CHAPTER 20

279 17 0
                                    

CHAPTER 20
"SAM'S P.O.V
Hay... Hanggang ngayon nawiwindang parin ako, kung ano man ang trip ng baklang yun dina nakakatuwa. Konting-konti na lang mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya..ay mali sa mga ginagawa niya pala, bakit ba kasi ganun siya, para yatang mas gusto ko na lang mataray siya. Atleast iyon kaya kong sabayan, eh eto babaliwin yata ako eh...
"Wahhhh...mababaliw na yata ako dahil sayo!!" Sabi ko sabay sabunot sa buhok ko.
"Hoy! Anyayare sayo? Okay ka lang?" Biglang sulpot ni bakla. Mukha ba akong okay? Siya may kasalanan nito eh....
"Yeah! Okay lang ako...oo okay lang ako..." Pilit na sabi ko. Sinungaling ka na ngayon Sam!!! 
"Ok ka lang ba talaga? Mukhang hindi eh!" ulit na tanong niya. Sabay abay sa akin.
"Oo okay lang ako hehehe.." Sabi ko sabay tayo
"Oh san ka pupunta?" Pigil na tanong niya sa akin.
"Sa lugar na malayo sayo" bulong ko..
"Ano iyon?" Tanong niya..
"Ha? Sabi ko may gagawin pa pala ako, sige" sagot ko sa kanya.
"Wait! Umiiwas ka ba sa akin?" Ba't ba kasi ang kulit nito. Hindi ba halata parang gusto ko sabihin sa kanya eh...
"Ha? Hindi!! Bakit naman kita iiwasan aber?" Tanggi ko naman
"Talaga ba? Kasi feeling ko iniiwasan mo ako eh" sabi naman niya.
"Baka feeling mo lang iyon" sagot ko.
"Baka nga, bakit mo naman ako iiwasan? Wala naman dahilan para Iwasan mo ako di ba?" Tanong niya pa habang pilit na hinuhuli ang Mata ko.. Oh no please lang!!!! Ibalik niyo na sa dati!! Alisin niyo ang sapi na meron siya..
"Tama!" Pagsang-ayon ko.. Aalis na Sana ako kaso lang... Hinila niya ako pabalik sa kanya. Kaya tuloy napayakap ako sa kanya.
"Ano ba! Bakit ka ba nanghihila?" Inis na sabi ko.
"Eh bakit ba kasi iniiwasan mo ako?" Tanong niya. Bakit ba kasi hirap nitong pakiusapan.
" hindi nga kita iniiwasan okay" sagot ko.
"Eh bakit di ka makatingin sa akin ng diretso?" Tanong niya ulit.
"Oh eto! Okay na ba ito?" Sabi ko sabay tingin sa Mata niya. 
"Oo," agad na sagot niya..pero nakatitig parin siya sa akin.
"Ang Ganda mo talaga lalo na sa malapitan" biglang sabi niya.. Pwede ba akong kiligin? Bakit ba kasi lakas magpakilig ng baklang ito..
"Oo alam ko, actually matagal ko ng Alam" sabi ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko..
"Hehehe ang cute mo talaga....crazybhabe.." Sabay pisil sa ilong ko... 
"Aray! Naman!! Wala namang pisilan ng Ilong" saway ko sa kanya..pero wait! Ano tawag niya sa akin?
"Anong sabi mo kanina?" Tanong ko sa kanya
"Alin dun iyong ang cute mo?" Sagot naman niya
"Hindi iyon," iling ko naman " iyong huli. Iyong tawag mo sa akin, ano yun?"
"Ah yun ba!, crazybhabe" baliwalang sagot niya.. Crazybhabe daw? Saan galing iyon?
" Crazybhabe?" Pag-uulit ko
"Oo baliw ka kasi, tapos gusto kitang tawaging bhabe kaya yun" sagot niya naman, sabay alis. Ano raw baliw ako tapos gusto niya akong tawaging bhabe? Pero bakit?
"Ha? Hoy! Sandali!" Tawag ko sa kanya kaso hindi na siya lumingon. Baliw din pala yun eh.. Kaasar siya ha! Lalo akong hindi matatahimik nito..... Kaasar!!!!

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon