First Day

1.2K 40 65
                                    

7:00 AM

Roseanne: NAY!! LATE NA KO! DI PA BA MAINIT YUNG ULAM?

Manang Rosa: Sabi naman sayo ibabaw mo na lang dun sa kanin e, mainit naman yun.

Roseanne: NAY, HINDI NGA PWEDE!! DAPAT MAINIT SILA PAREHO PARA PAGDATING DUN, SAKTONG MALIGAMGAM LANG. SAKA DAPAT SABAY SILANG LALAMIG PARA SIPSIPIN NUNG KANIN YUNG MANTIKA AT SABAW NUNG ULAM! SCIENCE NAY!

Manang Rosa: Eto na... Bali 129 lahat.

Roseanne: HA??? DI BA 99 LANG TONG MEAL NA TO?

Manang Rosa: 15 isang extra rice.

Roseanne: HINDI MO KO MAHAL!!!! SABIHIN MO NA KASI YUNG TOTOO!!!!

Manang Rosa: Sige na. 99 na lang. Masamid ka sana.

Roseanne: SALAMAT NAY!!! AYLABYU!!!!

...

...

...

...

Manang Rosa: Kala ko late ka na? Hinihintay mo?

Roseanne: Yung sukli kong piso. Kalahating Maxx din yun e.

*****************

6:30 AM

Lalisa: Nay, Tay. Pasok na po ako.

Tristan: Ay eto baon mo anak.

Nag-abot ng 500 kay Lisa.

Lalisa: Tay, pang-one week po ba to? Parang ang liit po.

Tristan: Ay hindi, ngayon lang yan. Hingi ka rin sa nanay mo at malamang kulang yan.

Elaine: Eto iha, para pag may naging kaibigan ka, libre mo ng kape.

Nag-abot ng 1000 kay Lisa.

Lalisa: Uhmmm... Mga mahal kong magulang, mayaman na po ba tayo???

Tristan: Hindi naman sa nagmamalaki pero...

Elaine: Iha. Sabihin na lang natin na... hindi na natin kelangang maghating tatlo sa isang lata ng vienna sausage simula ngayon.

Lalisa: *Gasps*  WEHH?!! So bakit po sabaw lang yung baon ko?

Tristan: Hindi pa lang kami naggrogrocery. Last na yan. Bili ka na lang ulam dun. Masarap daw pagkain dun e.

Lalisa: Salamat po! I love you!!



*****************

7:30 AM

Jenjie: Manang! Where's my bag? I'm super late.

Katharina: Ay anak, sandali. Yung pisngi mo hindi pantay...

Papantayin ni Manang Katharina at iflufluff ang pisngi ni Jenjie. Nakataas ang isang kilay ni Jenjie habang nakatingin sa kanya ang nakasalamin niyang tagapag-alaga.

Jenjie: What are you doing, manang?

Katharina: Kelangan maganda ka syempre. Orientation niyo, paano kung paakyatin ka sa stage tapos mas malaki yung isang pisngi mo. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa lolo mo?

Jenjie: Shheeessshhhh. Just get it over with.

Kukurut-kurotin ni Katharina ang kanang pisngi ni Jenjie.

Katharina: Ayan, mukha ka nang siopao na mamahalin... Sige na late ka na. Ingat anak.

Jenjie: Thanks manang. See you later.



*****************

5:00 AM

Jisu: Bakit sarado pa gate, maaga ba ko?

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon