CHAPTER 60

209 12 0
                                    

SAM'S P.O.V
Gusto ko pa sana matulog kaso, paano ko gagawin? May makulit na nangbubulabog sa pagtulog ko. 
"Sleeping beauty gising na"pangungulit niya habang kinikiss bawat bahagi ng mukha ko. 'Mga galawan din nito eh! Iba din'
"Open your eyes"pangungulit niya pa,"alam kong gising kana"sabi pa niya. Minulat ko naman ang aking Mata, at bumungad sa akin ang mukha niya na nakangiti sa akin.
"Good morning crazybhabe ko"nakangiting bati niya sa akin. 
"Good morning din bekibhabe ko"nakangiting ganti kong bati sa kanya.
"Bangon kana,para makapagbreakfast na tayo"utos niya sa akin, habang inaalalayan ako. 
"Antok pa ako"sabi ko at nagkunwaring inaantok. Sumimangot naman siya
"Hindi pwede yun! Bumangon kana diyan! Paano ang date natin"paalala naman niya sa akin. 
"Dahil nga sa date natin kaya inaantok pa ako hanggang ngayon"pag-amin ko 'tunay po yun'
"Ako din naman, hindi rin halos nakatulog kagabi"pag-amin din niya.
"Pero gumising parin ako ng maaga para magprepare ng breakfast natin dalawa, tapos ayaw mo naman bumangon diyan"pangungunsensiya niya pa. 
"Ito naman! Naglalambing lang yung tao eh, hindi mo pa nagets"sabi ko sabay tayo. Tumingin naman siya sa akin na parang naguguluhan. 'Bahala ka diyan'
"Sige, mauna ka na sa baba, mag-aayos lang ako"dagdag ko pa at pumasok na ako sa banyo at ginawa ang mga morning rituals ko hahaha.
Paglabas ko nagulat na lang ako at nanduon parin siya.
"Oh bakit nandito ka pa?"tanong ko sa kanya.
"Hinihintay ka"sagot naman niya.
"Pero di na naman kailangan eh" sabi ko naman sa kanya. Lumapit naman siya sa akin
"Pero gusto Kong gawin"sabi naman niya at umakbay sa akin. "Gusto ko kasi sabay na tayo bumaba, para massweet"dagdag pa niya. Pinalo ko naman siya
"Sweet ka diyan!paano si Gigi? Baka naghihintay na siya dun sa baba"sabi ko pa.
"Nakaalis na siya kanina pa, hindi na siya nakapamaalam kasi tulog ka pa raw" sagot naman niya.
"Ah! Kaya pala dumadamoves ka"pang-aasar ko sa kanya.
"Bakit, bet mo din naman ah"sabi niya sabay kindat. 'Landi
"Alam mo ang landi-landi mo ngayon!"sabi ko pa sa kanya.
"Ikaw lang naman nilalandi ko eh"ganti sabi naman niya.
"Ako nga lang ba?"paninigurado ko pa
"Oo naman! May iba pa ba?"pagtatanong naman niya.
"Aba'y Ewan ko sayo, basta ako ikaw lang! Pero Ewan ko sayo kung may Bebe este iba ka pa diyan"pagpaparinig ko pa sa kanya. Natawa naman siya
"Wala akong iba! Ikaw lang"sabay kindat niya sa akin.
"Nek-nek mo! Eh ano yung bebeboy? Bebegirl thingy?"pagtatanong ko pa. Natawa naman siya.
"Hindi naman halatang selos na selos ka niyan"natatawang sabi pa niya. Lumayo naman ako sa kanya.
"Sige tumawa ka diyan! Kung tawagin ko rin kayang baby si Jeric" pagbabanta ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin.
"Sige subukan mo! Nang makapatay ako ng tao"paghahamon naman niya 'grabe makapatay agad?'
"Grabe ka naman! Makapatay agad?"gulat na sabi ko pa
"Hindi ako nagbibiro, kaya kong gawin yun sa mga taong nagbabalak na kunin ka sa akin"seryosong sabi pa niya. Nakaramdam naman ako ng takot.
"Huwag mo nga akong takutin diyan! Kahit may magtangkang agawin man ako sayo, hindi naman sila magtatagumpay, dahil sayong-sayo lang ako"sabi ko sabay kindat sa kanya, ngumiti naman siya.
"Pero huwag na huwag mong matatawag na baby ang buwesit na lalaking yun!"pahabol pa niya.
"Grabe ka naman dun sa tao, may pangalan naman yun, atsaka nagbibiro lang naman ako eh"sabi ko sa kanya.
"Kahit sa biro huwag na huwag mong gagawin"dagdag pa niya
"Okay po"pagsuko ko. "Pero hindi lang dapat ako,dapat ikaw din"balik na sabi ko sa kanya
"Anong dapat ako din?"pagtatanong naman niya
"Dapat ikaw din walang ibang tinatawag ng kung ano-anong callsign , gaya na lang ng Bebe!"sagot ko sa kanya.
"Hahaha, tawagan na talaga namin yun ni Angel Simula pa noon"natatawang sabi niya
"Eh ano naman, hindi ba pwedeng baguhin? Kailangan talaga bebeboy ang itawag niya sayo at bebegirl tawag mo sa kanya?"pagtatanong ko pa. Lalo lang naman siyang natawa.

"Bakit ba tawa ka ng tawa diyan? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?"parang naiinis na sabi ko sa kanya.
"Sorry, hindi ko kasi mapigil matawa sayo, ang cute mo kasi magselos"natatawa parin na sabi niya.
"So tinatawanan mo lang ako?"pagtatanong ko pa "buti pa pala ay huwag na lang natin ituloy itong date natin, at ang yayain mo na lang makipagdate sayo at iyong Bebegirl mo!!"paghahamon ko sa kanya. Natigilan naman siya at sumeryoso 'takot din pala eh'
"Huwag naman! Ito naman joke lang! Sorry na!"paglalambing pa niya.
"Wala ka namang dapat ipagselos kay Angel eh,"dagdag pa niya.
"Anong wala! Kung makapulupot siya sayo daig pang ahas. Sobrang makadikit sayo tapos sasabihin mo wala akong dapat ikaselos? Ano yun joke?"sabi ko pa sa kanya.
"Close lang talaga kami, yun lang"paliwanag naman niya.
"Close! Bakit sino ba talaga iyong Angel na yun ha? Ex mo ba siya?"pagtatanong ko pa sa kanya. Na ikinatawa niya ulit 'bakit may Mali ba sa tanong ko?'
"Si angel? Hahaha,"natatawang sabi pa niya 'konti na lang babatukan ko na ito.'
"Oo nga! Ano mo ba siya?"naiinis na tanong ko pa
"Gusto mo ba talaga malaman?"natatawang tanong niya pa
"Malamang kaya nga tinatanong ko di ba?"pagtataray ko pa. Tumawa mo na siya bago sumagot.
"Si Angel lang naman ay..."
"Ano?"naiinis na talaga ako pasuspense pa eh
"Relax! Heto na!"sabi pa niya
"Tagal"naiinip na sabi ko pa
"Cousin ko siya"sagot niya na ikinalaki ng Mata ko..
"Cousin as in pinsan?"pag-uulit ko pa
"Oo"sagot niya, 'ano ba yan! Pinsan niya pala yun!!'
"Now u know! Wala ka dapat iipagselos kasi cousin ko siya"natatawang sabi niya pa..
"Oo na"nahihiyang sabi ko... Buwesit na yun, sells na selos ako sa wala.... Kakahiya kaya....

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon