CHAPTER 83

188 10 0
                                    

SAM'S P.O.V
Hanggang ngayon, yakap-yakap parin niya ako. Napangiti na lang ako, halatang-halata na namiss niya ako ng sobra. Napatingin naman ako sa mga tao, nakatingin sila sa amin. At ang iba ay kinukuhanan kami ng video. 
"Sam, huwag mo na ulit gagawin yun ha. Huwag mo na ulit ako iiwan"sabi niya habang nakayakap parin sa akin. Ramdam ko naman na parang umiiyak siya. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya para makita siya. At umiiiyak nga siya.
"Sssshhh...sorry at iniwan kita. Sorry kung umalis ako, nang hindi ka muna pinakinggan."sabi ko sa kanya, habang pinapahid ang mga luha niya.
"Sorry din kung dahil sa ginawa ko nasaktan kita, at muntik ka pang napahamak"dagdag ko pa. Umiling naman siya
"Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Ako dapat ang humingi sayo ng tawad. Kung sana maaga pa lang sinabi ko na sayo ang lahat. Eh di sana hindi na tayo umabot sa ganito. Patawarin mo ako Sam, dahil naging duwag ako. Patawarin mo ako Sam dahil nasaktan kita"hinging paumanhin niya.
"No! Wala kang kasalanan, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Siguro kailangan talaga natin pagdaanan ang lahat ng iyon. Pareho tayong nasaktan at nahirapan. Pero ang mahalaga naman ay magkasama na ulit tayo."sabi ko naman sa kanya habang hawak-hawak parin ang mukha niya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya sa akin.
"Pero mangako ka sa akin ha, hindi kana ulit aalis. Hindi mo na ulit ako iiwan. Ang hirap kasi kapag hindi kita nakikita. Para akong pinapatay Sam. Kaya huwag na huwag ka na ulit lalayo. Dahil hindi ko na kakayanin Sam. Hindi ko kaya ng wala ka, masisiraan ako ng bait."pakiusap pa niya. Tumango naman ako
"Promise, hinding-hindi na ako lalayo sayo. Hinding-hindi na kita iiwan pa. Kung may hindi man tayo pagkakaunawaan, papakinggan muna kita. Hinding-hindi na ako magpapadalos-dalos. Dahil tulad mo sobra akong nahirapan ng wala ka. Para akong mababaliw kapag hindi kita nakikita. Sobrang miss na miss kita, kaya promise hindi na ulit ako aalis.ko
Ngumiti naman siya sa akin.
"So bakit ko pa papatagalin ito. Hindi man ito iyong perfect place para sabihin sayo iyong nararamdaman ko. Malayo man ito sa planong binabalak ko. Pero wala eh"kakamot-kamot na sabi pa niya na para bang kinakabahan
"Sa kakaplano ko, nagkaaway lang tayo. Kaya mas mabuti na ito, dahil ayaw ko ng lumipas pa ang araw na hindi ko nasasabi ang tunay na nararamdaman ko sayo"sabi niya pa habang nakatitig lang sa Mata ko. Bakit pakiramdam ko kami lang ang tao dito.
"Sam...teka..paano ba ito.."kinakabahan na sabi niya pa. Natawa naman ko
"Uy! Huwag mo nga akong tawanan kita mo na ngang kinakabahan na yung tao."sabi niya pa
"Eh paano ba naman kasi, ang cute mong tingnan"natatawang sabi ko pa,napanguso naman siya
"Ok sige na, behave na ako"sabi ko pa, ngumiti naman siya
"Okay game na"sabi niya pa sabay hinga ng malalim. Pilit ko naman pinipigilan na hindi matawa
"Sam"panimula niya
"Yes"sagot ko naman
"Sam naman eh!"maktol pa niya, hindi ko naman napigilan na hindi matawa
"Okay, okay, sorry. Ito naman inaalis ko lang ang kaba mo"natatawang sabi ko pa
"Okay, ito na talaga"seryosong sabi niya, tumingin naman ako sa kanya
"Sam"panimula niya ulit,tahimik lang akong nakatingin sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung saan ko ba sisimulan. Inaamin ko na sobra akong kinakabahan ngayon. Ganun pala iyon ano kahit ilang beses mo ng pinaraktis, nakakakaba parin."sabi niya sabay hingang malalim
"Pero, wala ng urungan ito. Hindi na ako ulit maduduwag. Kahit na nga daig ko pang naiihi dito sa sobrang kaba."natatawang sabi niya pa, napangiti naman ako
"Sam, hindi ko alam kung paano? O ano bang ginawa mo sa akin. Noong Una kitang nakita, aaminin ko na nagandahan talaga ako sayo. Pero hindi ko pinansin yun, dahil nga bakla ako. Kaya nga pinagtripan kita, pinahirapan. Pero hindi ko na namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sayo."huminga muna ulit siya ng malalim. Tapos tumingin ulit siya sa mga Mata ko
"Noong una hindi ko pa maamin sa sarili ko, pilit kong sinasabi sa sarili ko na, hindi pwede dahil bakla ako. Pero kahit anong pilit kong itanggi sa sarili ko. Paulit-ulit ka naman tumatakbo dito sa isip ko. At hindi lang isip ko ang ginulo mo pati puso ko, sinakop mo. Kaya kahit ayaw Kong aminin sa sarili ko. Hindi ko naman maitatanggi na nahuhulog na ako sayo. Kaya naman laki ng galit ko ng biglang dumating si Jeric sa buhay natin. Sobrang nagselos talaga ako sa kanya na nais kong ipatumba na lang siya"pinalo ko naman siya
"Pero may maganda din naman na naidulot ang pagdating niya kasi kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko marerealize kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sayo."nakangiting sabi niya pa
"Dahil sa kanya narealize ko na hindi ko pala kayang makita kang may kasamang iba."dagdag pa niya, napangiti naman ako.
"Sabi ko sa sarili ko, hindi ako papayag na mapapunta ka sa kanya. Sa akin ka lang dapat. Na tayo lang dapat."sabi niya pa habang diretsong nakatitig sa Mata ko
"Aamin ko Sam, bago lang lahat ng ito sa akin. Hindi rin ito pumasok sa isip ko noon. Na pwede akong magkaganito dahil sa isang babae. Pero wala akong nararamdamang pagsisisi. Hindi ko kailanman pagsisihan na minahal kita, at patuloy kitang mamahalin Sam"seryosong sabi niya pa. Alam ko na naman na mahal niya ako pero iba parin pala kapag narinig mo na galing sa kanya.
"Mahal na mahal kita Sam, ikaw iyong pinakabest na nangyari sa buhay ko"nakangiting sabi niya pa. Napangiti rin naman ako, at niyakap siya..

Can't Fight This Feeling Anymore ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon