Dinner

305 12 9
                                    

Matapos ang kani-kanilang mga activities, nagkita-kita na ulit ang apat sa Pang-eat Floating Resto, isa sa mga kilalang buffet sa Palawan. Nakareserve ito para sa kanilang school tuwing 8PM hangang 10PM ng gabi.

Maaga dumating sila Jenjie, Lalisa at Jisu sa buffet kung kaya't nakapili agad sila ng isang table na malapit sa kuhanan ng kanin bilang malasakit sa kanilang hinihintay na isa pang roommate. Dumating si Rows ng mga 7:55 at halatang sobrang saya nito.

Rows: HELLO EVERYONE!!!

Lalisa: Ang tagal mo ha. Mukhang nag-enjoy ka sa date mo.

Rows: UNDERSTATEMENT OF THE CENTURY, MY DEAR ROOMMATE.

Jenjie: I demand a blow by blow account.

Lalisa: Except dun sa mga medyo intimate.

Jenjie: ESPECIALLY dun sa mga medyo intimate.

Rows: WALA AKONG IKWEKWENTO!!! HAHAHAHA!

Jisu: Gusto ko rin ng kwento...

Rows: FINE! ANG PILIT NIYO E. KUHA MUNA TAYO FOOD. 8 NA!

Tatayo ang apat at lilibot sa iba't-ibang station ng buffet. Makaraan ang 2 minuto, babalik na si Jisu sa lamesa.

Jisu's plate: Isa't kalahating takal ng kanin, dalawang pirasong beef, maraming broccoli, pancit canton na puro sahog at wala halos noodles at dalawang thigh part na fried chicken. May maliit na mangkok din siya na may lamang egg soup.

Kasunod na uupo ay si Jenjie at si Lalisa na sabay natapos kumuha ng pagkain.

Jenjie's plate: Dalawang slice ng pizza, carbonara na maraming bacon at parmesan cheese, breast and wing part na fried chicken at isang hiwalay na plato na puno ng french fries.

Lalisa's plate: Spaghetti, dalawang stick ng barbecue, kanin na katabi ng spaghetti at may konting sauce din ng spaghetti, 4 na lumpiang shanghai at isang hiwalay na plato na puno ng hipon at alimasag.

Jisu: Wow... Sabay kayo kumuha pero parang magkaibang panig ng mundo yung pagkain niyo.

Habang ngumunguya ng broccoli si Jisu ay mapapansin niya si Jenjie at Lalisa. Tatanggalin ni Jenjie yung balat ng manok at yung pakpak at ibibigay kay Lalisa. Pipilian din niya yung pizza at tatanggalin yung mga bellpeppers na ilalagay ulit niya sa plato ni Lalisa. Samantala, si Lalisa naman ay busy na naghihimay ng hipon at alimasag na kalahati ay binibigay niya kay Jenjie.

Jisu: Mukha kayong magjowa.

Hindi man lang narinig nung dalawa si Jisu habang busy silang kumain.

Jisu: Sabi ko nga. Nasan na ba yung babaeng yun? Baka kelangan ng tulong sa pagdadala.

Darating bigla si Rows na may dalang isang plato lang.

Rows' plate: Isang cup ng kanin, gulay na may itlog ng pugo, tatlong pirasong fish fillet at isang maliit na hiwa ng inihaw na liempo.

Jisu: Rows? Ayos ka lang?

Rows: YUP!

Jisu: Sure kang ayos ka lang?

Rows: AHHH... ALAM KO NA KUNG BAKIT KA NAGTATAKA. WALA KASING ADOBO KAYA KONTI LANG KAKAININ KO.

Jisu: Okay...

Lalisa: Rows?? Okay ka lang ba?

Jenjie: Oo nga. Isang rice lang?

Jisu: Okay na guys. Nadiscuss na namin. Balik na kayo sa sariling mundo niyo.

Lalisa: WEH? IKAW MAY SARILING MUNDO.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon