CHAPTER 66

185 13 0
                                    

SAM'S P.O.V
Ilang araw na ang nakalipas, mula ng magdate kami. Pero hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on sa mga nangyari. Tapos lalo na ngayon, sobrang sweet niya pa. Hay, naloloka ako,
"Para kang baliw, ngumingiti mag-isa"biglang sabi niya, ng makalapit siya sa akin. Nandito kami sa opisina.
"Lakam-pake! Masaya ako eh"sabi ko naman sa kanya. Ngumiti na lang naman siya at umabay sa akin, sabay hug.
"Hoy! Ano ba! Baka may biglang dumating at may makakita sa atin"saway ko sa kanya, habang nakatingin sa paligid.
"Eh ano naman! Kung makita nila, eh di mainggit sila"pangangatwiran naman niya. Pinisil ko naman ang ilong niya.
"Ikaw talaga! Pero alam mo naman, boss ka dito tapos ako secretary mo. Tapos makikita nila na ganito tayo. Baka kung ano na lang sabihin nila" paliwanag ko sa kanya.
"Eh di bahala sila! Basta masaya tayo eh, wala silang pake. Ikaw narin may sabi boss ako dito"sabi niya pa habang yakap-yakap parin ako. Pinanggigilan ko naman ang mukha niya.
"Ikaw talaga! Gusto mo lang manyakap eh, para-paraan ka din eh"natatawa kong sabi. Natawa naman siya
"Gusto mo rin naman eh,"pang-aasar niya sa akin. Tumawa na lang din ako..
"Taray! Ano ito?"rinig namin, kaya kaagad kaming napalingon sa nagsalita.
"Oo nga? Anong meron?"tanong nila ulit. Nakatingin lang kami sa kanila.
"Hoy! Tulala lang?"dagdag pa ni Macy.
"Kayo na ba?"tanong naman ni Gigi. Yeah, tama ang basa niyo, sila, sina Macy, Lucy, flora, at Gigi ang dumating.
"Hala!! Umurong na ba ang dila niyo?"natatawang tanong pa ni Flora. Paano kaya kami sasagot, ay sunod-sunod ang tanong nila.
"Tss, ano tapos na kayo magtanong? Pwede na ba kaming sumagot?"sabi naman ni bakla, oo ganun parin tawag ko sa kanya, dun kasi ako nasanay eh.
"Oo, so ano nga?"sabay-sabay nilang tanong
"Wow naman! Sabayang bigkas lang ang peg? Ano na naman ba ang ginagawa niyo dito? At talagang kumpleto pa kayo ha?"pagtatanong pa ni bakla.
"Hoy, bakla! Kung bakla ka pa nga, huwag mong ibahin ang usapan!"Sabi naman ni
"Hoy di ko iniiba ang usapan! Pero gusto ko lang malaman, anong gingawa niyo dito?"balik na sabi naman ni bakla sa kanila.
"Wala naman naisipan lang naming tatlo na dalawin ka. Nagkataon lang na nakita namin si Gigi, kaya sama-sama na kaming pumunta dito."paliwanagnaman ni Lucy
"So ano na nga! Kayo na ba kuya? Sam?"pagtatanong naman ni Gigi. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni bakla. Kahit ako, hindi ko rin alam ang isasagot. 'Ano nga ba kami? Kami na ba? Pero hindi naman siya umamin? Pero nagkiss na kami! Ano ba iyan!'
"Ha eh-" hindi ko na natapos ang isasagot ko ng biglang nagsalita so bakla.
"Hindi pa" sagot niya, napatingin naman ako sa kanya, hinawakan naman niya ang aking kamay. Medyo na nadismaya ako doon, pero totoo naman na hindi pa nga kami.
"Ano!!! Hindi pa?????"sabay-sabay na sigaw ng apat. Ay grabe sila?
"Bakit?"tanong naman ni Macy.
"Anong bakit?"takang tanong ko naman.
"Bakit hindi pa kayo? Ganun? Di ba nagdate na kayo? Eh bakit hindi pa kayo?"tanong pa ulit ni Gigi. 'Ewan ko, tanong ko din iyan'
"Pakialam niyo ba! Mga tsismosong ito! Pumunta lang ba kayo dito para sumagap ng balita"sagot naman ni bakla.
"Parang ganun na nga,"pag-amin naman ni Flora.
"Pero teka, kung hindi pa kayo eh ano ang nadatnan namin kanina? Atsaka ito?"tanong ulit ni Gigi sabay pakita ng isang envelope.
"Ano iyan?"takang tanong ko sa kanya.
"Oo nga, ano iyan?"tanong din ni bakla.
"Envelope"pamimilosopo naman ng tatlo. Sinamaan naman sila ng tingin ni bakla.
"Kita nga namin, ang tinatanong ko anong laman niyan?"sabi niya sabay turo dun sa envelope.
"Tingnan niyo kaya, para malaman niyo. Tapos saka niyo sabihin na hindi pa talaga kayo"sagot naman ni Gigi. Agad ko namang kinuha ang envelope at binuksan. Nagulat naman ako ng makita ko ang iba't-ibang litrato namin. Noong nagdate kami, iyong kiss, at kung ano-ano pa. 
"Paano?"gulat na tanong ko habang nakatingin Kay Gigi. 'Paano niya nakuha ang mga pictures na ito?'
"Saan mo nakuha ito? Bakit ka meron nito?"tanong din ni bakla, tumawa naman si Gigi.
"Sa photographer"natatawa paring sagot ni Gigi. Lalo naman kaming naguluhan.
"Sa photographer? Nagbayad ka ng photographer para sundan at kunan kami?"tanong ulit ni bakla.
"Ganun na nga"nakangiting sagot naman ni Gigi.
"Kaya nga, pwede ba ipaliwanag niyo sa amin, kung ano ang ibig sabihin niyan! Malinaw naman sa litrato, nagkiss kayo tapos sasabihin niyo Hindi pa kayo? Anong tawag dun? Niloloko niyo ba kami!"dagdag pa niya. 
"Hindi naman sa ganun, hindi kasi...ah..eh.. Basta magulo"parang ewan na sagot ko. Paano ba namin ipapaliwanag kahit nga ako naguguluhan din eh.
"Ha?"naguguluhang tanong pa ni Gigi, at ang tatlo naman ay tahimik lang na nakikinig.
"Ah...kasi...ganito kasi..yun-"
"Hindi pa kami! Iyon ang totoo. Kaya pwede ba, tigilan niyo na ang pagtatanong"parang naiinis na sagot ni bakla. Napatingin naman ako sa kanya, bakit parang nasasaktan ako dun!
"Hay! Ewan ko sa inyo! Ang gulo at ang labo ninyong kausap"dismayadong sabi pa ni Gigi.
"So, yun lang ba ang kailangan niyo dito? Pwede na kayong umalis kung wala na kayong tanong"sabi pa ni bakla. Tahimik lang naman ako, ewan, totoo naman na hindi pa kami, pero parang ansakit...
"Ay!grabe siya! Dito muna kami,"sagot naman ni Macy.
"Oo nga, tambay muna kami dito, ikaw Gigi?" sabi naman ni Lucy
"Ako, aalis na, pero isasama ko si Sam"sagot naman ni Gigi. Naikinagulat ko.
"Ako?" Tanong ko sa kanya
"Yap!bonding muna tayo"sabi pa niya
"Hindi pwede! Hindi mo pwedeng isama si Sam"tutol naman ni bakla.
"At bakit kuya?"tanong naman sa kanya ni Gigi
"Kasi ayaw ko"sagot naman niya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Ako ba hindi nila tatanungin kung gusto ko ba o hindi?
"At sino ka naman kuya para pagbawalan siya? Boss ka lang naman niya di ba?"pagtatanong ulit ni Gigi. Naikinainis naman ni bakla.
"Basta! Hindi mo pwede isama si Sam" giit pa niya
"Hay naku kuya! Hindi mo kami mapipigilan!"
"At hindi mo rin pwedeng pagbawalan si Sam, dahil boss ka lang naman niya, at hindi ka niya boyfriend. Kaya isasama ko si Sam! Tapos!"giit na sabi naman ni Gigi, bakit pakiramdam ko inaasar lang niya ang kuya niya. Pero kung iyon nga ang balak niya, I think nagtagumpay siya.
"Bakit ba ang kulit mo ha!"inis na sabi pa ni bakla sa kapatid niya.
"Ikaw kuya ang makulit!hindi ako"inis narin na sabi pa ni Gigi. 'Bahala sila!'
"Ikaw ang ang makulit! Sinabi ko ng hindi mo pwedeng isama si sam. Tapos!"giit pa niya
"Bakit mo ba siya pinagbabawalan ha? Bakit boyfriend ka ba niya?"biglang tanong naman ni Gigi. Natigilan naman si bakla, ako naman nakatingin lang sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.
"Ano kuya? Bakit natahimik ka?boyfriend ka ba niya?"tanong ulit ni Gigi.
"Hindi"mahinang sagot niya sabay iwas sa akin. 'Ouch'
"So iyon naman pala eh! Kaya wala ka ng magagawa. Aalis kami ni Sam"pang-aasar pa ni Gigi.
"Sabi ng-"hindi ko na pinatapos si bakla
"Sasama ako Kay Gigi"putol ko sa kanyang sasabihin.
"Sam"parang hindi makapaniwalang sabi niya. Habang nakatingin sa akin.
"Tara na Gigi!"pag-aaya ko Kay Gigi
"Una na kami sa inyo! Bye!"paalam ko pa, at nauna ng maglakad.
Masakit...pakiramdam ko tinanggi ako....
Pero nagsabi lang naman siya ng totoo hindi naman talaga kami. Pero ano ba talaga kami?

Hanggang dito na lang muna😊

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon