakaloko si Bakla sa amin.
'Makakaganti din ako sa kanya'

BAKLA P.O.V
Natatawa talaga ako sa itsura ni Jeric ,hahaha paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ko. Kita ko naman na asar na asar si Sam.. 
"Baliw ka din eh ano?"mahinang sabi sa akin ni Angel habang nakatingin sa dalawa
"Ha? Ano pinagsasabi mo diyan?"pakunwaring tanong ko sa kanya.
"Asus! Maang-maangan ka pa diyan! Hindi talaga allergic si Sam sa chocolate ano? Atsaka hindi totoo na ayaw niya ng ice cream?" Tanong pa niya.
"Totoo kaya!"sagot ko naman
"Ako pa niloko mo, kita ko kung paano nagreact si Sam, siya mismo nagulat!"dagdag pa niya.
"Eh, ano naman!"sabi ko pa
"Loko-loko ka talaga! Selos ka lang diyan eh"pang-aasar naman niya.
Inirapan ko lang siya.
"Ay siya! Dahil hindi naman daw pala gusto ni Sam ng ice cream"may halong pagpaparinig na sabi ni Angel sabay tingin sa akin "iba na lang bilhin natin,"dagdag pa niya
"Ha? Hindi okay lang na bumili kayo ng ice cream! Ok lang ako"nahihiyang sabi naman ni Sam.
"Hindi, ok lang ayaw ko narin ng ice cream kasi malamig"pang-aasar pa ni Angel sabay tawa
Sinamaan ko naman ng tingin siya.
"So ano na lang kaya ang bibilihin natin?"pagtatanong pa niya. Nakita ko naman na inikot ni Sam ang paningin niya, tapos tumingin sa akin at ngumiti ng nakakaloko...parang kinakabahan ako dito ah..
"Alam ko na!"nakangiting sabi ni Sam
"Ano yun?"tanong ni Angel
"Dahil lang naman na may pagkabitter ang iba diyan"pagpaparinig pa niya, napalunok naman ako, parang alam ko na ah..
"Mag-ampalaya shake na lang tayo, masarap yun"tuwang-tuwang sabi pa niya sabay tingin sa akin ng nakakaloko
"Ampalaya shake?"kinakabahang ulit ko..'patay!'

SAM'S P.O.V
Hahaha..kita ko kung paano namutla si bakla, ano ka ngayon?. Sa hindi po nakakaalam ayaw po niya ng ampalaya kasi mapait daw, hate na hate niya talaga ang ampalaya kaya kapag galit ako sa kanya, ampalaya ang niluluto Kong ulam para hindi siya makakain.
"Ampalaya shake?"kinakabahang sabi niya, ngumiti naman ako sa kanya.
"Oo"nakangiting sagot ko, "di ba paborito mo yun!"may diin na sabi ko.
"Ha? Eh"hindi niya alam ang sasabihin niya hahaha
"Mahilig ka din pala sa ampalaya shake brad Parehas tayo"nakangiting sabi naman ni Jeric, sumimangot naman si Bakla.
"Ha? Di ba ayaw na ayaw mo ng ampalaya dati Bebeboy?"gulat na tanong naman ni angel 'basag trip din ito eh'
"Dati lang yun! Ngayon paborito na niya"sabat ko naman. 'Nakakainis na talaga ito' 
"Talaga Bebeboy?"tuwang-tuwa na tanong pa niya, 'paulit-ulit lang?'
"Di ba Bakla?"sabi ko habang nakangiting nakakaloko. 
"Ha....oo"kinakabahang sabi niya pa,hahaha
"Great! Proud na proud ako sayo Bebeboy! Sa wakas kumakain ka narin ng ampalaya"tuwang-tuwang sabi pa ulit ni angel sabay yakap Kay bakla.
"Kailangan talaga yumakap pa?"bulong ko.
"Ano yun Sam?"tanong naman sa akin ni Angel.
"Ha? Wala sabi ko Tara na bumili na tayo"palusot ko.
"Ah! Sige Tara na! Excited na ako!"nakangiti pa niyang sabi 'excited mo mukha mo!'.
"Mukhang hindi na kailangan ng ampalaya shake ah, bitter na bitter ka eh"natatawang bulong sa akin ni Jeric. Sinamaan ko naman siya ng tingin. At naglakad na ako...
"Patay ka sa akin!"biglang bulong sa akin ni bakla, napatingin naman ako sa kanya, sama niya makatingin guys,kakatakot....

Done😘
Thank u guys
At pasensiya na now lang nakapag-update

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon