Lalisa

393 15 1
                                    

Matatapos ang mga classes ni Lalisa at babalik siya sa dorm. Nandun na sila Jisu at Roseanne kaya sabay sabay na sila kakain. Walang nakakita kay Jenjie.

Pagkayari nilang magdinner ay magpupunta raw library si Jisu para mag-advance study at si Roseanne ay babalik ng dorm para matulog. Maliligo si Lalisa at mapapaisip na lang...

Hay buhay... Nasan na si Jenjie... Hindi siya pumasok sa klase namin at wala rin siya ng dinner... 8 PM na pero wala pa ring balita...

Pagkayari niyang maligo ay aasa siyang nakabalik na si Jenjie pero wala pa rin. Nag-aalala na siya ng konti...

Lalisa: Rows, labas lang ako. Try kong hanapin si Jenjie... Pasabi na lang kay Jisu pag tapos na mag-aral sa kung nasan man sya.

Lalakad pababa ng dorm si Lalisa. Makikita niya ang kanilang dorm manager na naggugupit ng kuko sa may labas. Naisipan niya magtanong kung saan pa ba pwedeng magtago si Jenjie?

Lalisa: Ate Xy, saan nagtatago ang mga pasaway na estudyante...

Tatlong option ang sasabihin sa kanya, sa creek kung saan naglalampungan ang magjojowang ayaw pahuli, sa fourth floor ng arts and sciences na building ngunit sarado na yun ngayon. At sa gym na tambayan daw ng mga nagyoyosi o drugs.

So... Creek or gym... I don't think may girlfriend or boyfriend siya... Pero malabo rin na nagyoyosi or drugs siya... Bahala na nga...

Creek

Oh god... Nasa impyerno ba ko?

Sa bawat sulok ay may naglalampungang mga babae. Mapapansin din niya ang isang pamilyar na titser na may kausap na babaeng halatang estudyante. Hindi nga lang niya mamukhaan kung sino dahil nakatalikod.

Momo: Lalisa, ginagawa mo dito?
Lalisa: Ate Momo... Hinahanap ko roommate ko, nawawala e.
Momo: Naku, kung wala siyang jowa malabong pumunta dito yun. Napapahamak mga walang jowa na pumupunta dito.
Dahyun: Babe, sali siya?
Lalisa: I should run now...
Momo: Yup...

Dali-daling tatakbo si Lalisa papunta sa gym. Madilim na sa daan at walang ilaw na malapit. At hindi naman sa duwag si Lalisa pero may isang bagay na takot na takot talaga sya.

Meow...

Shit... What the fuck am I doing?

Tatakbo si Lisa at makakarating na rin sa gym. Marami ngang mga batang nagyoyosi sa may ilalim ng bleachers ngunit wala pa rin si Jenjie. Lalakad na siya palabas ng...

Meow... Ngiyaw...
Mewrr... Reawwww...
Meow...

Isang batalyon ng pusa ang nakapila na parang nag-aabang ng pagkain. Si Lalisa na parang may natapakan kaning kung ano sa creek ay tinitignan ng kanilang kumikinang na mata.

Fuck this shit...

Tatakbo siya ng sobrang bilis. Hindi na niya alam kung saan siya papunta ng madapa siya at tatama ang kanyang siko sa graba ng daan papuntang parking. Magcucurl na lang siya in a fetal position para takpan ang kanyang mukha laban sa kalmot.

Help!!! Please!!!!

Jenjie: Shoo!!! Shoo!!!!!

Mararamdaman na lang ni Lalisa na may humahaplos sa kanyang ulo at likod.

Jenjie: Okay na. They're gone.

Titingin si Lalisa na parang nanginginig pa. Pagkakita nya ng mukha ni Jenjie ay mapapayakap na lang siya with matching tears.

Nginuya Ngunit Hindi Nilunok!!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon