CHAPTER 33

237 16 0
                                    

CHAPTER 33 
BAKLA P.O.V
Lalalalalala...Maganda ang gising ko ngayon araw na ito. Kaya inspired ako magtrabaho... 
"I love you..." Napatingin naman ako sa cp ko, yeah ringtone yun ng cp ko,hahaha. 
"Sino naman kaya ito?" Unregistered number eh, sasagutin ko ba o hindi?hmmm...huwag na lang. Pero maya-maya nagring na naman, sino ba Ito?
"Hello" sagot ko.
"Hello brad!, buti na lang sinagot mo" sana hindi ko na lang sinagot kamo' 
"Jeric?"paninigurado ko.
"Oo brad! Ako ito, Good morning pala" sagot niya, 'good sana ang morning kung hindi ka tumawag' 
"Hehehe good morning din, oh bakit napatawag ka?" Tanong ko ulit.
"Kasi brad gusto ko sana ipaalam sayo na pupunta ako diyan"sabi niya pa
"Brad pasensiya na, busy kasi ako" sabi ko naman. 
"Okay lang brad, si Sam naman talaga ang sadya ko" Wow! Kapal ng mukha ah!
"Busy din siya!, Busy lahat ng tao dito, sige bye!" Agad na sabi ko sabay end ng tawag. Kapal ng mukha noon ah!!! Bastos na kung bastos, gigil niya si ako eh!!!. Bibisitahin pala ha! Tingnan natin hahahaha....

SAM'S P.O.V
Abala ako sa pagtatype ng....
"Sam!!" Rinig kong tawag sa akin ni bakla, ano kaya problema nun' tumayo na ako at pinuntahan siya.
"Oh! Problema mo?" Bungad na tanong ko sa kanya.
"Dalhin mo lahat ng gamit mo dito sa office ko" utos niya, pero teka ano raw?
"Ha? At bakit naman?" Takang tanong ko, ano naman ang trip nito.
"Basta! Dalhin mo na lang dito ang mga gamit mo, huwag na maraming tanong, dito ka magtrabaho kasama ko" sagot niya naman.
"Ano na naman ba ang trip mo" dabog na tanong ko.
"Basta nga! Kaya bilis dalhin mo na lang dito mga gamit mo, marami pa akong ipapagawa sayo."paliwanag niya naman. 
"Okay po Boss" pagsuko ko, ano naman kaya problema ng taong iyon! Agad kong inayos at dinala sa loob ng opisina niya ang mga gamit ko. 
"Oh hayan! Okay ka na ba?"gigil na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Okay na okay!" Tuwang-tuwa na sabi niya " mas maganda na kasama kita dito para palagi kitang nakikita"sabi pa niya
"Che!!! Parang hindi naman tayo palaging magkasama ah" natawa naman siya, minsan talaga may saltik din ito eh.
"Hindi naman akong nagsasawa na makita ka eh" sabi niya sabay kindat.
"Kikiligin na ba ako?"natatawang tanong ko sa kanya.
"Kinikilig ka na nga eh" pang-aasar niya naman.
"Che!! Bahala ka diyan!" Pagsuko ko," ano nga pala ipapagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah! Oo nga pala! Heto ayusin mo iyan" sabay lapag ng isang tambak na papel " alphabetical" ano raw? 
"Teka nga, bakit ang dami naman nito? Atsaka naayos ko na ito kahapon ah?'reklamo ko sa kanya, tunay naman eh inayos ko na ito kahapon, ano iyon nagulo ulit.
"Huwag ka ng magreklamo, gawin mo na lang yan! Atsaka hindi ko alam kung bakit nagulo iyan" patay malisyang sabi niya. Pero may kutob ako siya gumulo nito,...
"Oh saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya, tumayo kasi siya at naglakad papunta sa may pinto.
"Wala, sasaraduhan ko lang ang pinto" sagot niya, sabay lock ng pinto.
"Oh bakit mo nilock?"takang tanong ko.
"Para walang istorbo" balewalang sabi niya, ano ba talaga nangyayare sa kanya? Tapos kita ko may kinuha siya sa cabinet niya.
"Oh! Aanhin mo naman iyang headset na iyan?" Naguguluhan na talaga ako sa mga kinikilos nito.
"Para dito" sabay lagay niya sa tenga ko, 
"Teka nga!"sabay tanggal ng headset "bakit mo naman ako nialagyan ng headset aber? Tapos sobrang lakas pa ng tunog! Bibingihin mo ba ako?" Inis na tanong ko.
"Hehehe sorry, pero kailangan mo iyan, hihinaan ko na lang" sabi niya tapos nilagay ulit ang headset. Bahala siya, lakas ng tama niya. Tinuloy ko na lang ulit ginagawa ko..

BAKLA P.O.V.
Ayos!!!! Hahahaha kita Kong busy si Sam,sa kanyang ginagawa. Ako naman pinapanood lang siya, ano ka ngayon Jeric, hahaha. Akala mo ha, huwag ako!!!!,
"Para kang sira,tawa ka ng tawa diyan" rinig Kong sabi ni Sam. Umayos naman ako, nakatingin pala siya. Nagkunwari na lang ako na may ginagawa, maya-maya pa ay may narinig akong kumakatok.
Agad kong tiningnan si Sam, hindi niya naririnig hahaha. Nagkunwari naman akong walang naririnig, maya-maya pa ay nakita kong umilaw ang cp ko, si Jeric tumatawag. Bahala siya,hahaha kumatok siya ng kumatok hanggang sa mapagod siya. 
"Tok..tok..tok..." Ay grabe palakas ng palakas iyong katok na naririnig ko. May balak ba siyang sirain ang pinto? 
"Katok pa more, mananakit din kamay mo" bulong ko. Narinig ko naman na tumigil na ang kumakatok.
"Hahaha, yahoo!!! Sumuko din siya!!" Tuwang-tuwa na sabi ko, 
"Anyayare sayo?"tanong niya sabay alis ng headset." Bakit tuwang-tuwa ka diyan?" Takang tanong pa niya.
"Ha? Wala,,may naisip lang ako...iyon yun..tama!"parang ewan na sagot ko.
"Malaki na talaga sira mo!" Sabi naman niya sa akin.
"Hoy-" 
"Tok..tok..tok.."naputol ang sasabihin ko ng may kumatok. Ano ba iyan akala ko umalis na siya.
"May tao" sabi sa akin ni sam. Pakialam ko, bahala siya sa labas.
"Tok.tok..tok.."rinig ulit naming katok. Kaasar naman eh. 
"Sabi ng may tao sa labas" sabi pa ni Sam,sabay tayo..
"Teka!" Pigil ko sa kanya "ako na ang magbubukas!,upo ka na lang diyan!" Sabi ko pa. At nagtungo sa may pinto. 
"Buti naman naisipan mo pang buksan ang pinto" ha?nanlaki naman ang mata ko.

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon