CHAPTER 35

232 16 0
                                    

CHAPTER 35 
BAKLA P.O.V
Nandito kami sa bar, pero wala akong gana uminom. Tahimik lang ako habang ang mga kaibigan ko,yun enjoy na enjoy. Magboboy hunting lang pala sila sinama pa ako..
"Hoy! Bakla! Tahimik ka diyan!"sabi ni Macy sabay abay sa akin.
"Oo nga, nakakapanibago, hindi ka rin umiinom" nagtatakang sabi naman ni flora.
"Tapos, ang daming boys pero hindi mo pinapansin, anyare sayo bakla?"tanong pa ni Lucy.
"Wala lang akong gana uminom, atsaka wala ako sa mood para magboy hunting."sagot ko naman. 
"Si Sam ba?"seryosong tanong ni Macy. Ano raw? 
"Ha? Bakit napasali si Sam?"nagtatakang tanong ko. 
"Asus kunwari ka pa,tayo-tayo na lang dito, maglolokohan pa ba tayo. Kilalang-kilala ka namin" sabi pa niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Konti pa lang naiinom niyo pero mukhang lasing ka na!"natatawang sabi ko.
"Kunwari ka pang hindi mo alam, atsaka hindi pa ako lasing ano'" sabi niya ulit.
"Tumigil ka nga diyan Macy! Kung ano-ano pinagsasabi mo!, uminom na lang tayo" pagaaya ko, gets ko naman talaga eh! Hindi pa lang ako ready!
" asus! Ikaw bahala! Kung ayaw mo pang pag-usapan, ayos lang sa amin. Nandito lang kami para makinig, support ka namin d ba mga beks?" Dagdag pa niya, "oo naman" sagot ng dalawa. Kilalang-kilala talaga nila ako, napangiti na lang ako.
"Cheers" sabi ko sabay inom. 
"Para sa pagbabago ni bakla, cheers" sigaw naman ni flora. 
"Mga siraulo kayo" natatawang sabi ko sa kanila.....
Hay naku Sam! Ano ginawa mo sa akin,....

SAM'S P.O.V
Hay!! Uwian time na!! Nag-inat-inat muna ako, nangalay ako dun ah!. Agad Kong inayos mga gamit ko, para makauwi na. Wala si Bakla kaya magbabiyahe ako. After Kong makatapos sa pag-aayos, agad na rin akong bumaba para mag-abang ng masasakyan. 
"Ano ba iyan! Wala pang dumadaan na sasakyan!"reklamo ko. Pero wait! Tawagan ko kaya si bakla?, pero baka makaabala lang ako. Kahit naman sinabi niya natawagan ko siya, kakahiya parin. Baka masira ko lang ang bonding nila, huwag na nga lang...
"Bakit ba walang dumaraan na sasakyan ngayon, kung kailan wala si bakla! Kainis naman!"reklamo ko habang nag-aabang ng masasakyan. Gabi na pero until now hindi parin ako nakakauwi. No choice ako, tawagan ko na lang si bakla... Agad Kong kinuha ang cp ko...
"Pambihira naman oh! Ngayon pa na lowbat ito!"asar na sabi ko, "buwesit!"sabay balik ng cp sa bag ko. Paano na ako nito?... 
"Bakla help me!!" Sana dumating siya!!! May napansin naman ako na dalawang lalaki na nakatingin sa akin... 
Oh my!!! Natatakot na ako....bakla asan ka na?,,,huhuhu...napaub-ob na lang ako..habang umiiyak..
"Sam!!!"napaangat naman ang tingin ko sa tumawag sa akin. Agad-agad akong tumayo at nagtatakbong lumapit at yumakap sa kanya...

BAKLA P.O.V
Kanina pa ako hindi mapakali, ewan ko ba kinakabahan ako. Naisip ko bigla si Sam, 7 na! Nakauwi na kaya siya? Dali-dali kong tinawagan siya pero hindi ko siya macontact.
"Ano ba iyan! Bakit di ko siya matawagan!"inis na sabi ko.
"Oh bakla! Anyare? Bakit di ka mapakali diyan?"pagtatanong ni flora.
"Si Sam kasi, hindi ko macontact! Kinakabahan tuloy ako" sagot ko, habang tinatry parin kontakin siya. Buwesit naman oh. 
"Baka nasa bahay na yun! Try mo tawagan number niyo sa bahay" suggestion naman ni Lucy. Oo nga no'. Agad kong dinial ang number sa bahay namin...
"Wala parin eh..."kinakabahan kong sabi. "Baka hanggang ngayon na sa office pa siya o d kaya walang masakyan" nag-aalalang sabi ko. Oh Sam asan ka na ba?
"Sige na bakla! Puntahan muna siya!"sabi naman ni Macy.
"Sige! Pasensiya na mga bakla, bawi na lang ako sa susunod" paalam ko sa kanila, at agad nagmaneho papunta sa office. 
'Oh Lord sana okay lang siya'

-
Sino kaya iyon?

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon